Chapter 7

45 1 2
                                    

Shaira's Pov

"Boss, uminom kana ng gamot" Sabi ko dito sabay bigay ng gamot nito at baso ng tubig na tinanggap naman nya.

Inayos ko ang pinagkainan nya at nilagay ito sa bed side table sabay baling sa kanya. Nakita kong nakatingin ito sakin at mukhang sinusundan ng tingin ang bawat kilos ko.

Nahihiya kong kinuha sa kanya ang baso ng tubig at nilagay din yon sa bed side table.

"Shaira" tawag nito gamit ang baritonong boses nya na nakakapag pataas ng balahibo ko sa katawan.

"M-mmm?"

"Are you leaving now?" Tanong nito.

"Opo, marami pa kasi akong gagawin sa bahay" Sabi ko dito ng nakangiti. Pero natigil ako ng biglang bumagsak ang balikat nito kaya naman agad akong lumapit dito dahil sa pag-aalala.

"Boss! Anong nararamdaman mo? May masakit ba sayo?"

"Sad"

"H-ha?" Naguguluhan kong sabi dito dahil di ko maintindihan ang sinabi nya.

"I'm sad shaira"

"B-bakit ka naman malungkot?"

"Cause you're leaving already"

"Eh?"

"Can you stay here a little bit longer?" Parang tutang nagmamaka-awa sa amo nya na wag umalis. ANG CUTE! Minsan ko lang makita ang gantong side ni boss kaya naman tuwang tuwa ako hahaha.

"Sige" nakangiti kong sabi dito na s'yang nagpakinang sa mga mata nito.

"Really?" Agad naman akong tumango dito.

"But..." Putol ko sa sasabihin ko, hahaha gustong gusto ko yung reaksyon ng mukha nya.

"B-but what?"

"Hanggang sa makatulog ka lang boss, marami kasi talaga akong gagawin sa bahay" nakangiti ko pa ring sabi.

Ngumuso naman ito pero sumang-ayon din sa sinabi ko.

"Sige na, matulog ka na"

"Bakit pinapatulog mo na ko agad? Gusto mo na yatang umalis eh! Sabihin mo nga, may boyfriend ka bang imimeet?" Nakasimangot nitong sabi. Gosh! Anong ugali to boss? Hahaha

"Hindi, marami lang talaga akong gagawin"

"Tsh!" Nakasimangot pa rin ito habang nakahiga at nakatingin sa kisame habang ako naman ay kumuha ng libro dito sa bookshelf sa loob ng kwarto nya at muling umupo sa kina-uupuan kanina.

"Shaira" tawag nito.

"Mmm?" Tugon ko pero hindi pa rin tumitingin sa kanya.

"I can't sleep"

"Eh" agad akong lumapit dito at tinignan sya.

"Bakit boss? Sabihin mo nga, may masakit ba sayo?" Umiling naman ito sabay hila sa'kin pahiga.

"Ahhhh" sigaw ko at sa isang iglap lang ay nakahiga na ko sa tabi nya.

"B-Boss?"

"Dyan ka lang hanggang sa makatulog ako" Sabi nito sabay yakap sa'kin.

AWKWARD

yan ang nararamdaman ko ngayon habang nasa bisig nya at the same time ay kinikilig hihihi. Ang sarap kasi sa feeling na nakakulong sa bisig nya.

*******

"Nakakain na ba ang señorito?" Natigil ako sa akmang pagsara ng pinto at agad na lumingon sa likuran ng may biglang nagsalita.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 10, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hiding My Twins To Their Heartless Father Where stories live. Discover now