Chapter 1: Job

55 5 0
                                    

Naomi's POV

"Naomiiiiiiiiiii !" halos tumambling ako sa pagkagulat sa lakas ng boses ni Mama.

"Aray ko, nabasag ata eardrums ko" sinalat salat ko pa yung tainga ko, baka may dugo eh

"Naomiiii ! Isa pang tawag ko sayo ipupukpok ko na sayo itong sandok na hawak ko!"

"Andyan na po!" sabi ko na parang multong naglalakad palabas ng pinto

"Si Mama talaga parang ewan! Daig pa alarm clock ng buong bayan sa lakas ng boses eh" hihikab sana ko ,pero bago ko pa naman mabuksan ang bibig ko ay tumambad na sakin ang maladevil na mukha na ni Mama sa sobrang galit nang binuksan ko ung pinto

*POiNK*

"Araaaay! Ma naman eh" ikaw ba naman pukpokin ng sandok sa ulo. Diba masakit yun?!

"Wag ka nang umarte, nakahanda na ang almusal. Bumaba ka na't kakain na tayo" sinunod ko naman si mama , ayoko na kayang mapukpok ulit ng sandok nuh!

---------

"Ma anong oras na?" Tanong ko kay mama habang nilalagyan ko ng kanin yung plato niya

"8:30" walang emosyong sabi ni mama habang kumukuha ng ulam

"Ano!" daig ko pa si Lightning McQueen sa bilis kong magbihis at tumakbo palabas ng bahay. 7:00 lang ang interview ko para sa trabaho, isang oras at kalahati na akong late! Buti na lang mabait si God at may humintong jeep sa harap ko, hindi ko na kaylangan pang maghintay

After 123456789 years.
Nandito pa din ako sa daan .Langya naman oh! Letche plan ! Traffic !

"MAMA , Para po!" bumaba na ako ng jeep, baka mabilis pa ako sa usad ng mga sasakyang ito. Nagsimula na akong tumakbo.

"Huhuhuhu! Lord nakikiusap po ako sayo, sana po hindi pa tapos ang interview" dasal ko habang tumatakbo. Amoy pawis na ako , naligo na nga lang ako sa pabango dahil hindi na ako makaliligo dahil late na ko tapos . Huhuhu!

"Ano ba! Ang lalaki nang mga katawan ninyo, bakit hindi kayo magtrabaho!"

"Bakit tanda , ano ba tawag mo sa ginagawa naming panghoholdap sayo ngayon? Diba trabaho?"

"HAHAHAHA!"

"Ano ba bitiwan nyo nga ako!" dahil nga sa may kalahating tsismosa ako ay tumigil muna ko sa pagtakbo at tinignan kung sino yung sumisigaw

"Akin na nga sabi yang hawak mo tanda!" sabi nung lalaking parang hindi gagawa ng mabuti , habang nakikipag agawan ng bag dun sa babae

"Ano ba sabi nang ibigay mo eh!" sabi nung isa pang lalaki na ang mukha eh parang kasapi sa organisasyon sa balete drive in short mukhang maligno :D

"Hula ko mga bakla tong mga to! Sabagay ang ganda nga naman nung bag ni Lola!" Pero----

*PAK*

"Aba! Hindi ba pinag aralan ng nga ito ang GMRC, pra sampalin na lang ng ganun si Lola!" dahil ang kalahati ko ay pakilamera, wala nang salita salita pa ay pinagsusuntok at pinagsisipa ko na yung dalawang lalaki na ewan ko kung lalaki nga .At tsk. Sisiw lang pala sa sisiw itong mga to, knock out agad!

"Lola eto na po yung bag nyo. Mag-iingat na po kayo sa susunod Lola, dahil po sa panahon ngayon marami na pong baklang walang good manners. At sa susunod din po, wag na po kayong lalabas na may ganyang bag, baka po sa susunod hindi lang po itong dalawang ito ang mang-agaw sainyo niyan" Biro ko kay Lola habang ginigising ko yung driver ni Lola na parang nahimatay lang sa takot.
"HAHAHA, salamat iha ah" sabi ni lola . Infairness ah! Ang ganda pala ni lola . Parang Half British siya , ang tangos ng ilong tapos ung labi nya may pagkapinkish at ung shape perfect na perfect, yung kulay niya sakto lang yung pagkaputi na medyo mapula siguro dahil nasinagan ng araw, tapos yung buhok niya medyo mahaba kaso maputi na kaya nasabi ko siyang matanda na .

"Baka kung hindi dahil sayo,eh baka kung ano na ang nangyari sakin" ang ganda niyang ngumiti pati ngipin niya ang puti at pantay pantay pa

"Here" may inabot siyang maliit na papel "Kung may maitutulong ako sayo puntahan mo lang ako diyan . By the way Ahhh---"

"Naomi po" sabi ko sabay ngiti

"Ah . What a georgeous name. Naomi *ngiti* thank you. Sige , mauna na ako sayo at may iinterview-hin pa ako" natauhan lang ako sa pagpapantasiya sa mukha ni Lola nang marinig ko ung word na interview

"Maam, ok lang po ba ka---"

"Waaaaaaah! Huhuhuhu" wala na, wala na talaga, hindi na ako umabot. Napakamalas ko talaga!

"Oh iha, is there something wrong? May masakit ba sayo?" tanong ni lola sakin na dapat sana eh pasakay na nang kotse niya

"Huhuhu. Lola hindi po ako umabot sa interview, wala parin po akong trabaho"

"Tssst. Don't worry that. Tomorrow, magpunta ka dyan sa binigay ko sayong card.I'm sure na makakuha ka na nang trabaho" sabi ni lola pagkatapos ay pinat ang ulo ko at naglakad na pabalik sa kotse

"Thank you again iha. See you when I see you" sabi niya saka sumakay na ng kotse

"Ano daw trabaho? Waaaaaah! May trabaho na ako! Waaaah"

Bryle's POV

"Yah , kakauwi ko lang galing states. Ou kay Lola ako magistay the whole month. Ok! See you when I see you"pagkatapos nun ay in-end ko na yung call. Wala paring pinagbago itong Manila.Kahit kailan mausok pa din !

"F*ck sh*t" halos matanggal ang gulong ko dahil sa higpit ng prenong ginawa ko .Sino ba tong babaeng to.!

"Who the f*ck are you? If you want to die, Pwes! Wag mo akong idamay!"

"Hoy! Lalaking tinubuan ng sungay sa ilong , wag mo akong minumura! Sino ako? Ano pake mo?. At hindi ko pa balak mamatay nuh! Bukas pa nga lang ako makakapagtrabaho at wag mo akong isisi diyan sa katangahan mo! Dahil, hello red light na po oh! Tsk!"sabi niya sabay pulot sa mga straberries na nahulog ata.

Napatingin ako sa traffic Light at oo nga red light nga .Tsk.

"Whatever!" Sabi ko saka sumakay na ng kotse.

"Here" saka ko hinagis ung five thousand at hinarurot ko na ung kotse

"Hoy! Yung mga strawberries ko! Hoy ! Sayo na tong pera mo isaksak mo diyan sa pagmumukha mo!"Dinig kong sigaw niya .Tsk . What do I expect .Loser naman talaga ang mga babae

Battle of the Bands (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon