Part Two

4 0 0
                                    

"Leche! Asan na ba yung tissue sa bag ko?!"

Taeng tae nako di ko pa makita yung tissue ko! Kinalkal ko na lahat ng bag ko. Feeling ko sobrang nawi-weirduhan na sakin si Karl.

"Asan na ba yun?! Dalhin ko na nga lang tong bag! Bwiset!"

At karakaraka nakong lumabas ng kotse papuntang CR. Gaga talaga. Ngayon ko lang naisip na pwede ko namang dalhin na lang yung bag ko at sa CR ko na lang hanapin. Nakita ko pa naman sa peripheral vision ko na gustong gusto nakong tawanan ni Karl sa kagagahan ko. I know, I know.

Buti na lang at tamang bag ang nadala ko, dahil nasa kailaliman pala nakalagay yung pesteng tissue na muntik pang sumira sa future ko. Halos 10 mins. din ang inilaan ko sa CR. Gusto ko pa nga sanang mag-stay kasi airconditioned yung CR kaya lang naisip ko bigla si Karl, baka isipin nya na sinarap ako sa CR. Sobrang nakakahiya na sa kanya. Syempre bago ako bumalik sa kotse, I make sure na naghugas ako ng kamay, maglagay ng hand sanitizer at spray ng cologne (baka mangamoy yikes!)

Ngiting ngiti akong bumalik sa kotse dahil syempre, "success" ang mission ko. Hahahaha

"Sorry, medyo natagalan ako. Sobrang sakit kasi ng tyan ko."
"Okay lang, buti nakadaos ka na."

Narinig ko naman ang mahinang tawa nya. Ewan ko ba, kahit alam kong major major turn off yung ginawa ko parang hindi naman ako nailang sa kanya.

Nagpatuloy lang kami sa byahe, nakagaanan ko na talaga ng loob si Karl. Medyo close na kami, medyo lang naman. Na-traffic lang kami kaya ginabi na din kami sa daan. At inaamin ko na sobrang ingay ko sa byahe, kawawa naman si Karl. Pero cool lang naman sya, kanina pa.

"Sky, saan ba kita ihahatid?"
"Ah, sa ******* village."

Tinuro ko naman ang daan kung saan yung village and within 5 mins. nandun na kami sa mismong gate.

"Teka, makakapasok ba tayo dito?"
"Oo, sabi sakin ni mommy na sabihin ko lang daw sa guard kung sino yung dadalawin para payagang makapasok yung sasakyan. Punta ka sa may gate, ako kakausap kay kuya."

Lumapit naman kami dun sa may gate ng village.

"Goodevening po kuya, kay Mrs. Imelda Mendoza po."
"Goodevening ma'am, tuloy po kayo. Daretsuhin nyo lang po yan tapos kanan kayo sa pangatlong kanto, hanapin nyo na lang po yung Magnolia St. at ayun na po."
"Thank you kuya!"

Sinunod naman namin yung directions na binigay ni kuyang guard. Infairness naman itong si Karl, magaling na driver.

"Pano ba yan, nakarating ka na din sa wakas."

Sabi ni Karl habang pinapatay ang makina ng sasakyan.

"Oo nga eh, at hindi ako makakarating dito kung hindi mo ko nakita sa gasoline station. Kaya pwede bang favor?"
"Ano ba yun?"
"Pwede bang samahan mo ko sa loob?"
"Ha? Kamag-anak mo yung mga nasa loob ng bahay na yan tapos magpapasama ka sakin?"
"No, I mean I'm inviting you sa family gathering namin. Para naman makapag-pasalamat ako sayo."
"Wala naman yun sakin. Sige na, go ahead. Baka hinihintay ka na nila."
"Sige naaa. Sumama ka na sakin? Harmless din naman ang mga tao sa loob ng bahay na yan no. Please?"

At nag-puppy eyes ako sa kanya. Para maawa sya sakin.

"Okay fine."
"Yey! Tara naaa!"

Lumabas nako ng sasakyan then binuksan ko yung backseat para makuha yung bags ko doon, bale 5 bag yon. Tinulungan naman ako ni Karl na buhatin yung mga bag na yun. Such a gentleman. Pumasok na kami ng bahay, as usual sobrang ingay.

"Sky, hindi ba nakakahiya? Baka magalit sila na nag-imbita ka ng outsider?"
"Naku hindi yan. Eh ikaw nga ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon eh. Ipapakilala kita sa family ko para hindi ka mahiya, okay?"

Ngitian na lang ako ni Karl. Dumaretso kami sa garden since nandun ang party. Hahanapin ko pa lang sana sila ng bigla akong tinawag ng mommy ko.

"Sky! Andito ka na pala! Kanina ka pa ba? Himala at umabot ka, akala ko ba tinatamad kang mag-commute?"
"Hindi po ako nag-commute, nakisakay po ako sa bago kong friend. Speaking of, mommy I want you to meet Karl. Sya yung kasama ko pumunta dito obviously. Hinatid nya ako dito and ininvite ko na din sya para naman makapag-pasalamat ako. Karl, mommy ko."
"Hello Karl, ako ang mommy ni Sky. Thank you sa paghatid mo sa anak ko. Kumain na ba kayo?"

Hindi pa man kami nakakasagot ni Karl eh biglang sumulpot si Lola.

"Sky! Apo ko! Andito ka na pala! At sino naman itong kasama mo? Ipakilala mo naman sya sa akin."
"Ay opo. Lola, sya po si Karl. Friend ko. Hinatid nya po ako dito ang ininvite ko na din. Karl, Lola ko."
"Goodevening po."
"Hello hijo. Welcome sa family namin. Salamat naman ay sa wakas ay may dinala na ring boyfriend itong si Sky namin! Dalaga na ang apo ko!"
"Lola! Hindi ko po sya boyfriend! Friend lang po."
"Eh bakit ba? Gusto ko syang tawagin na boyfriend mo. Dun din naman ang punta nyo."

Tsk. Si lola talaga.

"Teka, kumain na ba kayo? Nandun yung buffet, kumuha na lang kayo ng pagkain nyo."

Sabi naman ni mommy sa amin. Dahil alam nyang mangungulit lang ng mangungulit si lola. Haynako, ipipilit at ipipilit talaga ni lola kung anong gusto nya. Matanda na kasi.

Binaba na muna namin ni Karl yung gamit ko then kumuha na kami ng foods namin. Syempre kailangan kong asikasuhin ang bisita ko. Nakahanap naman kami ng table ni Karl na pwede saming dalawa tsaka yung malayo sa ingay.

Kakasubo ko pa lang ng malaking serving ng pasta, ng biglang may naki-table sa amin.

"Aba, tama nga ang sinabi ng lola mo. May boyfriend ka nga daw na dinala dito."

WHAT?! Grabe talaga yung lola kong yun! Kung anong maisipan na lang! At dahil puno yung bibig ko ng pagkain eh hindi ako makapag-salita. Kaya nag-hand gesture na lang ako na parang sinasabi ko na 'hindi'.

"Ikaw talagang bata ka. Tatanggi ka pa. Sige na, kain lang kayo ng kain dyan. Hijo, madami pang pagkain dun ha. Kain lang, wag mahihiya."
"Sige po."

Matapos kong manguya yung kinakain ko, tsaka ko pa lang nagawang mag-sorry kay Karl.

"Karl, pasensya ka na talaga sa kanila. Medyo may mga topak lang sila palibhasa kasi may family gathering kaya ayan ang lalakas mantrip. Sorry talaga."
"Hindi okay lang. Kakatuwa nga kayo eh, lalo na yung lola mo. Ang cute nya. Hahaha"

Tumawa lang si Karl.

Maya maya pa, natapos na kami ni Karl na kumain. Hindi kami makapag-kwentuhan kasi sobrang ingay talaga. Parang may sabong. Tapos sobrang lalakas pa tumawa ng iba ko pang mga lola. Nakakahiya sa kapitbahay ni Lola Imelda. Tsk. Pero sabagay, sya din naman ang ingay nya.

Habang kumakain naman kami ni Karl ng dessert, sumigaw na yung isa kong lola.

"Sky! Sky! Tara dito! May picture taking. Sama mo yung boyfriend mo!"

Ako at si Karl 😳

When I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon