CHAPTER ONE

1 0 0
                                    

Sabi ng iba, ma me-meet mo raw ang iyong 'true love' when you reach the age of sixteen. Pero, bakit sakin nakita ko na kahit fifteen pa lang ako? Charot.

Ang sarap lang sa feeling na you're lowkey liking someone, tapos ishiship ka ng mga kaibigan mo sa kanya o di kaya'y ng mga kaklase mo without them knowing na you like that individual.

But, what if, what if lang ha, bawal mag overthink. That certain person that you like, is already pumopogi points na sa iba? Oh, it hurts diba?

Kaso lang, hindi na uso saakin 'yang, hurt hurt na 'yan. Kung ayaw nya saakin aba, ipilit natin.

Kahit sandamakmak na plano ang gawin ko ma pa saakin lang ang taong gusto ko, gagawin ko. Take the risk nga, ika nila.

Tawagin ko pa syang 'mahal'  sa harap ng ibang tao, kahit 'wala namang namamagitan sa amin' 'e gagawin ko.

Para saakin kase, ang pinaka dabest talaga ay ang gumawa ng love letter. Kaso, parang hindi mahilig sa love letter ang taong 'yun eh, kaya pass muna. Nakita ko nga noong nakaraan ang binigay ko sa kanya na gift, partida chocolate pa 'yon, branded pa. Ang laki na ng ngisi ko nung mga oras na 'yon mga men, pero gags, itinapon sa basura.

Ayon, bagsak balikat akong bumalik sa aking lamesa. Inaamin kong, para akong binugbog ng ilang milyong beses. Pero, mas masakit parin kapag hindi maka pasa sa klase 'e, tama ako diba?

Dumating narin iyong point na, gustong gusto ko narin syang saksakin ng kutsilyo pero baka ma ICU, kaya hindi ko itinuloy.

Hindi naman masama ang mag kagusto, pero kapag nahulog ka sa isang taong wala namang pake alam sayo, 'yon ang pinaka maling nagawa mo. Charot.

Ito na nga ang tanong, bakit sa ganda kong 'to hindi man lang na 'love at first sight' saakin ang crush ko? Lord, kung ano man ipinaplano mo, please lang ipaalam niyo naman saakin oh.

Siguro, hindi gan'tong mukha ang kanyang tipo, pero kung ipihit nya pakanan ang kanyang ulo at isingkit nya nang kaunti ang kanyang nakakaakit na mga mata, hindi ba mukha na akong si Kathryn Bernardo?

Tama na siguro ang chika mukhang mahaba haba na, mag papakilala na ako.

Mula sa malayong lugar kung saan nakatira ang mga dyosa, ako si Maxence Vincent Ross De Leon. Hindi po ako bakla, pang lalake lang talaga ang tipong pangalan ng aking mga magulang.

Kasalukuyan akong nakatulala sa aking upuan dito malapit sa may bintana. Magkakaroon talaga ako ng early bird ribbon nito. Napaka tahimik pa ng loob ng klasroom sa kadahilanang ako pa nga ang nandito.

Maaga kasing nagising ang lola niyo, mga bandang alas kwatro. Idagdag na natin ang mala flash na galawan. Ayon dumating sa school ng alas singko.

"Ay syempre, early bird tayo pre!" Para akong nag karoon ng tenga ng elepante. Kapag ganoong boses, matic sya na 'yon.

Mabilis kong inayos ang aking uniporme, umupo nang pang dalagang pilipina at huminga ng malalim.

Rinig na rinig ko na ang mga footsteps nila. Siguradong kasama na naman niya ang circle of friends niya and mind you, hindi lang sila sila lima, marami rami 'yan sila.

Close kasi nya ang halos boys sa classroom. Pogi kasi kaya ganoon, may pa estitik style pa, bongga.

"May nauna na pala sa atin HAHAHAHAHA, akala ko tayo ang nauna." Naaasar na sabi pa ni Kier.

Ayan kase, kung anong oras papasok ang lider lideran, iyon rin ang oras kung kailan kayo papasok. Kaya, sorry ka nalang.

"Hi, Vince!" Nakangiting bati saakin ni Geoff. Wow naman, mabuti pa sya. Pero, hindi ko bet ang tawag nya sa'kin. Dapat Max nalang, mas okay pa 'yon eh.

HELLO, MR. PRESIDENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon