“Mag-break na tayo.”Ang sabi ng iba, nagsisimula daw ang istorya ng bawat isa kapag sila ay nasaktan. Maraming beses ko ng naranasan na maiwan. Pero sa lahat-lahat, ngayon ang pinakamasakit.
“Anong sabi mo?” tanong ko.Inangat niya ang paningin at sinabing, “Maghiwalay na tayo.”
Parang gumuho ang aking mundo ng marinig ang tatlong salitang kaniyang binitiwan. Akala ko talaga nahanap ko na ang lalaki na makakasama ko habang buhay, at na hindi siya tulad ng iba na iiwan din ako sa bandang huli.
Marahan kong kinagat ang pang-ibabang labi habang tinitigan ko siya. Naka-gel ang patayo-tayo niyang buhok. Mayroon siyang mga mapupula at malalaking mga mata na may eyebags. Sa malayuan, parang wala siyang ilong; tipong binutasan lang ng dalawang tuldok sa gitna ang mukha niya. Makapal ang kulay lila niyang labi, at minsan-minsan pang sumisilip ang kaniyang dalawang malaking ngipin. Sa sobrang kapal ng kilay niya, parang iisa na lamang ang linya nito; ang lakas maka-Mcdonald ng datingan. Malawak ang maugat niyang noo, waring maaring paglapagan ng eroplano. At dahil sa tulis ng kaniyang baba, palagi ko siyang sinasabihan na mag-ingat sa pagyuko.
Iniiwas ko ang tingin mula sa mukhang minahal ko ng higit sa inaakala. If I will keep on staring at his face, I think I might burst into tears. Kaya imbes na tumingin sa mukha, tinitigan ko nalang ang suot niyang t-shirt na may tatak na: ‘My mom gave birth to a Legend.’
“N-Nagbibiro ka lang diba?” aking hikbi.
“Hindi ko na kaya, Mina. Tapusin na natin ‘to.”
“Pero mahal kita!” sigaw ko na umagaw ng atensyon ng mga tao rito sa loob ng coffee shop.
I really hate attention seekers. Pero sa mga ganitong pagkakataon pala, talagang hindi mo na mapapansin kung anong sasabihin ng mga tao. I felt so desperate.
“Bakit kailangan nating maghiwalay? You know how much I love you!” I said, crying. Inipon ko ang buong lakas upang titigan muli siya pabalik. Pero nang oras na makita ko ang mga luha na umaagos sa kaniyang mga mata, pati na ang sipon nito na tumutulo mula sa pango niyang ilong, labis na nadurog ang aking puso.
“Alam ko,” sagot niya. “Mahal natin ang isa’t isa pero nahihirapan na ko. Sa tuwing nakikita ako ng mga tao sa paligid na kasama ka, sinasabihan nila tayo ng Beast and the Beauty. Nasasaktan ang puso ko! We are not along to each bother.”‘Along to each bother?’
Napailing ako ng ulo.
‘Hindi ba dapat ay: belong to each other?’
Sa halip na ituwid ang English niya ay sumagot na lamang ako.
“Bakit kailangan nating intindihin ang sasabihin ng mga makakakita? Huwag na nating bigyan ng pansin ang sasabihin nila!”
“No, Mina. Huwag na nating ipilit ang hindi pwede. We must not push ourselves to each other if it doesn’t even fit together. Nothing will fit if you keep on push and push and push!”
Hindi ko naintindihan ang sinabi niya, pero hindi ko mapigilan ang sarili na maiyak na lamang.
“Bigyan mo ko ng panahon na mag-isip at humugot ng lakas,” dagdag pa nito. “Patawad Mina.”
Tumayo si Rodolpo sa kinauupuan at aakmang aalis. I also stood up, about to hold him when suddenly, a man from the side butted in our conversation.
“Bakit ba naghahabol ka sa boyfriend mong mukhang inodoro?” bulong ng lalaking nakaupo sa gilid.
Kagisa gisa ay nakarinig ako ng mahinang tawanan mula sa mga nanonood sa paligid.
‘Who dared made fun of us?’
Itinungo ko ang matalim na paningin doon sa lalaking may tsokolateng kulay ng mga mata, matangos na ilong, matalim na bagang at malaking pangangatawan. ‘Ang kapal ng mukha niya para tawaging mukhang inodoro ang boyfriend ko!’
“Bawiin mo ang sinabi mo!” sigaw ko sa lalaki. “HINDI MUKHANG INODORO SI RODOLPO!”
Hinawakan ako sa balikat ng boyfriend ko na si Rodolpo, para pakalmahin.
“Okay lang, Mina,” ang sambit ng mabait kong boyfriend. “Masaya na akong magmukhang inodoro, kaysa sa magmukhang tae.”
“You… You…” I uttered my unfinished words.
Hindi ako makapaniwala na hanggang sa huli, napakamapagpakumbaba parin ni Rodolpo. Tinanggap niya na mukha siyang inodoro dahil iyon naman ang katotohanan. This is why I fell in love with him. Habang pinagmamasdan ko siya ng may luha sa mga mata, naalala ko ang isa sa mga magagandang ala-ala ng aming pagsasama.
It happened during our third date as couple:
“Mina, tignan mo itong nasa kamay ko,” ang sabi sa akin ni Rodolpo habang nakaupo kami sa silong ng malaking puno, roon sa parke.
May ipinakita siya sa akin na maliit at kulay itim na bagay sa kaniyang palad.
“Kapag nahuli mo ‘yan, bibigyan kita ng kiss sa pisngi.”Agad akong nanabik sa premyo na makukuha. “Sige ba!” I agreed.
Iginulong ni Rodolpo ang itim na bagay na nasa kaniyang kamay.“Hulihin mo~” pag-eenganyo niya.
Sinundan ko ng tingin ang misteryosong bilog na bagay, bago ko ito buong pusong dinampot.
“Huli ka!”
Malagkit ang bilog na bagay. Inangat ko ang kamay at nakitang dumikit ito sa aking daliri. Doon ko napagtanto na ang pinahawak pala niya sa akin ay…
“KULANGOT ITO AH!”
Pagkasigaw ko ay agad niyang hinalikan ang pisngi ko, bago tumayo at tumakbo sa ibabaw ng damuhan. At that time, he looked like a bullfrog jumping up and down on the green grass. My heart beats so fasts as I look how ugly he was.
Ngayong nakikipaghiwalay na siya sa akin, tapos na ang maliligayang araw ko bilang girlfriend ni Rodolpo.
Habang nagtatawanan ang mga tao sa coffee shop, naglakad na palayo si Rodolpo.
Ikinuyom ko ang mga kamay at saka sinundan siya ng tingin. “Subukan mong lumabas!” I shouted. “Kapag lumabas ka, tapos na tayo!”
Dahil sa aking babala ay tumigil siya sa paglalakad. Umaasa ako na magkakaroon pa ng tyansa na magbago ang isip niya.
Maya-maya, mabagal na lumingon si Rodolpo. Pagkatapos ay mangiyak-ngiyak niyang sinabing, “Kapag nagkrus muli ang landas natin, at nakita kong nakalugay parin ang maganda mong buhok, baka maisipan ko na magkaroon ng pangalawang pagkakataon para sa atin. Ang nakalugay mong buhok ang magiging simbolo ng pagmamahalan natin. Hanggang sa muli. Paalam, Mina.”
“RODOLPO ALPHA MAGNA MARCELINO TOTOY JR!” I shouted, calling his name for the last time.
It’s over.
Dahil sa paghihiwalay namin ni Rodolpo ay single na naman ako. Palagi namang ganito ang kinahihinatnan ng lovelife ko. All of my ex-boyfriend have one reason why they broke up with me.
Masyado raw kasi akong maganda para sa kanila.
Noong una, kinaiinisan ko ang biyayang kagandahan na inilaan sa akin. Ito kasi ang nagiging hadlang sa aking relasyon.
Pero dahil sa hiwalayan namin ni Rodolpo, napag-isip isip ko na baka ito na ang senyales upang gamutin ang aking matagal ng sakit.
Subalit habang hindi pa gumagaling ang mga mata ko, ipagpapatuloy ko muna ang paghahanap sa mga lalaking mala-Rodolpo ang datingan.
My name is Mina Terpitt, ang babaeng mahilig sa panget.
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Mahilig sa Panget
RomanceBata pa lamang si Mina Terpitt, napansin na niya ang kakaiba niyang tipo sa mga lalaki. Madalas siyang magkagusto sa mga lalaking may pagkakahawig sa mga hayop ng lamang lupa. Subalit sa kabila ng kagandahang taglay, palagi siyang hinihiwalayan ng m...