"Gusto kita!"
"Pwede ba kitang ligawan?"
"Be my girlfriend."
"Matagal na kitang crush."
"Go out with me."
"I really like you."
Isa lang ang gusto kong sabihin sa kanila.
YAS, YAS, I LAYK YOO TOE BEBEH.
Instead, ang lumalabas sa bibig ko,
"HUH. NAGPAPATAWA KA BA? SA AMOY MONG YAN?" tsaka sila kinukunutan at minamalditang-kontrabobita.
Ganyan ang madalas kong eksena sa highschool. Hindi ko nga maintindihan eh, hindi naman talaga ako maganda. May utak lang. Hanggang don lang yon. Hindi naman nakaka-inlab ang utak ah, kaya pano ako magpapaniwala sa kanila? Maya nyan utangan pa 'ko.
Pero sa totoo lang, kahit wala akong gusto sa kanila, kahit papaano gusto ko ring maranasang magkaroon ng lalake. Kahit walang feelings, basta maka-experience lang.
Ang problema,
AWKWARD PATOLA ako.
At ngayon, ang taong mahal ko, mahal ang bestfriend ko. Ang masaklap, mahal din siya.
Ako? Nganga.
Hindi dahil nagparaya ako, kundi dahil ako nagpakana.
××××××××××××××××××××××××××××××××××××××××××××××××××××
Locketxxi
All Rights Reserved
© May 2015