Ngayong araw may ikukwento ako sa inyo. Pero bago ang lahat gusto ko muna magpakilala. Ako nga pala si Felisse Lazaro, 19 years old at may boyfriend ako. Hindi man sa pagmamayabang ay tatlong taon na kami. Nakakatuwa isipin noh? Ang tagal na namin. Mainggit kayo kasi kami may forever.
At dahil usap-usapan ang katapusan ng mundo sa huling araw ng Setyembre ikukwento ko sa inyo ang napakasweet na kwento naming dalawa.
15 years old ako ng lumapit siya sakin para kausapin ako. Aaminin ko crush ko siya ng mga panahon na yon. At masaya ako nang siya na mismo ang lumapit sa akin. Medyo awkward kami sa umpisa pero lumipas rin ang panahon kung kelan naging close na kami.
Ikalimang buwan namin bilang magkaibigan nang bigla niya akong tanungin kung pwede ba daw ako ligawan. Um-oo ako sa kanya at isang taon matapos non ay sinagot ko siya. Wala naman halos pinagbago ang pagsasama namin maliban sa isa, mas naging sweet siya sa akin.
Gaya na lang ng pagtapos ng klase ko nung 16 years old ako. Uwian non at naabutan ko siya sa labas ng room namin.
"Oh bakit nandito ka? Diba sabi mo may lakad ka?" Bungad ko kaagad sa kanya nung makalapit ako.
Kinuha niya ang bag ko at hinalikan ako sa noo. Tila naging isang habit na yon dahil madalas niya iyong ginagawa simula ng maging kami.
Sumilay ang matamis niyang ngiti, "Pababayaan ko ba naman ang girlfriend ko?" Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan yon. "Syempre hindi. Ihahatid muna kita bago ako pumunta sa lakad ko." Usal pa niya.
Isa lang yan sa mga sweet na bagay na ginawa at pinapakita niya sakin. Bukod dito ay hatid sundo niya rin ako pagpasok. He also never missed to surprise me every monthsary namin.
Isang beses nga nang bigla na lang ako makadinig ng ingay sa labas. Nagsisilabasan na mga kaklase ko kaya nacurious ako at lumabas na rin para tignan iyon. I didn't expect to see him together with his friends. May hawak siyang gitara at hawak ng isa sa mga kaibigan niya ang bouquet ng bulaklak.
"Babe, I want you to know how special you are to me that's why I'm dedicating this song for you. I love you." Nag-flying kiss pa siya nang ma-spot-an ako.
He sang one song that made every single girl who heard it giggle. Pagkatapos ay inilagay niya ang gitara sa likod niya at kinuha ang bulaklak sa kaibigan bago umakyat sa building namin.
He had this sweet smile nang iabot niya ang bulaklak sa akin. "Happy monthsary, babe." Bago niya hinalkan ang noo ko.
Kung ganoon na ang surprise niya nuong monthsary namin edi siyempre mas maganda doon ang surprise niya nung nag-anniversary kami. Second anniversary namin nang sunduin niya ako gamit ang sasakyan niya.
Tinanong ko kung saan kami pupunta pero nagkibit-balikat lang siya at kinindatan ako. "Secret." Sabi pa niya.
Gabi na ng makarating kami noon sa hinanda niyang lugar para sa anniversary namin. It was a romantic table for two. Malawak na kapatagan iyon kung saan tanaw ang city lights. Napakagandang tanawin niyon para sa akin. Sa buong paligid ay may mga ilaw na nagsisilbing liwanag sa lugar.
Masaya kaming kumain at nagkwentuhan. Nagbatian ng happy anniversary at nagkaroon pa ng intimate kiss. Meron ding lumabas para tumugtog ng sweet song gamit ang violin. We dance along the music at nagulat pa ako nang may fireworks na bumungad sa akin habang nagsasayaw kami.
See? Ang sweet-sweet niya. Lahat maiinggit at kikiligin kung siya ang naging boyfriend. One can say that he's an ideal type. He's sweet, lovely, maalaga, matalino, gwapo, matangkad at higit sa lahat he's a great player.
I can say, he and I almost got the perfect relationship. Almost kasi behind all those sweetness is a player at ngayon na ang oras para tapusin ang larong ito. Ngayong katapusan ng Setyembre na siyang araw ng aming 3rd anniversary.
"Fel, I'm so sorry. Hindi ko ginusto toh pero ayokong magpatalo. Isa akong dugong Felimon. At ang isang Felimon ay hindi kailanman natalo." Seryoso ang mukha niya. "All of this was just a bet. We bet kung gaano katagal magiging tayo. I don't want you to be hurt at gusto ko din ipaalam sayo ng harapan na hindi kita mahal at laro lang namin lahat toh. Siguro naman sapat na ang mga binigay ko sayo sa ilang taong relasyon natin as an apology. If the world is going to end today then I want this play to end too." Wika niya.
Imbis na umiyak at magmakaawa ay nginitian ko pa siya. "I know. Let's end this. Let's break up."
This is how I have my painless break up with Hunter Felimon in our 3rd anniversary...
Fin.
YOU ARE READING
Painless Break Up
Historia CortaThis story is all about me, my boyfriend and how we got a painless break up as September reached its end. #WattpadAThonChallenge2022 #WattpadSeptemberEntry Total Number of Words: 800