Chapter 3: First day of school

4.1K 65 11
                                    

Adrian's Pov
It's our first day of school, at 6:00 na ng umaga. Simpleng araw, at simpleng ako ulit. Pumunta na ako sa ibaba at naghanda ng almusal namin, hindi na kasi ako yung tipong iistorbohin pa si mama, para lang mahanda yung almusal namin. So, as wala na si Papa, ako na yung tumayong padre de pamilya para sa'min. Pagtapos kong mahain yung mga pagkain namin, tinignan ko muna yung orasan sa itaas ng hagdan. It's 6:30 in the morning already. Umakyat na ako sa itaas at pinuntahan si Mama. Ginising ko siya para ipaalam na may almusal na. Pagtapos kong gawin iyon, bumaba na si Mama at ako naman ay puunta kay Thea. Nakita ko siyang sobrang himbing ng tulog. Sobrang ganda niya.. Parang anghel.

"Thea... Gising na.. Mag-ready ka na para sa school, baka ma-late pa tayo."sabi ko.

"Hmmm? Good morning kuya. Sige po kuya bababa na po ako. Ligo ka na susunod na po ako." sabi niya sabay napa-upo.

"Good morning din. Sige, sunod ka na lang baby." sabi ko sabay, alis na sa kwarto. Pagtapos non, pumunta na ako sa banyo at nag-start ng maligo.

**
"Sige mama, alis na po kami. Ingat po kayo. I love you ma!" masayang sigaw ni Thea. "I love you too, Ian ikaw na bahala kay Thea ah? Huwag mo siyang pababayaan. Sige na. Baka ma-late pa kayo. Bye." Mom's reply.

Nagsimula na kaming umalis at naglakad. Walking distance lang naman ang bahay namin, mula sa school na pinagpapasukan namin ni Thea. Kaya, para maka-tipid na din.

7:00 nang makarating kami ng school. May 30 minutes pa para sa first subject ko. "Thea, pumasok ka na ha? Ayusin mo yung studies mo, huwag munang magpapaligaw ha? I love you bunso. Bye bye! Ingat."

"Sige po kuya. Bye!" she said, before she left.
Nang makapasok sa first subject ko, ako pa lang ang tao. Hmm, eh kung pumunta muna kaya ako sa canteen? Bibili lang ako ng canned soda.

Nang makarating ako sa pupuntahan ko, sobrang daming tao. Grabe. Kahit na sobramg daming tao, hindi ko na pinansin. At nagsimula akong bumili ng gusto ko. Binuksan ko agad yung canned soda at bigla akong lumingon. Kaya lang... May isa akong babaeng natapunan sa uniform..

"WHAT THE HECK IS YOUR PROBLEM?!!" Ay? Grabe naman kung maka-sigaw. Kulang na lang eh, maging speaker na sa sobrang lakas ng bibig. "Ooops, sorry. Sorry, di ko simasadya. I'm sorry." I said kasi sobrang nag-aalala na ako. Natapunan ko kasi yung uniform niya. "Haha. Sorry? Sorry?! Di mo sinasadya?! Eh, inpakto ka pala eh! Really?! I saw your eyes, and then I realized that your not blind and then, you'll just mess my precious uniform?! Ano pa kayang magagawa ng sorry mo eh nagawa mo na?!" Grabe naman! Nagpa-sorry naman ako eh. "Uhmmm.. Sorry, I know that I just mess your uniform but, that's just accident Miss. I. I really don't know that you are at my back and then--" Bigla na lang akong napatahimik, kasi yung mukha niya sobrang pula na.

Hindi pala ito yung simple kong araw. Ito ang worst day ko ever since in my life. "AND THEN WHAT?!"

Napaka-sungit naman nito. Bwisit. Nakita ko na parami na ng parami ang mga chismosa sa paligid. Yung iba reactions nila sobrang shock
Yung iba naman irap irap. Tss.

"Uhm, Miss hindi kita kilala okay? Kasi nga aksidente lang naman ang lahat at hindi ko talaga sinasadya. Okay? I'm very really sorry. Saka, pwede bang paki hinaan yung boses mo? Kasi hindi ako sanay na sinisigawan ako. Sorry miss. Hindi ko sinasadya. At, no offend pala ah? Napaka arte mo! Kung sino ka man, sana patawarin mo na ako. Kasi pwede namang labhan yang damit mo eh. Okay? Chill lang Miss magiging okay din ang lahat ." I said and walk out. Arte ng sobra. Bwisit.. Tsaka pumasok na ako sa first subject ko.

**
Author's Note:
Hi, sobrang tagal ng UD. Sorry. Pero mas sorry, kasi hindi na dito itutuloy yung story na 'to. Ililipat siya sa account ni MelodyPiece, yung co-author. Dun nyo po mababasa PERO hindi pa ngayon. Matagal-tagal pa. Pero pag binasa nyo, 5 chapters agad. Uulitin po. Irerevise po agad yung story. Mas lalong pagagandahin yung plot at yung pagkasulat. Ganun parin po ang characters pero iibahin yung personality pero ganun parin yung katarayan ni Brill. HAHA. Sorry po talaga kung naghintay kayo ng matagal tapos ganito pa yung aabutin nyo. Paki-pm nalang din po si MelodyPiece kung may iba kayong tanong. Nagpost po siya sa MB ng account na 'to. Mas madali po niyong mahahanap. Anyway, thank you po sa pagsuporta. Maraming salamat. 

P.s : Hindi po 'to popfic book. Napagtripan lang yung cover. Pero babaguhin din yun. Sorry po.

-ExtraordinaryAuthors (co-author, Kim [MelodyPiece] ) 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 19, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Encounter of a Beauty QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon