Intro

10 0 0
                                    

Skylynn's POV

Bwiset na buhay to! Kung kailan nagmamadali saka pa ko nasiraan! Hindi pa naman ako marunong mag-ayos ng sasakyan. Accountancy student ako at hindi mekaniko. 😠

Andito ako ngayon sa isang gasoline station at sinusubukang ayusin ang lecheng kotse ko. Damn. Hindi ako marunong dito! Ayoko namang humingi ng tulong dahil baka lalong masira kotse ko. (Okay, ang OA lang pero ayoko talaga humingi ng tulong)

"Bwiset na buhay to oh! Ugh! Kainis!!" Sigaw ko at sinipa ang gulong ng kotse ko. Naiinis na talaga ako. Ang init init na nga ng panahon!

*Mommy Calling...*

Shit. Ayan na.

"Hello ma?"
"Asan ka na?"
"Nasiraan po ako!"
"Oh, edi mag-commute ka na lang. Tumawag ka na lang ng mekaniko. Inaantay ka na ng mga lola mo dito."
"Ma naman, ayoko mag-commute! Hindi ako marunong!"
"Wala kang choice. Basta gumawa ka ng paraan para makapunta dito. Sige na, at marami pa akong gagawin."
Call Ended...

Grabeeeeee

"Tangina talagaaaaaa!!"

Sigaw ko na naman, naiinis na talaga ako. Paano nako pupunta don? Bwisit. Nandito pa nga lang ako sa San Pablo eh, eh sa Makati yung venue. Ah, bwisit talaga.

Nakaupo ako sa harapan ng kotse ko ng biglang may dumaan sa harapan ko na lalaki at nag-daredaretso sa kotse ko. Binuksan nya yung pinto at kinuha yung mga bags ko doon. Dala dala na nya yung mga bag ko ng saka lang ako natauhan. Shit! Magnanakaw! Dali dali ko syang hinabol at hinawakan sa braso.

"Hoy kuya! San mo dadalhin yung bag ko?! Grabe ka naman magnakaw, talagang harap-harapan! Akin na yung bag ko! Wala kang makukuha saken kita mo ng sira yung sasakyan ko! Kuya, yung bag ko!! Anoba!"

Daredaretso lang yung lakad nya habang hinihila ko yung braso nya. Kung maalam lang ako ng martial arts kanina ko pa sana nasipa yung part nya 'where-it-hurts-the-most'. Pft.

"Kuya! Yung bag ko!!"

Ayaw talaga nya ibigay!

"Kuya tatawag akong pulis pag di mo binigay yung bag ko!"

Pero wala pa rin syang pakialam. Patuloy pa rin ang pakikipag-tug of war ko sa kanya ng biglang,

"Sumama ka na lang saken, di ba may pupuntahan ka? Sumabay ka na saken. Harmless ako at hindi ako magnanakaw."

Dahil sa natulala ako, nilagpasan nya ako at pumunta sa kotse nya at ipinasok sa backseat ang mga gamit ko. At bigla na lang ako nabalik sa ulirat ko.

"Teka lang yung sasakyan ko!"

When I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon