CHAPTER 1 __Absent Minded

138 7 1
                                    

May pa-disco ang SBO (student Body Organization) officers na pinangunahan ng SBO teacher adviser. Ang purpose ng padiscong Ito ay para sa pagpapagawa at pagpapaayos ng mga sirang pader ng kanilang skwelahan .

Si Wynne ang nagbabantay sa gate na sadyang pinaliit upang
tig- iisang tao lang ang magkasya na dadaan. Hindi pweding sabay na papasok at lalabas ang dalawang tao, magkakasunod lang ang pwede. Lahat ng papasok sa loob ng disco-han ay kailangang tingnan nya (ni Wynne) kung may marka sa kamay o braso, bilang tanda na ito ay nagbayad o nakabili ng ticket.

Napatanaw sa gitna ng disco-han si Wynne at napalipad ang isip ng kanyang marinig ang nagsisimulang awiting itinugtog. Nakita niyang marami-rami din ang nagsisisayaw.
Sa isip nya, sana ay isa rin siya sa sumasayaw ngayon, kahit pa hindi niya alam kung papa'no umindak sa himig na ito, basta ang makakasayaw n'ya lang ay ang lalaking matagal na n'yang pinapangarap at lihim na iniibig.
Kaso malabo namang mangyari ang naiisip nya dahil wala naman dito ang kanyang dreamboy. Nasa Manila ito at doon nag aaral ng college. 'Tsaka kahit pa nandito 'yon malabo rin namang isayaw siya no'n dahil pareho naman silang lalake, malamang babae ang gusto niyon kasayaw. Isa pa ito siya at may obligasyon pa sa padiscong ito. Isa kasi siya sa mga SBO officers. At higit sa lahat hindi nya rin alam kung kilala pa ba siya ng lalaking iyon kahit sa pangalan n'ya man lang,.

"Metawin!" Tawag sa kanya ng teacher adviser ng organisasyong ito, naroon din ito sa mesa na kinaroroonan ng mga ka co-officer n'ya, na s'yang may hawak ng mga tickets, at taga marka ng nagbabayad upang makapasok sa loob ng disco, pati na rin ang may hawak ng kanilang kita. Naroon ang mga ito sa iisang mesa, na isang dipa lang ang layo sa kinaroroonan nya.
"Metawin!" Tawag uli nito sa kanya.
Pero dahil sa kung anu-ano ang nasa isip ni Wynne hindi nya marinig ang tawag sa kanya ng teacher. "Metawin!!!" Napataas na ang Bose's nito pero hindi pa rin niya marinig.
Niyogyog sya ni Ohm na agad lumapit sa kanya. Co-officer nya din ito."Wynne, Hoy!!!"
"Huh?" Sambit nya sa kabiglaan.
"Metawin!!!" Mukhang galit na, na ulit pa ng guro.
"H-huh? S-sir?!" Napakurap -kurap na sambit n'ya.At napalingon dito.
"May dadaan," pabulong na sabi ni Ohm sa kanya.
"Huh?" Sambit nya uli at napatingin sa isang lalakeng nasa harapan n'ya, nagulat s'ya at nanlaki ang mga mata.
Nako! Si Bryle! Ang dreamboy nya!
Si Bryle pala ang gustong dumaan papasok saloob ng disco. Napakurap- kurap muli s'ya, baka naman kasi nangangarap pa rin siya at namamalik mata.
OMG! totoo nga, nasa harapan n'ya nga ito!
"Metawin! Ano bang nangyayari sayo? Bakit napaka absent minded mo?! In love ka ba Metawin?!" Galit na ngang dagdag pang sabi ng guro.
Napatalim ang irap niya dito.
Yes Sir I'm inlove, buti naman alam mo! Gusto niyang isagot sa guro, ngunit hindi nya naman maisatinig. Hiyang-hiya siyang pinadaan at pinapasok sa loob ng disco ang lalakeng nasa harap n'ya.
"Palitan n'yo nga sa duty iyang si Wynne, baka mamaya wala nang papasok pa dito sa pa disco natin!" Saad ng guro, sa President ng Organisasyon ito nakatingin.
" Shit!" At ipinapahiya pa talaga siya ng gurong ito, dito sa dreamboy n'ya! alam niyang dinig lahat ng iyon ni Bryle.
Lumapit na sa kinaroroonan n'ya ang ka co-officer na papalit sa duty n'ya raw, ika pa ng guro nila. Tumayo naman s'ya at simangot na humakbang para maghanap ng mapopwestuhan. Ngunit nakita niyang may gustong bumili ng soft drink sa paninda nila. Wala namang in-charge dito kaya siya ang nag intertain sa bumibili. Tatlong canned soft drinks ang binili ng isang lalake, inabot niya ang cash nitong onehundred pesos, Susuklian na nya ito ng...
"Ano yan?!" Narinig n'yang tanong ng guro. "Si Metawin na naman ang pinabantay n'yo sa ating mga paninda. Baka mamaya sa halip na kumita, ay malugi pa tayo. Absent minded pa naman ang lalakeng yan!"
Napasapak sa sariling palad si Wynne. Talaga bang patuloy na s'yang ipapahiya ng teacher na ito?
"Palitan n'yo si Metawin doon.!" Utos ng guro sa mga ka co- officer niya.
Naiirita na talaga s'ya sa guro lalo pa't kasama pala ng lalakeng bumibili si Bryle, na ngayon niya lang napansin na nasa harap n'ya pala muli ito. Nakatitig ito sa kanya! At halos mahimatay na s'ya sa hiya rito.
"Akin na nga yan!" Sabi n'ya sabay hablot sa hawak nang canned soft drink ng lalaking bumibili. At padabog niya iyong ibinalik sa lalagyan, at binalik n'ya rin ang pera nito. "Oh! Sino nang papalit sakin dito?" Iritadong sabi n'ya na humarap sa mga co-officer na nasa mesa. Tinapunan ng matalim na tingin ang guro. At agad na s'yang humakbang papalayo sa mga ito.
Hindi niya alam na napasunod ng tingin sa kanya si Bryle.
Nagtungo s'ya sa pinakamataas na step ng pinaghagdan-hagdang upuan sa loob ng disco-han. Mangiyak-ngiyak sa inis na umupo sa pinakasulok. Napatukod ang kanyang siko sa tuhod at sapo ng dalawang mga kamay ang mukha.
Akala nya ba, makakalimutan n'ya ang problema kung naririto s'ya. Yun pala'y nadagdagan pa! Mabuti pa nga sigurong hindi na lang talaga siya pumarito pa. Ayaw n'ya naman talaga sanang pumarito dahil sa napakalaking problema na dapat niyang gawan ng sulosyon. Kaso nga lang napilitan na s'yang pumarito dahil co-officer s'ya ng organisasyon. Na dapat niyang gampanan. Saka naisip n'ya ring baka malibang s'ya rito at pansamantalang makalimutan ang problema.
Hindi na nga niya alam kung ano ba talaga ang dapat n'yang gawin,hirap na hirap na ang kalooban n'ya, parang masisiraan na nga s'ya ng bait dahil dito. Napaka sakit na sa ulo at dibdib. Ngayon naman sa halip na makalimutan ang problema ay ito at nadagdagan pa, sobrang hiya na kaya n'ya doon sa dreamboy n'ya. Isa pa, ito siya ngayon at hindi na nakakatulong doon sa mga co-officer n'ya.
Dapat sana masaya s'ya ngayon dahil nakita n'ya muli ang lalakeng kinasasabikan n'yang makita muli. Ang lalakeng tatlong taon na n'yang pinapangarap na maging boyfriend. Kahit Hindi n'ya na ito nakita sa loob ng dalawang taon, ay hindi ito nawaglit sa puso't isip n'ya. Ito pa rin ang nilalaman ng puso't isip nya. Ito pa rin ang lalakeng mahal na mahal nya nang lihim.
Nag angat siya ng mukha at tinanaw ang kinaroroonan ng mga co-officer n'ya at ng guro. Busy ang mga ito sa kanya-kanyang gawain.
Napako naman ang kanyang paningin sa kinatayuan ni Bryle kanina nung bumili ito at ang kasama nito ng soft drink. Ano kaya ang naisip ni Bryle tungkol sa kanya, noong mukhang lumalaban siya sa kanyang teacher? Nakatitig pa naman ito sa kanya kanina.
Hay naku! Sino ba naman s'ya para bigyan ng pansin at isipin nito. Siguro nga hindi na siya nito kilala pa, at sino ba s'ya para pansinin ni Bryle? Pareho naman silang lalake, ang dami dami namang mga babaeng nagkakandarapa sa lalakeng iyon. Inilipat niya ang paningin sa gitna ng mga nagsisisayaw, kahit pa imposibling makilala at makita n'ya doon si Bryle na nagsasayaw dahil madilim, disco light lang naman kasi ang nagtatanglaw doon sa gitna.
Sino kaya ka partner ni Bryle sa pagsasayaw? Mga kaibigan n'ya lang ba na mga lalake o mga nag gagandahang mga babae? Baka pa nga jowa niya? Mga tanong na nabuo sa isip ni Wynne. Nakadama siya ng hapdi sa dibdib, parang nagsisilos s'ya dun sa mga naisip n'ya.
Baliw! Saway nya sa sarili. Muling tinukod nya ang siko sa kanyang tuhod at sapo muli ang mukha ng dalawang mga kamay. Naalala na naman n'ya ang malaking problema. Siguro nga ay talagang hindi na niya makakamit ang pangarap na maging boyfriend si Bryle.
Napailing s'ya at pinahid ang mga luhang pumapatak sa kanyang mga mata. Habang sinasariwa sa ala-ala ang mga pangyayari sa nakaran...

To be continue...

UNEXPECTED GROOM   Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon