Hi po, adik po pala ako sa bato! Tama! Pero, hindi po iyong literal na bato. Iyong tao na parang bato.
Sa totoo lang, nangako talaga ako sa sarili ko na hinding hindi ako mahuhulog sa isang taong hindi naman ako gusto. Kaso, alam mo 'yon? Kahit anong iwas mo, susundan at susundan ka parin ng temptasyong pinanggigigilan mo.
Simula Grade Seven, gusto ko na ang taong 'yon, pero nung marinig ko ang mga tilian ng mga kaklase ko habang shiniship silang dalawa ng bise presidente ng aming klasroom, bigla akong nawalan ng pag-asa.
Kaya ang ginawa ko nag simula na akong mag pa rehab, mula sa malala kong sakit na tinatawag na, 'pag kakagusto sa isang bato'.
Ngunit, sa isang kisap mata biglang dumating ang panahon na muli tayong nag kita. Iyon 'yong time na napadasal nalang ako na 'lord, ibalik mo na ang Community Quarantine, kahit i lock down mo pa lord, oks na oks 'yon sakin, basta hindi ko lang makita ang photogenic nyang mukha.
Kaso nga lang, mukhang hindi narinig ang aking dalangin dahil, nag simula na nga ang face to face classes.
Kung pwede lang maging si Narda, handa kong gawin lahat malunok lang ang batong pinaka matigas sa lahat.
Oo, ang hirap maging adik sa bato. Kahit ilang beses na akong nag pa rehab, hindi ako tinatablan nito, dahil ito mismo ang nang u-udyok saakin upang, mas maging adik pa ako dito.
BINABASA MO ANG
HELLO, MR. PRESIDENT
Teen FictionHow fast does, a heart beat? Kaya mo bang mapigilan ang lakas ng tibok ng iyong puso kapag nandyan ang taong nagugustuhan mo? Kaya mo bang pigilan ang umuusbong na kilig mo sa tuwing pinapansin ka ng taong natitipuhan mo? How fast does your heart be...