Chapter 4

26 2 0
                                    

Shaira's Pov

"Bess!  Sorry,  na traffic kasi ako kaya ngayon lang ako nakarating" hinihingal na sabi ni Lexie

Since highschool magkaibigan na kami, I mean no, parang kapatid na ang turing namin sa isa't Isa kaya naman close na close kami.

"Oo nga pala, Condolence"

Ang kaninang masigla nitong tono ay napalitan ng lungkot. Pilit naman akong ngumiti kahit gusto ko ng umiyak nanaman.

"Salamat" Sabi ko kabang nangingilid na ang mga luha at nanginginig na ang labi. Agad naman nito akong niyakap at inalo.

I just can't believe na sa isang iglap lang ay nawalan qko ng mga magulang, nung time na bumulagta si mommy ay inatake na pala s'ya sa puso.

Hindi na pala ito nakakainom ng gamot dahil sa sobrang stress at hindi ko maiwasang maguilt, habang naghihirap sila ako nandon lang, nagtatrabaho.

Ni hindi ko manlang sila nilaanan ng oras para kamustahin, sa sobrang abala ko para makahanap ng pera pang opera ni daddy nakalimutan ko na sila.

"Masama ba kong anak lex? Kasi mas inuna ko pa yung paghahanap ko ng pera kesa sa kanila. Masama ba ko kasi hindi ko manlang sila napaglaanan ng oras ko?" Umiiyak kong sabi habang nakasubsob sa balikat ng matalik kong kaibigan.

Agad naman 'tong umiling at hinawakan ang magkabila kong pisngi at iniharap ako sa kanya. "Of course not, ginawa mo lang yon para may pang opera si Tito. It's not your fault, ok? Now hush na, makakaya mo to shai, andito lang ako lagi sa tabi mo"

Tulad ko ay umiiyak narin ito, tumango ako at pinunasan ang mga luha. Napatigil ako ng biglang may kumalabit sa'kin, tumingin ako don at napag-alamang si ate Olivia lang pala. Kapit bahay namin.

"Bakit po ate?" I ask, inginiso naman nito ang direksyon ng pintuan ng bahay namin. "Kilala mo ba yon ija?"

Ibinaling ko naman don ang tingin ko at laking gulat ko ng makita kung sino ang papalapit sa pwesto namin.

"S-sir..." Agad akong napatayo at pinunasan ang luha sa mga mata.

"A-anong pong ginagawa nyo dito?"

"Why? Am I not allowed?" Tanong nito, agad naman akong nataranta sa sinabi nya.

"H-hindi po" umiiling kong sabi. Napatingin ito sa dalawang kabaong na nasa harapan namin.

"Condolence"

Seryoso nitong sabi at tumingin sa'kin, Hindi ko alam kung bakit pero nailang ako sa uri ng pagtitig nya sa'kin.

"S-salamat" god shaira! Bat ka ba nauutal?! Nakakahiya!!!

"So...sino 'tong lalaking to?" Mahinang sabi ni lex habang nakatingin kay boss.

"A-ahm. lex, boss ko si sir dark, sir bff ko po si Lexie"

"Nice to meet you" As usual, walang pinagbago ang expression ng mukha nito, nanatiling seryoso.

"It's nice to finally meet you" Sabi nito at nakipagkamay kay boss. Napatigil lang sila ng biglang sumulpot ang isang gwapong lalaki sa gilid ni boss.

"Dre, bakit mo naman ako iniwan? Tsk! Ang bilis bilis mo kasing magpatakbo-" Napatigil ito ng makita kaming dalawa ni lex.

"Well well, hi beautiful ladies. I'm Brandon Martinez"

"Hi"

Sabay naming sabi ni lex at nagpakilala.

"I'm shaira Dixson"

"Lexie Grey" seryosong sabi ni lex sa lalaki at nakipagkamay. Ngumiti ito sa'min pero napatigil ako ng bigla nitong halikan ang likod ng kamay namin ni lex na akmang makikipag-kamay sabay sabing...

Hiding My Twins To Their Heartless Father Where stories live. Discover now