Fading Skies of September

43 1 5
                                        

RUIZES DELA NUEVO

Napatingin ako sa pinto ng office ko dahil may kumatok do'n. "Come in."

"Doc, hindi ka pa uuwi?" Napalingon ako kay Yca, she's my friend at nurse siya rito sa Psychiatric Ward.

"Hindi pa. I still have some paperwork to finish," sagot ko saka sumimsim ng kape ko.

"Kunin ko lang 'to," saad niya saka kinuha ang isang chart. "Kung mamaya ka pa uuwi, mauuna na 'ko." I slightly smiled at her saka tumango.

"Text me when you get home," I said as she walked away. She lives alone in her condo kaya medyo nag-aalala rin ako.

After almost an hour ay natapos na rin ako sa ginagawa ko kaya nagligpit na ako ng mga kalat sa lamesa ko saka inalis ang coat ko. It's past 11 in the evening kaya sigurado akong naghihintay na siya sa bahay. Matapos magligpit ay nag-ayos na ako ng sarili bago lumabas ng office saka dumiretso sa parking lot. Pagkastart ng kotse ay kaagad na minaneho ko ang sasakyan sa malapit na Dunkin' Donuts store. She likes sweets. Hindi pa man ako nakakaparada sa harapan ng store ay napahinto na ako nang matanaw ang isang babae sa harap ng store at nakatingin sa menu. Awtomatikong itinabi ang sasakyan sa gilid saka bumaba ng kotse.

"Ianna," I called her name. She was wearing my black hoodie kaya halos abot tuhod na ang laylayan no'n sa kaniya. "Why are you here? Sabi ko naman sa iyo 'wag kang lalabas e."

She pouted her lips saka tumingin sa menu. I smiled before opening my wallet saka um-order ng box ng munchkins na alam kong paborito niya, kahit kabibili ko pa lang sa kaniya nito kagabi. Bahagyang napakunot ang noo ko nang makitang awkward na ngumiti ang tao sa cashier. Kaagad kong kinuha ang sukli at box ng in-order ko saka hinawakan ang kamay ni Ianna at isinakay sa kotse.

"Why are they staring at us?" inosenteng tanong niya saka kinuha ang binili kong donut at kumuha ng isa.

"I don't know," sagot ko sa kaniya saka lumapit para ikabit ang seatbelt niya. "Don't go out next time, okay? Baka kung ano pang mangyari sa iyo dito sa labas." Ngumuya siya saka tumango sa akin.

Tipid akong ngumiti saka tinanguan din siya at saka pinaandar na ang kotse. Pagkarating namin sa bahay ko ay kaagad siyang tumakbo sa couch. I felt tired yet happy to see her face.

Ianna Eria is one of my patients who's also suffering from mental illness, paranoia, and schizophrenia. I had to keep her on my side since napalapit na rin ako sa kaniya. Based on the information I've got before, her mother sent her to the psychiatric ward and never visited her after that. There are some rumors that she seduced her stepfather that's why her mother kicked her out pero ayoko na lang na bastang maniwala sa sabi-sabi nila. I tried bringing up the topic to her before pero sumusumpong lagi ang paranoia niya, kaya iniiwasan ko na lang din. These days ay napapansin kong kalmado na siya at bibihira na lang ang delusions niya.

After we ate dinner ay inihatid ko na siya sa kwarto niya. Bago pa man ako makalabas sa kwarto ay napahinto ako nang maramdamang yumakap siya sa beywang ko. Ramdam kong isinandal niya ang ulo niya sa likod ko, hanggang balikat lang naman ang taas niya. I felt weird feelings na matagal ko ng pilit na dini-disregard.

"Thank you, Ruizes." I smiled when I heard my name on her.

"Rest now, Ianna," tugon ko saka inalis na ang kamay niya saka hinatid ulit siya sa higaan niya at inayos ang kumot niya.

Pagkalabas ko ay pumasok na rin ako sa kwarto ko. Nagshower lang ako saglit saka binuksan ang phone ko. May message galing kay Yca, naka-uwi na raw siya kaya hindi ko na rin nireplyan pa. Nagpatuyo lang ako ng buhok pagkatapos saka natulog. Kinabukasan ay saktong oras lang ang pagkagising ko dahil magluluto ako ng breakfast namin Ianna pero napatigil ako nang marinig ang kaunting ingay sa kusina. Pagkasilip ko ay naabutan ko si Yca, she's wearing my apron.

Fading Skies of SeptemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon