"S-Sehun..." kinakabahang sabi ni Baekhyun habang nakatitig lang sa pinto ng kwarto ni Chanyeol. Hindi nya alam kung susunod ba sya o hindi.
"Teka, kinakabahan ka noh?" Tanong ni Sehun at tumango naman si Baek. "Wag ka nga kabahan, may sasabihin lang sa'yo yan. Sige na, sundan mo na."
In the end, wala ring choice si Baekhyun kundi umakyat at pumunta sa kwarto ni Chanyeol. Kesa naman lalo itong magalit sa kanya. Huminto muna sya sa tapat ng pinto at kumatok ng tatlong beses.
"Pasok" rinig nya mula sa loob kaya pumasok sya.
Pumasok sya at nakita nya ang buong kwarto ni Chanyeol na ngayon nya lang nakita. Nilapitan nya si Chanyeol na nakaupo sa kama nya habang nanonood ng TV. Nang makalapit si Baekhyun ay pinatay muna ni Chanyeol ang TV at humarap dito.
"Chanyeol, ano bang gusto mong sabihin?" Tanong ni Baek.
"Hindi ko gusto ang nakita ko kanina."
"Ang alin?"
"Y-Yung.. Yung nakapatong ka kay Sehun.. Tapos.. naghaharutan kayo.."
Yumuko si Chanyeol upang itago ang emosyon ng kanyang mukha at maging si Baekhyun at yumuko din. Nagseselos ba sya?
"P-Pasensya na Chanyeol.." sabi ni Baekhyun. "Kung..Kung nagselos ka. Hindi ko nam--"
"What?!" Natigil sya ng sumingit si Chanyeol. "H-Hindi ako nagseselos! Ang iniisip ko, yung baby! Paano kung madaganan nyo?!"
"Sorry..." sabi ni Baekhyun. Oo nga naman, bakit naman sya magseselos?
Sandaling katahimikan ang bumalot na naman sa kanila. Hanggang sa nagsalita si Chanyeol.
"Kelan mo pinacheck-up yang tyan mo?" Tanong ni Chanyeol pero umiling lang si Baekhyun. "Hindi ka pa nagpapacheck-up kahit isang beses man lang!?"
Umiling ulit si Baekhyun. Nabigla sya ng tumayo si Chanyeol at hinawakan sya sa braso ng mahigpit. Nakaramdam sya ng kaunting sakit kaya napangiwi sya.
"Paano kung mapano yang nasa tyan mo ha?! Tapos hindi ka pa umiinom ng vitamins para sa baby naten!! Alam mo bang hindi pwedeng mawala yan dahil yan nalang ang nag-uugnay satin-- UGH! BAEKHYUN ANO BA?! BAKIT BA ANG PABAYA MO?!"
Hindi napigilan ni Baekhyun ang mapaluha. Bakit ba ang sama sama ni Chanyeol sa'kin? Wala naman akong ginagawa sa kanya ah?
"Chanyeol... H-Hindi ko naman.. pinapabayaan yung baby natin.." sabi ni Baekhyun habang umiiyak. "W-Wag kang m-mag alala.. b-bukas.. magpapacheck-up na ako.. pero.. pero, wag mo naman akong saktan.."
Biglang napabitaw si Chanyeol sa braso ni Baekhyun. Nakita nya ang kamay nya bumakat sa maputing braso nito, tanda lang na sobrang higpit nga ng pagkakahawak nya. Gusto nyang yakapin si Baekhyun. Gusto nyang punasan ang luha nito at magsabi ng paulit ulit na sorry pero,
"Baekhyun?!" Napalingon sila ng makita nilang dalawa si Sehun na pumasok ng kwarto ni Chanyeol. "Hyung! Ano bang ginagawa mo ha?!"
Nilapitan ni Sehun si Baekhyun at hinawakan ang braso nito tsaka pinakita kay Chanyeol.
"TINGNAN MO! TINGNAN MO! ANO SA TINGIN MO ANG GINAGAWA MO HA?!" Galit na sigaw ni Sehun sa pinsan nya.
Tahimik lamang si Chanyeol. Tumingala sya sa ceiling habang kagat kagat ang ibabang labi nya dahil sa inis. Bakit ba ganyan sya kung umasta pagdating kay Baekhyun ko?
"Wala kang paki, Sehun.."
"PAANONG WALA?! NI HINDI PA NGA KAYO MAG ASAWA SINASAKTAN MO NA SYA! PAANO PA KAYA KUNG NAGSASAMA NA KAYO SA ISANG BAHAY HA?!"
BINABASA MO ANG
Your Daddy is a Superstar (ChanBaek)
FanfictionHindi inaasahan ni Byun Baekhyun ang pangyayari. Nagising sya sa isang kwarto habang katabi ang isang pinaka sikat at kinikilala ng mga kabataan ngayon na si Park Chanyeol. Isang pagkakamali lamang ngunit nagbunga ito ng isang pangyayaring hindi ina...