Patrisha's POV
di ko namalayan nandito na pala kami sa paroroonan namin.
"burnham?"-ako
"uhh. ayaw mo ba? sge lipat na lang tayo ng lu--"
di niya natuloy sasabihin niya kasi syempre sumingit ako
"shh. okay na saken ang lugar na toh. kahit saan pang lugar basta magkasama tayo dwayne."-ako
"woaaah. bumabanat si pineda!"-dwayne
"shut up ramirez haha."-ako
umupo kami sa upuan tapos nagkwentuhan ng kwentuhan.
hindi ko alam pero basta kasama ko siya nawawala lahat ng problema ko.
napatingin naman ako sa kanya na nakatingin lang sa langit.
"dwayne."
"y?"
nakatingin pa rin siya sa langit.
"mahal mo ba si fritz?"-ako
bigla siyang napatingin sa akin.
"pat."-dwayne
yan lang ang tangi niyang nasagot.
bakit ba ganito?! bakit di niya na lang aminin na mahal niya si fritz para isusuko ko na siya!
"pat. first day of school. crush ko si fritz. pero kami kasi nun ni kristine eh. kaya binalewala ko na lang yung nararamdaman ko kay fritz. pero nun nagbreak kami ni kristine. hindi ko talaga binalak ligawan si fritz. pero nakiusap yung pinsan niya sa akin na mahalin ko daw si fritz kasi mahal daw ako ni fritz. kailangan niya daw ako kasi may sakit si fritz. heart failure daw. linigawan ko siya ng 2 weeks pero tinigil ko nun kinausap ako ni charis at sinabing mahal mo ako. maniwala ka man sa hindi nung mga panahon na nagbreak kami ni kristine, ikaw yung nasa isip ko. hindi ko nga rin naiintindihan yung nararamdaman ko sayo pat. mahal kita."-dwayne
"dwayne.
bigla akong naiyak sa mga sinabi niya. hindi ako makapaniwala. mahal niya ako!
"pat. sorry. sorry kung ngayon lang ako naglakas ng loob. natatakot kasi ako."-dwayne
bigla ko siyang yinakap. mahal na mahal ko siya.
"dwayne, mahal na mahal kita."-ako
"mahal na mahal din kita pat."-dwayne
ang saya ko. sobrang saya. bigla naman akong humiwalay sa yakap.
"so pano ba yan? tayo na?"-dwayne
"feeling! hindi. MU muna tayo!"-ako
"aw. osige. basta ako lang mahal mo."-dwayne
"ikaw lang. promise. baka ako naman ipagpalit mo!"-ako
"sus. ikaw lang mamahalin ko. PROMISE!"-dwayne
"pangako yan ha!"-ako
"oo naman. halika na nga hatid na kita sainyo."-dwayne
hinatid ma niya ako samen tska umalis.
ito ang pinakamasayang araw sa buong buhay ko.
---