5

23 1 0
                                    

"AYRESSSHHHH!! GISING NA TANGHALI NA!!" 

*TOKTOK *TOKTOK *TOKTOK *TOKTOK....

Haist! Anu ba naman yang si nanay, maka gising wagas! Dilat na dilat na ako oh! Sinong hindi magigising sa sigaw at katok nya?

YAWN!!

"AYRESSSSSHHHH!! GISING NA!!!"

"Opo. Gising na!" Nasa pinto na pala sya. 

"Buti naman, bumangon at maligo kana. Malelate ka na sa skwela" At lumabas na sya ng kwarto

Eto talaga ang kalaban ko kada umaga.. ang katamaran. Tapos napanaginipan ko pa si ano, si Precious. Nakangiti sya sa akin at nakatingin deretso sa mga mata ko habang hawak ang kamay ko. Nag-uusap daw at naka upo sa isang parke. Ewww!! Goshh! Of all people na pwedeng mapanaginipan bakit sya pa? Aghhhh!!  ko tuloy alam kung bad o good mood ang gising ko eh. 

Ewan, makaligo na nga lang. Hindi na para isipin pa yun panaginip lang naman yun at hindi yun mangyayari. 

"Ah nay, pwedeng hindi na muna ako papasok ngayon?" Tinatamad kasi ako... Gusto ko yun idugtong kaso

"ANO? HINDI PWEDE!" sigaw nya. Sabi ko na nga eh. baka mapukpok pa nya ako ng syanse kapag sinabi ko yon.

"Eh nay, kakatapos lang naman ng exams namin for sure magchecheck at magtataas lang kami ng mga papers." Dahilan ko syempre.

"Ano naman? Lahat ba ng guro mo ganoon ang gagawin? Aba, sayang ang araw. Noong araw, kami noon kailangan pa namin manguha at magsibak ng kahoy at mag-ano ng palay para makapasok.. Tapos ikaw kakain ka na nga lang, lahat na nakahanda na tapos tatamarin ka lang? Aba hindi tama yan, Pag-aaral na nga lang ang aatupagin mo hindi mo pa magawa? Ano ba ang mahirap don?" 

O-ow! Sabi na nga ba talaga eh. Mahabang litanya na naman 'to.. 

Pero naisip ko may point naman si nanay. Saka hindi na ako nangatwiran pa baka palayasin ako nyan. Papasok nalang ako, may matututunan pa ako may baon pa ako. Kesa naman dito, wala ako pera puro pa utos gagawin sa akin nyan malamang.  

Binilisan ko nalang ang kain ko ng almusal para makaalis na agad. Naririndi kasi ako sa bunganga ng nanay ko, grabe. Parang armalite.. Ratatatatatatat!!

LOL! (^_^)v

"Irish!" Susko ke aga aga 

Tuloy ang lakad Irish, kunwari wala kang narinig. Bingi ka, bingi. 

"Irish. Huy!!" Ay nako!

Huwag kang lilingon. Bilisan mo lakad malapit ka na sa gate. 

Pero parang tumalon ang puso ko at nagulat ako ng may humawak sa braso ko kaya napaharap ako at napahinto sa paglalakad.

"Kakagulat ka naman" sabi ko nalang sa kanya

"Kanina pa kasi ako tawag ng tawag sa'yo hindi ka lumingon. Maglinis ka nga ng tenga mo! Bingi mo eh." Ganoon? ~_^

"He-he pasensya na ah! Sige una na ako" sabay bawi ng kamay ko sa kanya

"Eto naman. Sabay na tayo" 

Okay fine. Sabay lang naman pala eh. Ewan ko ba bakit inis ako sa kanya. 

"Si Carlene bakit hindi mo kasabay?" tanong ko sa kanya. Mag-isa lang kasi sya

"nasa QC sya kaya hindi makakapasok" Precious.

"Ah okay."

"Bakit ba sya ang hinahanap mo? Eh nandito naman ako?" Mayghaad!

Ang landi naman ng tomboy na 'to. Sa sinabi nyang yun nagblush tuloy ako. ( _ _)

Pero hindi ko yun pinahalata. Baka kung ano pa ang isipin ng mokong na 'to

"Wala naman kasi ako kailangan sa'yo no! Saka classmate ko sya diba?" 

"Sama mo naman.. Ay oo nga pala" Sabay kuha ng bag nya sa mula sa likod nya at may kinuha sa loob

"Ano yan?" Loveletter para sakin? LOL

"Excuse letter nya, paki bigay nalang sa adviser nyo." 

"Ayoko nga. Ikaw na" Biro ko lang yun sa kanya syempre

"Tamad mo! Lika na nga ako na pupunta sa room nyo para makasilay na rin ako kay--" pero hindi nya naituloy ang sinabi nya

At para namang nanikip ang dibdib ko doon. Napahinto tuloy ako sa paglalakad dahil parang nanghina ako. Ano ba 'tong katawan ko. Ang O.A ng reaksyon. Ano naman diba?????? 

Alam ko naman kung kanino sya sisilay kaya hindi na para tanungin. Kaya nga madalas syang nagpupunta sa room namin kapag walang teacher at dumudungaw mula sa 5th floor hanggang sa room namin sa 1st floor para tingnan at magpapansin kay Elaine. Alam ko yun. Hindi ako tanga. 

Letse! Kakabadtrip!

"Uy, hehehehe.. Kasi--"

"Okay lang wala ako narinig." Akala nya siguro idadaldal ko sya.

"Alam ba nya?" tanong ko sa kanya pero umiling lang sya.

Alam ko din yun. Hindi naman kasi sya pansin ni Elaine dahil may boyfriend na yun noh. 

"Teka, kilala mo ba kung sino yung..." 

"Oo" medyo masungit kong sagot sa kanya. 

Kairita kasi eh... pero sana ako nalang.. Ay pootek! San galing yon?? 

"Ssshhh ka lang ah!" 

Wala sira na araw ko. Tama nga yung paalam ko kanina kay nanay dapat pala hindi nalang ako pumasok. Badtrip eh! Breaktime, vacant period, uwian, ang sweet nung dalawa. Halata mo naman sa kilos ni precious yung special treatment nya kay Elaine. Eto namang gaga gustong gusto rin.. Makita sila ng boyfriend nya ewan ko nalang.. Naku!!

Code Name: Heart AceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon