Chapter 1

32 3 4
                                    

Christian POV

"Boss Topher…" sabi ni Neil Lubog sa kabilang linya.

"Andyan na ba ang lapastangan na kumuha ng kayamanan ko?" Sagot ko.

"Oo boss! Kaya pumunta ka na dito." Sagot ni Neil. Siya ang aking kanang kamay at namamahala sa grupo kapag wala ako.

Ibinaba ko na ang telepono at dumiretso na papunta sa aming headquarter. May laban pa akong dapat tapusin.

Pinagbuksan nila ako ng pintuan at nilapitan ko ang lapastangan na nakaupo at nakatungo.

"Boss…" sabi ni Ferdinand habang inabutan ako ng upuan. Umupo ako dito at humarap sa lapastangan.

"Ilabas mo na ang dapat ilabas." Mahinahon kong sabi, pasalamat nga siya at marunong pa ako kumalma.

"Hinding-hindi ko iyon ilalabas." Sigaw niya sa mukha ko at anak naman ng tipaklong! Tumalsik ang laway niya.

"Para naman atang hindi mo ako kilala bata." Sabi ko habang pinupusan ang laway na tumalsik sa aking mukha.

Ngumisi lang siya. Mukhang matapang ang isang ito.

"Hindi ako natatakot sa'yo lalo na diyan sa ulo mong kalbo!" At dito na nga nagpintig ang aking tainga.

Dahil mukhang naghahanap naman siya ng sakit ng katawan, eh di bibigyan ko siya.

Binigyan ko siya ng suntok sa mukha, sipa sa iba't-ibang parte ng katawan at sinampal ko ang kanyang mukha.

"Tama na! Tama na! Ito na ibibigay ko na!" Sabi ng lapastangan at ibinigay ang dapat ibigay!

Nyemas! Bibigay din naman pala.

Kinuha ko ito at binigyan ng isang malakas na suntok para makatulog.

"I'm Christopher D. Monyo and no one dares to mess with me." Sabi ko at ngumisi.

"Langyang yan! Kapal ng mukha kuhanin ang tinitindang Ariel ni boss! P7.50 na lang eh! Hindi pa makabili." Sabi ni Marcos, kapatid ni Ferdinand.

Tama kayo! Ariel ang dahilan kumbakit bugbog na 'yung isang 'yon. Kung namamahalan pa siya sa Ariel eh di sana Tide na lang ginagamit nila!

"Sige mauna na ako mga Kwek kwek! Kanina pa ako hinihintay ni Nanay at walang tatao sa tindahan!"sabi ko sa kanila.

"Sige boss Ingat! Pakain kami mamaya ah?" Sabi ni Neil.

"Mga ulol!" Sabi ko at tumalikod na.

Hutaaaa! Makauwi na nga at baka magalit pa si Nanay.

Oo, ako si Christopher D. Monyo, isang kalbo pero hindi ito ang nagdidikta ng pagkatao ko.

The Legend of KalboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon