Magkasama sila Baekhyun at Kyungsoo na nakaupo sa couch habang pinapanood ang favorite nilang teleserye tuwing gabi.
Hulaan nyo kung ano yun..
Oo, tama kayo. Yung teleserye ni Chanyeol. Kahit naman masama ang loob ni Baekhyun kay Chanyeol hinding hindi nya parin palalampasin ang palabas na ito dahil sobrang paborito nya to. At isa pa, huling palabas na ito. Ang pinakaaabangang ending ng buong bayan.
"Feeling ko, magkakatuluyan sila sa huli." Komento ni Kyungsoo habang kumakain ng popcorn.
Pero dahil nga walang forever, hindi yun ang naging ending. Nasagasaan si Pedro tapos nabagsakan si Ana ng malaking bato galing sa isang construction site. Si Petra naman ay nabaliw dahil hindi sya nakabili ng EXODUS album ng EXO. Kung naaalala nyo pa, si Chanyeol ay si Pedro, si Taeyeon ay si Ana at si Petra ay si Dara.
At punyeta ng author nito dahil wala syang maisip na matino ngayon. Ahahaha. Ilang beses na kasi nyang pinanood ang MV ng I Need U ng BTS at ngayon ay naglalaway pa din sya kay J-Hope. Emeghed.
Well anyways, hindi yun ang kwento. Wala lang mapaglabasan ng feels ang author okay? Wag na pansinin.
Dumating si Jongin at agad na lumapit sa dalawa.
"Baekhyun, may apat na baliw dun sa labas. Kanina ka pa hinahanap." Sabi nito.
Napairap si Baekhyun.
"Ang kulit naman eh. Sinabihan ko na yan na hindi nga ako sasama!" Sabi naman ni Baekhyun.
Dalawang araw na din ang nakakalipas na hindi na sya pumupunta pa sa bahay ni Chanyeol. At dalawang araw na ding pabalik balik yung mga utusan ni Chanyeol sa bahay nya pero hindi sya sumasama. Para saan pa? Para pagsimangutan na naman sya nito? Para pagsupladuhan na naman sya? Wag na lang. Mas mabuti pang, dito na lang sya sa bahay muna nila ni Kyungsoo. Nagpacheck-up na rin sila kahapon at nalaman nilang 1 month na ang dinadala nya. Healthy naman ito at binigyan sya ng kung anu-anong payo ng doktor atsaka ilang gamot. Hays, hirap magbuntis, swear. Kung pwede nga lang ilipat ni Baekhyun kay Chanyeol muna ang dinadala nya ginawa na nya eh. Natatakot kasi sya dahil may pagkacareless sya. Isang buwan pa nga lang eh, what more kung nine months na?
"Oo nga! Hindi ako makakapayag na isama nila si Baekla! Dito muna 'to!" Sabi ni Kyungsoo na nakayakap sa leeg ni Baekhyun.
Maya maya ay nakarinig sila ng katok. Binuksan ito ni Jongin.
"Si Baekhyun po. Please parang awa nyo na, pagagalitan kami ni boss kapag di namin sya naisama.." sabi ng isa sa apat na nakatayo sa harap ni Jongin na si Lay.
"Hindi nga muna pwede. Sabihin nyo sa boss nyong yan, wag syang nagdedesisyon para kay Baekhyun. Kung gusto nyang bumalik dun, edi babalik sya. At kung ayaw nya, wag nyo na syang pilitin." Paliwanag naman ni Jongin.
Hindi na nakatiis si Baekhyun at lumapit na ito.
"Umalis na kayo. Hindi ako sasama."
Sa loob ng dalawang araw, laging ganun ang nangyayari. Pupuntahan sya, tatanggi sya, tapos aalis na sila. Paulit-ulit lang.
Pero minsan, hindi pa rin naiiwasang umasa ni Baekhyun. Na sana kahit isang beses lang, si Chanyeol naman ang pumunta para sa kanya. Hindi ba pwede yun? Aish. Ano ba Baekhyun. Asa ka namang pupuntahan ka nun. Eh busy yun eh.
-
"So sa tingin mo, babalik si Baekhyun ng kakaganyan mo dyan?" Nilapitan ni Luhan si Chanyeol na nakaupo sa garden.
Hindi sya nito pinansin. Pinaglalaruan nya lamang ang basong may laman na alak sa kanyang kamay habang nakatitig dito.
Ilang araw na syang ganyan. Natapos na ang palabas nya sa TV at may mga guesting sya sa iba't-ibang variety shows pero ni isa ay hindi sya nakapunta. Tanging ang kalove team nya lang na si Taeyeon ang laging nakakaattend.
BINABASA MO ANG
Your Daddy is a Superstar (ChanBaek)
FanfictionHindi inaasahan ni Byun Baekhyun ang pangyayari. Nagising sya sa isang kwarto habang katabi ang isang pinaka sikat at kinikilala ng mga kabataan ngayon na si Park Chanyeol. Isang pagkakamali lamang ngunit nagbunga ito ng isang pangyayaring hindi ina...