"When I was younger, I saw my daddy cry
And curse at the wind"
---Pag ang best friend mo, umiiyak na tumawag sayo, hysterical na nagngangagawa ng bitterness , at nagmamakaawa na pumunta sa bahay niya at pakainin siya ng maraming ice cream, anong gagawin mo
Syempre, pupuntahan mo. Mabait ka eh, mapagmahal ka pang best friend. Thoughtful, caring, at lagi nandyan sa tabi niya, kahit na lagi kang third wheel pag kasama niya ang boyfriend niya. Kahit na sa tuwing bonding niyo na nga lang, eh wala pa siyang ibang bukang-bibig kungdi ang boyfie niya.
Siguro, kung hindi mo lang best friend yun, at simpleng kaibigan mo lang, nasigawan mo na yun first thing after she said, "Hello, best? Nakakaabala ba ako?" Kaso, hindi eh, best friend mo, kaya ayun, ang sinabi mo na lang, "Ay, hindi best. Okay lang, bakit?" Kahit na hindi naman. Kahit na ang totoo, eh mahimbing kang natutulog matapos ang pagpupuyat mo kagabi kagagawa ng assignment, at nagising ka lang dahil sa pagtawag niya. At dahil nga kailangang-kailangan niya ng kaibigan, she broke, perhaps one of the most important rules in the world:
Biruin mo na ang lasing, wag lang ang bagong gising.
Ganito ba kayong kaibigan? Na kahit na bagong gising ka, at halos gusto mo ng murahin sa pag-abala sayo eh hindi mo magawa, dahil best friend mo nga na umiiyak ang timawag sayo?
Unfortunately, ganun akong kaibigan. And so, immediately matapos ibaba ng best friend ko ang telepono niya at narinig ko na ang pag-tut tut ng linya, I raced off to the bathroom.
Naligo ako ng madali, nagbihis ng akala mo katulong sa bahay, nag-pulbo ng konti, nag-sapatos at nagkabuhol-buhol pa sa pagtatali ng sintas, at pagkatapos ay kumaripas ng takbo papunta sa bahay ng best friend ko - which is two blocks from ours.
Habang tumatakbo ako, lahat na ng pwedeng kong ispin ay inisip ko na, tungkol sa posibilidad na dahilan kung bakit umiiyak ang best friend ko.
1.Bumagsak sa exams? Posible. Hindi naman ito ang unang beses na mangyari yun eh.
2. Napagalitan na naman ni tita dahil sa pagpa-party kagabi? Baka. Tumigil na kasi yun eh, pero kagabi, nagsabi siya sa akin na gusto niyang mag-party uli. Baka, nahuli ni tita. Bingo!
3. Namatay na ang alaga nilang tuta? Ay, nako pwede. Nakailang tuta na sila. At nakailang burol na rin ang napuntahan ko sa kanila, kung saan hindi matahan-tahan ang best friend kong yun.
4. Nag-away sila ni boyfie? Eh, hindi naman umiiyak ng ganun kung away lang ... Unless, which leads to number 5 -nag-break na sila.Ngumiti ako ng malaki. Yung pagkaripas ko ng takbo ay nalimutan na ng legs ko at lumipat sa pagtalon, na akala mo bagong taon.
Yes! Yes! Break na sila! Masama na kung masama, pero hindi ko talaga gusto ang jowa niyang yun. Bad influence lang naman sa kanya!
Beeeeeeeeep!
Ayy shemay! Natumba ako mula sa pagtalon ko,and ended up landing on my butt. Nice. Tsk.
"Hoy! Ano ba?! Nagpapakamatay ka ba?!" Bulyaw ng driver.
Nagpapakamatay?! Malay ko bang nakaalis na pala ako ng side walk kakatalon!
"Nagpapakamatay?! Okay ka lang? May nakita ka bang nagpapakamatay na tumatalon sa saya?! " sinigaw ko habang nilapitan yung kotse. Bukas ang bintana niya. Good.
"Alam mo, alam ko namang kasalanan ko! Hindi mo namang kailangang- !" Dumungaw siya sa bintana. Oh my gulay. Ang gwaaaaaaapooo.
Alam niyo yung mga lalaki sa One Direction? The British boy band? Yes. Kamukha niya isa sa mga yun. Di ko matandaan kung sino, basta yung gwapo! Short black hair na may pagka-messy ang dating, tapos may dimple! Hindi pa ngumingiti, kitang-kita na!

BINABASA MO ANG
The Roadtrip to Forever
Fiksi Remaja"Rhadie! Rhadie! Wake up!" Ariana shouted. She was like an alarm clock, pestering me in my beauty sleep. "What?!' I groggily replied. Can't she at least wait for another hour?! I peeked under my blankets and saw her desperate stare. Her eyes pleadin...