Chapter 2

24 3 3
                                    

Christopher POV

"Anak bumili ka nga muna ng lahok sa adobo! Wala na kasi sa tindahan natin eh!" Napahinto ako sa ginagawa kong pagkalikot sa malabo naming TV ng marinig ko ang sinabi ni Nanay.

"Sige Nay!" Sabi ko at isinuot ang aking Rayban sunglass at suot ang ling itim na damit na may nakalagay na "Back off"

Dumiretso na ako sa pinakamalapit na tindahan sa amin.

"Pagbilhan po!" Shems! Marunong pa din ako gumalang.

"Ano 'yun?"

"Pabili nga po ng suka!" Sabi ko at kukuha ng pera sa aking wallet.

"Ay wala! Doon sa kabila Toy!" Naknamputs!

"Sige po toyo na lang!" Kukuha na sana ulit ako ng pera.

"Wala nga Toy! Doon sa kabila!"

"Sige po paminta na lang! Yung durog na po!" Kukuha na ulit ako ng pera. Nakakairita na eh!

"Wala nga!"

"Wala pa din? Sige luya na lang po! Gawin nyo na pong tatlong luya ah!" Tungunu! Nakakayamot na ah!

"Wala nga bata! Bakit ba ang kulit mo ah?!" Aba! Sila pa may ganang magalit?! Sila na nga di nagbibigay ng magandang serbisyo eh!

Nag-iinit na ang kalbo kong ulo dito kaya sinipa at hinampas ko ang gate nito.

"Walang kwenta! Magsara na kayo!" Sigaw ko.

Lumabas ang isang matabang lalaki at may hawak na kutsilyo. Ayoko pang makatay kaya napatakbo ako ng mabilis.

"HUTAAAAA! HARDWARE ITO!" narinig ko pang sigaw niya.

***

Napahawak ako sa isang poste upang suportahan ang napapagod kong katawan. Buti na lang mabilis ako tumakbo.

*punas pawis*

Pinagmasdan ko kung saan na ako nakarating. Narito na pala ako sa park sa lugar namin.

Napansin ko ang isang babae na nakaupo sa isang bench. Nakatungo at natatakpan ng kanyang mahabang buhok ang kanyang mukha. Maganda kaya ito? Biglang sumagi sa isip ko.

Pansamantalang tumigil ang mundo ko ng bigla niyang itunghay ang kanyang ulo at tumingin sa langit. Mula sa kinatatayuan ko, kitang-kita ko ang maamo niyang mukha.

Pero parang may mali? May ipinapakitang lungkot ang kanyang mga mata.

Alicia POV

Andito ako ngayon sa park, mag-isa at nalulungkot. Kulang na lang ata ulan para mukha na akong gumagawa ng music video.

***Flashback

"May babae ka ba?" Diretsahan kong tanong sa boyfriend kong si Harold.

"Wala!Ano ba yang pinagsasabi mo Icia?" Nakakunot noong tanong niya sa akin. Ilang beses na akong sinasabihan ng mga kaibigan ko na may kalandian itong si Harold. Pero ngayon lang ako nagkaroon ng lakas na loob na komprontahin siya.

"Anong wala?! Eh ano yung nababalitaan ko na may kahalikan ka sa gym?!"sigaw ko sa kanya. Halatang nagulat siya sa sinabi ko dahil nanlaki ang mata niya.

"Siya yung humalik sa'kin Icia!" Eh di totoo nga?! Wala na akong ibang ginawa kundi paghahampasin siya habang patuloy na umiiyak.

"Look Icia! Siya yung humalik sa akin. Hinigit niya lang ako but promise I didn't like it." Pagpapaliwanag niya.

"Eh noong isang araw bakit---" hindi na niya ako pinatapos ng bigla siyang sumigaw na labis kong ikinagulat.

"Seriously Icia? Paniniwalaan mo ang ibang tao kaysa sa akin? Ako na boyfriend mo!" I see anger and pain in his eyes.

"Hindi nama----"

"No Icia! Ang ibig lang sabihin nito ay wala kang tiwala sa akin! Grabe ka Icia!"

"No baby gus-----"

"Magusap na lang tayo kapag matino ka na Alicia!" Sabi niya at tumalikod at naglakad na papalayo sa akin.

Napaupo na lang ako at hinayaan ang puso ko na umiyak.

***end of flashback

Nakakainis naman kasi eh! Ang gusto ko lang naman malaman kung ano yung totoo. Yun lang! Pero ganoon na agad yung reaksiyon niya.T^T

Napasabunot na lang ako sa frustration.

"Sayang naman ang ganda ng iyong mga mata kung iiyakan mo lang siya."

Nagulat na lang ako ng may magsalita sa likod ko. Pagkatingin ko ay isang kalbong matangkad pero maputi ang bumungad sa akin. May inabot siya sa aking panyo at tinanggap ko naman ito.

Napatungo naman ako sa realization na may nakakita pala sa akin kung paano ako umiyak.

Nang magpapasalamat na sana ako ay bigla na lang siyang nawala sa harapan ko.

Inilibot ko pa ang tingin ko pero hindi ko na talaga siya nakita.

Di bali na! Baka magkita pa naman kami.

Topher POV

Akalain mo yun?! Nagsalita ako ng ganoon sa isang babae? At naisip pa ng kalbo kong ulo ang mga ganung salita!

"Anak?! Asan na yung pinapabili ko?" Sigaw ni Nanay. Ngunit hindi ko siya pinansin dahil naiisip ko pa din yung babae na yun.

"Anak?! Oh ano na dala mo?" Sigaw ulit ni Nanay.

"Pagmamahal Nay!" Wala sa sarili kong sagot.

The Legend of KalboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon