Kabanata LabingWalo: Baby Zayn

1.5K 58 1
                                    

"Banamanyan! Ang daya daya :3 Bakit yakap ng yakap yan?! Type nya siguro yang manok natin!"


Nandito kami sa sala kasama yung mga katulong ni Daddy na nanonood ng Boxing .


"Aba'y ke-duga duga naman yaang kalaban nya. Takbo laang ng takbo"


"Kaya nga Mana-"


"Young Lady nandyan na po ang iyong trainor"


Hanuuuuuuubayannnnn nanonood ako eh. Wrong timing naman yang trainor Kuno' ko. Sabi ni Daddy tuturuan daw akong kumain ng maayos. Teka?! hindi naman ako balasubas Kumain eh T_T


Pasimangot akong tumayo at pumunta sa Kusina na kasing laki ayy mali mas malaki pa sa bahay namin.

Nagbow naman sakin yung trainir kuno' ko. Simula nung tumira ako dito ang pormal pormal na ng turing nila sakin. Sabi ko nga Shaireen nalang itawag sakin pero parang wala lang sa kanila kasi Young Lady pa rin yung tawag nila -_-


Umupo na ako sa upuan pfft malamang alangan naman sa lamesa ako umupo. Tinaas ko yung isang paa ko, mas komportable kasi ako kapag nakapatong yung isang paa ko sa kinauupuan ko. Kung hindi nyo gets yung posisyon ko bahala na kayo haha.


"Put down your foot Young Lady"


Agad ko namang binaba . Pati ba naman yun bawal T_T



"Napkins should be placed on the lap as soon as you are seated. When you get down from the table, leave the napkin, unfolded on the table, to the left of the place setting."


Ako naman ginaya ko nalang sya. Naku ang dami talagang alam ng mayayaman. Akala ko naman yung napkin eh yung sa alam nyo na Girl thing. Meron palang ganito.


"Sit a comfortable distance away from the table, so that with the elbows bent the hands are level with the knives and forks."


Paano kaya ako magiging komportable dito nakakangawit kaya yung naka Straight body -______-


Ako naman halos mahilo sa dami ng klase ng Kutsara at tinidor. Teka?! bakit may kutsilyo din? Naknang -_-


Nung tinuro nya na sakin kung para saan yung mga yun. Nagsimula na rin akong kumain. Oh yeah! eto yung guto kong part :D



"Eh ano na pow ang shushunod?"


Sabi ko habang ngumunuya. Sya naman Tinaasan ako ng kilay. Bakit na naman T______T


"Dont talk when your mouth is full Young Lady"


Nagpout nalang ako. Hindi pa naman puno to. Kasya pa nga isang kangkong dito.


"Keep your mouth closed and try to avoid making noises of any kind while eating, either with implements against the plate or teeth, or with actual ingestion of the food, eg slurping soup."


*******


"Haaaaaaaay"


Binagsak ko yung sarili ko sa malambot na kama. Grabe nakakapagod. Kakain nalang ang dami pang alam sa buhay ng mga mayayaman.


Nakakamiss si Baby Zayn . Yung mga tawa nya, pati yung mga iyak nya. Pati yung daddy nyang gw- ayy mali hindi ko pala namimiss yun psh -_____-


Maya maya nag ring yung selpon kong tatskrin na ngayon. Binigay to ni Daddy eh *0*


"Hell-Ano??!.... Bakit?! Manang naman eh!!!...... Sabi ko bantayan mo yun......Sige papunta na ko.....Bye"



Shet nawawala si Baby Zayn. Saan naman kaya nagpunta yung batang yun. Nagsimula naman akong kabahan, Hindi nya alam yung mga daan dun, Hindi nga yun marunong tumawid eh.

Dali dali akong pumunta sa bahay nila Zorren. Hindi naman siguro ako hahanapin sa bahay.

Nakita ko naman si Zorren na pinapagalitan si manang na ngayoy umiiyak na. Halata kay Zorren na kakauwi lang galing school.


"ANONG GINAGAWA MO DITO?! ALAM MO IKAW YUNG MAY KASALANAN NITO EH! KUNG HINDI MO LANG TINURUAN SI ZAYN NG MGA KALOKOHAN MO HINDI KA HAHANAPIN NUN!!....SH*T"


*Boogsh*


Tumulo na yung luha ko nung sinuntok nya yung pader... Tama ako ang may kasalanan ng lahat.... Ako ang may kasalanan ng pagkawala ni Zayn. Kung hindi ko lang sya tinuruan ng Tagu-taguan bago ako umalis... hindi naman mangyayari lahat ng to. Napahagulgol ako kaya tinakpan ko yung bibig ko.


"Hello?!.....Sh*t"


"Manang kuhain mo yung susi sa loob! S-si Z-zayn daw nasa O-ospital n-nabangga n-g k-kotse"


Pakiramdam ko ng mga oras na yun nawalan ako ng lakas. Parang tumigil yung pag ikot ng mundo ko..... Lalo akong napaiyak nung makita kong umiiyak na rin si Zorren Tapos tinignan nya ko na para bang sinasabi na wag na kong sumunod sa ospital. Napaupo ako at napahagulgol.. H-hindi, M-magiging o-okay l-lang s-si Z-zayn d-diba?!



***********************************


Y/N: Itutuloy ..


Nga pala salamat sa nag Add nito sa Reading List nila :* Sa mga patuloy na nagbabasa nito salamat din :*


Aylabshuu na agad :*



Campus Hearthrob is Already a Daddy?! (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon