1. lll-Newton

51 1 0
                                    

____

"Ma'am, sure na po ba ito? Baka po pwede pa akong sumingit kahit sa Section C?" Halos pagmamakaawa ko sa matandang babae sa registrar office. 

"Oo, Ms. Forteza" Simpleng sagot nya sa'kin 

Ayoko ! 

(T_T)  

Akmang tatayo na sya hindi ko alam kung saan pupunta kaya pinigilan ko muna baka sakaling mapakiusapan pa...

"Ay teka, Ma'am..."

Lumingon sya sa akin at inayos ang kanyang salamin sa mata at hinihintay ang sasabihin ko.. 

"Ma'am, sige na naman po.. ayoko po kasi sa section na iyon eh..." Wooo! kulang nalang lumuhod ako sa harap nya.. 

"Tell me then, why? dahil wala naman masama sa section na iyon.. Ay sige na, pumasok ka na sa room mo at male-late kana. Ipapasa ko pa itong mga classcards sa mga adviser" at lumabas na sya ng office.

lumabas ako ng Registrar office na nakasambakol ang mukha. Waaaahhh!! Hindi ko magiging classmate ang dalawang bff ko. Naiba ako ng section dahil sa nahuli ako ng pag-enroll. Pambihirang eskwelahan ito. Nakaka-inis. 

Ang masaklap pa sa lower section ako napunta. Hindi naman sa pinakalower, pero kasi baka magugulo mga tao dun...edi hindi ako nakapag-aral ng maayos tapos wala pa akong ka-close. Huhu! I doomed. Waaaaahh!! Parang ayoko na tuloy pumasok. Yung ibang nakikita ko puro mga excited pumasok pero ako... 

"Uy, may chicks palang tayong classmate" 

Napaaangat ako ng ulo.. nakatungo kasi akong naglalakad. At lumingon sa lalaking nag-salita baka kasi ako yung sinasabihan nya diba? Oo. assuming lang. Hehe!

Pero pagtingin ko doon sa lalaki, hindi pala ako yung tinitingnan. At tiningnan ko ang babaeng tinitingnan nya na nasa harapan ko pala naglalakad. Medyo matangkad sya sa akin ng kaonti, sexy nga. Tumigil pa yung girl at nagtanong sa lalaki... ay tumigil pati ako. bayun! Paki ko ba sa mga yan... at dumiresto na ulit ako ng lakad na mabagal at mabigat ang paa papunta sa classroom ko..

"Excuse me, dito ba yung lll-Newton?" Pahinhin na sabi nung girl.. nadinig ko pa dahil hindi pa naman ako masyadong nakakalayo sa doon..

"Oo, ate. Dito nga.. pasok kana.. tabi tayo ah" sabi nung lalaki kanina.. 

"Sure" ano bayung boses na yun, parang pilit o ipit eh. hehe

lll-Newton? Napakunot ako ng noo at saglit na nag-isip.. tsk! Slow ko ah, at tumingin ako sa classcard na hawak ko.. 

At yun... Iyon at doon pala yung section na hinahanap ko. 

Pagkatapat ko sa pinto ng room tumingin ako sa pinto at siniguradong ito nga dito nga ako. At tama lll-Newton nga. Tumingin ako sa loob sa loob ng classroom at nakita kong konti palang ang tao.. siguro mga 30 plus. at ang gugulo ng mga lalaki sa likod yung iba naman my mga sariling mundo. Hanubayan! Parang ayoko pumasok.. 

"Psst.." Natauhan ako bigla sa pagtitingin sa mga tao ng may sumitsit. At aakmang tatalikod. 

"Huy, san ka pupunta?" napatingin ako sa lapastangang humawak sa braso ko. De joke lang.. mukhang mabait yung boses..

"Ah eh.." hindi ko alam. Uuwi nalang siguro..

"dito ka din ba?" tanong nya sa akin.. 

"Oo" 

"yun pala eh.. San ka pupunta?" ^_^

Sabi nya at tumingin pa sa labas... hindi pa din nya binibitawan ang kamay ko..

"Wala.. he-he" 

At hinila na ako papasok sa loob ng room.

"dito ka upo tabi tayo.. don't worry walang naka-upo dyan" nasa pangatlong row kami sa right side

"Salamat" at ngumiti lang sya sa akin. 

Mukha naman syang mabait.

Kinuha ko nalang ang Ipod ko at nakinig ng music habang naghihintay ng teacher. Hindi pa din ako masya dong komportable pero kailangan ko ng masanay sa gulo ng classroom na ito. tsk! 

"Hmmm..." Bigla akong napadilat. Napadilat? Nakatulog ba ako?

"Buti, gising kana.. andyan na adviser na'tin" sabi ng katabi ko

Nakatulog nga ako. Haist! Inayos ko ang sarili ko. Nakakahiya naman. ( _ _)

So far, ok naman ang first day ko sa loob ng classroom na iyon. Wala pa naman masyadong klase at yung mga teachers namin sa iba't ibang subject nagpakilala lang. Yung mga classmates ko, okay lang din. Wala pa din akong kilala. (-_-) 

Kahit yung babaeng katabi ko kanina hindi ko alam ang name. Naman oh, hindi man lang ako nag-abala kahit saglit kanina.. 

Pasalabas na ako ng campus ng may humawak ng bag ko kaya napatigil ako sa paglalakad. 

"Hehe" (^_^)v 

"Bakit?" tanong ko 

"Ah, hindi ko pa kasi alam yung name mo.. Ako nga pala si JennyLyn Gante. Jenny nalang. Ikaw?" sabay lahad nya ng kamay nya sakin.. syempre tinanngap ko naman yon 

"Irish, Irish Forteza" 

"Ang sweet nman ng name mo" Sabi nya ng naka ngiti. Ewan ko ah. I found her smile sweet. Parang natural lang sa kanya. Kaya napangiti na din ako

"Hindi naman.." pahumble ako syempre.. 

"Sabay na tayo palabas. Saan ba ang way mo?" tanong nya sa akin noong naglalakad na kami 

"Dyan lang ako mag-aabang ng jeep pa-Zamora. Ikaw?" 

"Ah dun ka pa pala. Hehe.. dyan lang ako sa malapit kaya maglalakad lang ako. Samahan na kitang makasakay"

"Ay nako baka mainip ka lang.. mauna kana" nakakahiya naman sa kanya.

Nakauwi naman ako ng maayos. At talagang hinintay pa nya ako makasakay bago sya umalis. Nagkwentuhan pa kami kanina habang naghihintay. Palagay na din ang loob ko sa kanya. Naglakas loob lang daw syang kausapin ako para may maging friend na sya sa loob ng classroom. Ayos lang naman sa akin at least hindi na ako loner sa room namin. At baka nga bukas o next week dumami na din ang maging kakilala o maging friends ko doon. Well, i hope so. 

Tetext ko muna yung dalawang bff ko at kakamustahin ko ang firstday nila na wala ako. 

Code Name: Heart AceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon