Best Gift

97 2 0
                                    

And then it happened kami na before Christmas Celebration...our first kiss taste like victory at last i won her heart..masaya kami we talk over the phone bago matulog at pagkagising parang may kulang na sa buhay ko pag di ko siya kausap..but not totally happy..we're not open..not completely mine, i can't tell others how proud i am coz she's mine..she's afraid na baka mahusgahan...kung kelan handa na akong ipaalam sa buong mundo kung an ako saka naman takot yung taong mahal ko..


Sa relasyon hindi palagi masaya, hindi palagi nagkakaintindihan, at sigurado magkakaroon at magkakaroon kayo ng problema..

7pm madilim noon mga two to three days after Christmas si B na ngayon ay ex ko na sumugod sa bahay galit na galit...she said she want us to talk, she still love me..noon di alam ng mga kapatid ko at magulang na naging kami,.dahil gaya ni A natatakot ako...sabi ko di ko na siya mahal, sabi ko umuwi na siya,.though nasasaktan din ako sa ginagawa ko..almost magwala na siya sa harap ng bahay..luckyly alang napapadaan kung nagkataon laman ako ng chismisan sa kanto kinabukasan...she left but then iniwan niya yung tablet niya isinabit sa may gate namin...wala akong choice kundi kunin yun...sinubukan kong ibalik yun sa ate niya pero sabi niya kausapin ko daw baka maayos pa namin...dahil wala na talaga di ko na din naibalik yung tab niya...


pagkatapos ng Christmas break..pasok na naman ng school..and yeah..shes enrolled and classmate ko sa isang subject,.kabi kabilaan na ang karelasyon niya..i tried to ignore her kasi sobrang binababa na niya yung sarili niya,,at alam ko that time sarili niya lang yung makakatulong s kanya,..kapag narealize niya na mali yung ginagawa niya,. ayokong lapitan siya alam kong susumbatan niya ako,.ayokong sabihin niya na wala akong karapatan na sabihin sa kanya yung tama dahil mali din naman yung ginawa ko...


nung nagkaroon na ako ng lakas ng loob upang kausapin siya,. i tried to be a friend to her pero sa bawat pag uusap namin binabalik niya yung mga nagyari gay ng pagsasabi na "parang ikaw noon,. nung tayo pa,." nararamdaman ko yung pait sa bawat binibitawan nyang salita at sa huli hindi na ako sumubok pang kausapin siya..dahil pati yung bago niya inaaway na ako,. layuan ko na daw siya,.nakakatawa man minsan pag nagmamahal nagmumukha tayong tanga,..



Ilang taon din ang nakalipas at magtatapos na kami...masaya ang bawat isa kasama na ang pamilya ni A dahil sa unang pagkakataon ay may makakagraduate na sa pamilya nila,. panganay kasi si A,. ako pangatlo sa anim na magkakapatid..nakagraduate na ang tatlo kong ate at makakapagtapos na rin ako..nong panahong yun ay dun pala ako nakatira sa bahay nila A..pumayagang magulang niya dahil ang alam niya ay magkaibigan kami ni A

hanggang sa natanggap na rin si A sa kompanyang kanyang pinasuka nung siya ay intern pa lamang at ako naman ay hirap pang makahanap ng trabaho noon..

sa hindi inaasahang pangyayari nalaman ng magulang ni A yung namamagitan sa aming dalawa..hindi siya pumayag dito ang sabi pa niya ay aalis nalang siya sa kanilang bahay dahil ayaw niya yung relasyon namin,.iyak ako ng iyak noon,. umalis ako sa kanilang bahay at iniwan ko siya..


naging mahina ako at handa na akong palayain siya sa madaling salita pinapalaya ko na siya,. ayoko naman kasi na papiliin siya ng kaniyang mga magulang, alam ko hindi niya ko pipiliin kaya binakuran ko na yung puso ko sa pagkawasak..


ngunit eto ang sabi niya"ayoko,. hindi ko kaya, mahal na mahal kita,. kakausapin ko siya wag mo akong iiwan pakiusap" syempre sa isang taong nagmamahal hindi ka na makakatanggi..

Nag usap na nga sila puro pananakot ang sinabi ng magulang niya,. iiwanan na daw siya at hindi iiwanan ng mana..ngunit nagmatigas siya,. at sa unang pagkakataon ipinaglaban niya ako,. may sakit siya sa puso..umiyak siya ng umiyak hanggang sa hindi na makahinga,. dinala siya sa ospital..sa huli ako ang sinisisi sa nangyari...nang magkaroon na siya ng malay ako agad ang hinanap niya, ngunit dahil masama ang loob ng magulang niya yung kapatid niya ang naghanap saakin,,nang makarating na ako sa ospital wala na dun yung mga magulang niya,. marahil ay iniiwasan nila ako..


Hangang sa gumaling na siya tatlong taon na kami noon at patago parin kaming nagkikita at lumalabas,. nahihirapan na ako sa ganun naming set up,. dumating na sa punto na gsto o nang kumalas,,gusto ko nang palayain yung sarili ko sa pagkakakulong sa relasyon na hindi legal,,at sabi nila mali..wala daw patutunguhan..pero nung kakausapin ko na siya parang alam na niya yung gagawin at naunahan niya na ako"mahal na mahal kita at kahit anongmangyari wag mo akong iiwan" yan yung sabi niya..syempre di ko na naituloy pa yung balak ko.. sa tuwing mag kakatampuhan kami lagi kong sinasabi...ipaglaban mo naman ako sa magulang mo...

ngunit wala parin hanggang ngayon matigas parin siya,.. di niya daw tanggap..wala parin,. di ako nabigyan ng pagkakataon ...

baka hindi pa siya,,baka may darating pang iba..pag pwede na ang hindi at pag tama na ang mali....

Pagkakataon(one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon