Chapter 2

98 44 3
                                    

"Ate oh! Si Casper, nananakot!" sumbong ng kapatid ng Mama ko.
 
Geh, pamukha mo pa sa 'kin pangalan ko.

Mukha na nga kong momo, invisible pa sa paningin niya.

"Casper, ano ba naman yang mukha mo?" usyuso naman ng Mama ko, paglapag niya ng plato sa lamesa.

Aware akong berdogo ang mga mata ko.  Insomniac ako kaya never akong naka-idlip sa dalawang araw na pinagluksa ko ang puso kong pinilipit gaya ng labada sa sakit.

"Ngumawa ngo ango ngang ngangek." rason ko  habang nginunguya ang pandesal na puro hangin lang ang laman.

"Project? Project ka jan, nagpi-facebook ka nanaman siguro noh? Kaw Casper, tigilan mo na yang kako-computer mo. Lumuluwa na yang mata mo oh." Nagsalita. Siya tong di masingitan sa plants vs zombies niya.

"Wala po akong Facebook." Totoo naman eh. Kay Tita kaya yong Facebook na ginagamit ko secretly. "Tsaka Ma, 2nd Year IT student na kaya ako. Normal lang naman siguro na lumuwa mata ko sa katititig sa computer sa kakagawa ng script." pagsisinungaling ko pa.

"Script? Anong script? Mag-o-audition ka?" Seryosong sabat ng Tita kong tatlong taong mas bata kesa sa 'kin.

Ngumuya lang ako nang pagkadiri-diri sa harap niya dahilan para mapatayo nanaman siya.

"Yucky! Kadiri!" tsaka siya padabog na lumabas ng bahay.

"Babayoo Tita!" pang-aasar ko pa.

"Mas matanda ka sa 'kin!"

Hashtag, Lantang Ampalaya.

Wala nang ginawa si Ailie kundi i-narrate sa 'kin lahat ng ginagawa't pinag-uusapan nila sa dalawang nakalipas na araw. At ako naman, Best Actress pa din. Umiiyak sa CR habang nagpapanggap na naliligo at nanonood ng mga sad Koreanovelas para mukhang na-touched.  

"Maaaa.. ano ba yang kinakarikot mo jaaan..?" matamlay kong tanong habang nagbabawas ng texts sa inbox ko na pinuno ni Ailie ng lahat nang kalandiang pinagkakagawa nila.

"Anak kasi, sira nanaman yong pintuan don sa CR."

"Pako, martilyo. Go." utos ko.

La 'kong Tatay. Nag-evaporate nong fetus pa 'ko. La ding lalake sa bahay. Ako, si Mama, si Tita. Kami lang.

"Ma, chookz na 'to." pagkumpirma ko pagtapos kong ayusin ang sirang pinto na malapit nang lumanding sa sahig. Tinitigan ko ito tsaka napamura. Yong hayop kong Tatay dapat sana ang gumagawa nito eh.

===================== ♥ =======================

Nalintikan na. Hindi ako mapakali. Ayos lang kaya itsura ko?! Ang expression ko?! Dapat maka-iwan ako ng magandang first impression sa kanya! Lintik ba namang bruhang Ailie! Ba't di niya ako winarningan?! Nang hindi na 'ko dumaan dito sa hallway!

"Casper, this is my bestfriend, Jolo." pagpresenta ni Ailie sa kanya.

"And Jolo, this is my bestfriend, Casper." pag-introduce naman sa 'kin.

"Hi! Kaw pala si Casper." nginitian ako tsaka inabot ang kamay niya para makipag-kamay.

Nastatwa ako. Nanginginig mga kamay ko, pinagpapawisan na mga palad ko, pano ako makikipag-kamay nang ganito?!

Casper, kaya mo 'to. Tandaan mo, limang taon mong pinangarap na makilala ka niya. Araw-araw mong pinangarap na maka-usap siya pero wala kang ginawa kundi tumakbo sa tuwing magkakaharap kayo. Kaya dapat good impression. Malay mo ma-close mo siya.

"Malamang." naku, masama to.

Nakatitig lang ako sa kanya na nakakunot pa ang noo. Siya naman nakangiting awkward. Ang kyut-kyut niya.. Tas bigla nalang akong siniko ni Ailie. Napansin kong hinihintay pa rin pala niyang kamayan ko siya.

"Ah. Nice to meet you." tonog tamad kong mungkahi tsaka inisnab ang kamay niyang nakalutang pa rin. Nalintikan na.

"Mukha ka nga talagang chinita kagaya ng sabi ni Ailie." awkward niyang pag-iiba ng topic tsaka dahan-dahang binaba ang kamay.

"At mukha ka rin namang Chunggo." oh, god. Ang awkward mode ko, switched on na.  

"H-ha?"

Ang bruhang Ailie, nagpipigil tumawa.

"Sabi ko kamukha mo si Jolo."

"Jolo Revilla?"

"Hindi. Jolong lasinggo sa kanto."

Hindi na nakapagpigil si Ailie at napahilakbot ng tawa. Si Jolo namang mukhang pinagpapawisan na, tumatalon-talon ang tingin sa aming dalawa ni Ailie.

"A-ang ibig kong sabihin y-yong Joe Lou na Kpop singer."  nauutal kong paliwanag tsaka ako napalunok ng isa atang tinidor na laway.

"A-ah so, m-mahilig ka pala sa kpop?" nerbyoso din naman niyang tugon.

"Ay hindi-hindi."  sarcastic ko rin namang sagot. 

A moment of silence para sa kapatid nating bangag.

Ang Awkward Mode ko po ay ang kabahan at mag-paltipate ang aking puso na kala mo sinasagasaan ng di matapos-tapos na tren sa tuwing nasa harap maski na nasa gilid ng isang binata. Di po ako mapakali sa kaba. Kaya in order to mask this, in my opinion, abnormality, nagpapaka-supladita po ako. Na ang labas ay galit sa mundo.

"Umm.." napalunok siya at mukhang kabadong-kabado.

"Hahaha! Casper, wag mo ngang takutin tong si Jolo!" nakalimutan kong andito pa pala siya. "Bestfriend ko kayo parehas, kaya dapat peace kayo!" masaya niyang bungad tsaka niya pinulupot ang kamay  sa braso ni Jolo at kunwaring sumandal.

Oh, ang puso ko, nalaglag sa sahig. Nawalis pa ata nong babaeng nagwawalis na nakatakong kanina na nag-excuse pa sa 'min.

"Ha-ha. Si-sinong takot? Hindi naman nakakatakot tong si Casper eh. Tsaka peace naman talaga kami nito eh. Diba Casper?" kunwari pa akong tinapik sa braso.

Eh em gee, kenekeleg ake!

"Enrique, Casper Enrique." pahayag ko. "Enrique. Ang. Itawag. Mo. Sa. Akin." dugtong ko pa tsaka siya tinitigan ng pagkasama-sama.

Putik! Ano bang ginagawa ko?!

Napasinghap siya ng  mahina at medyo napamulat ng kunti na kala mo may lalaslas sa kanya. Pinilit din naman niyang itago ang reaction niya pero huli na, napansin ko eh.

Kaya ngumisi ako at nag-cross arms. "Jolo Custudio, 2nd Year ng Engineering Department." pinanlisikan ko ng mata. "Mukhang magkakasundo tayo." panakot kong pagtatapos.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 19, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

That Twisted ApproachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon