Chapter 1

37 3 0
                                    

Chapter 1

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 1

MABILIS akong nagtungo sa comfort room upang isuka ang kinain ko. Nasobrahan kasi ang pagkain ko ng spaghetti and sandwich.

Bilang isang mananayaw at may matayog na pangarap ay kailangan kong bantayan ang aking timbang, puwede akong kumain pero dapat limitado. Kailangan kong alamin ang carbs, content of sugar, calories at iba pang puwedeng makaapekto sa pag-gain ng aking weight. Madagdagan nga lang na isang kilo ang aking timbang ay nagpa-panic na kaagad ako, daig ko pa ang isang Ballerina. Sa madaling salita ay body conscious akong tao, ewan ko ba, noon pa man ay ganito na talaga ako.

Napagdaanan na rin siguro ito ng mga matatagumpay na dancer ngayon at alam kong nasa simula pa lang ako. Wala pa ako sa kalingkingan ng mga bagay na isinakripisyo nila para sa kanilang pangarap. May iba pa nga sa kanila na kailangang isuko ang pag-aaral, pamilya o pag-ibig para doon, it just depends on what can be an obstacle for them to accomplish what they want.

Pagka-flush ko sa toilet ay kaagad na akong bumalik sa table namin ni Angela. Katulad nang inaasahan ko ay nangingiwing inilangan niya ako. "Isinuka mo na naman?" may pagkairita ang tonong tanong niya. "My God, Jamel, ilang beses ko pa bang kailangang sabihin sa iyo na kapag nag-practice ka na ulit sumayaw ay matutunaw iyang mga kinain mo. Hindi ka na nga gaanong nagkakain, isusuka mo pa. Gusto mo bang mamatay?"

Bahagya ko lamang siyang ngitian bago ako uminom ng bottled water. Pagkatapos uminom ay saka ako sumagot. "Ofcourse, I don't want to. That's why I'm trying so hard to make my dream come true." Tinititigan ko lamang siya habang patuloy siyang kumakain habang umiiling.

Nilunok niya muna ang nginunguya niya bago muling manermon. "Aanhin mo pa ang pangarap mo na maging isang dancer kung kalusugan mo na iyang nakataya?" Tumigil siya sandali sa pagkain saka inabot niya sa akin ang sandwich na 'di niya pa nagagalaw. "Oh, kainin mo. Huwag na huwag mong isusuka iyan kung ayaw mong kumain ng sarili mong suka!" pananakot niya pa na sinabayan nang pagpaikot ng mata.

"Ayoko na. I'm full." Naiiling na pagtanggi ko at 'di ko tinanggap ang sandwich na iniabot niya sa akin kung kaya't naiinis niya na lamang iyong kinagat.

"Sige, kapag nagkasakit ka mababalewala rin iyang mga pinaghirapan mo. Ikaw rin. That's your defeat."

Busy kami na nag-uusap ni Angela nang may lumapit sa table namin. Napapangiwi na lamang ako na tumayo mula sa pagkakaupo. Mas maigi siguro na mauna na lang ako sa room kaysa masaksihan ang pagliligawan nila ng manliligaw niyang tomboy.

"I think I have to go. May gagawin pa pala akong assignment," palusot ko. Aangal pa sana si Angela ngunit pinanlakihan ko na lamang siya ng mata. "See you later, enjoy!" paalam ko, at hindi ko na pinagkaabalahan pa na tingnan ang taong nasa tabi na niya ngayon. We're not even close.

I'm not homophobic, sadyang hindi ko lang kaya na makipag-close sa ganoong tao, lalo na't selosa pa naman itong si Ange. I don't wanna repeat what happened before. Basta, mahabang kuwento.

Blazing Fire [GxG, On-going]Where stories live. Discover now