Part Three

6 0 0
                                    

Dahil wala naman kaming choice eh pumunta na lang kami ni Karl sa family ko para magpa-picture.

"Napaka-galing talaga pumili ni Sky, ang gwapo gwapo ng boyfriend nya at ang bait bait pa!"

Pagmamalaki na naman ng lola ko na sinang-ayunan ng daddy, mommy, lolo, kapatid at mga pinsan ko. Kainis talaga sila. Binigyan ko na lang ng awkward na ngiti si Karl at nagulat naman ako ng tinawanan nya lang ako.

"Okay, okay. Ready na. Smile!"

Sabi nung tito ko na kumukuha samin ng picture. Bale ang pwesto namin ay nakaupo sa unahan namin sina lolo at lola tapos sina mommy at daddy then mga tito at tita ko. Kami namang magpi-pinsan eh nakatayo sa likod nila. Nasa gilid lang kami ni Karl.

"Ay Stephen, kuhanan mo lang kami ng maraming picture dahil may bagong member ng family. Karl hijo, welcome sa pamilya namin."

Sabi ng lola ko sa tito ko. Gustong gusto talaga ni lola si Karl. Type kaya nya? Omg. Nagulat naman ako sa naging sagot ni Karl.

"Salamat po dahil tinanggap nyo ako."

Tapos ngumiti sya sa pamilya ko. Ang bait pala talaga ni Karl no?

"You are always welcome hijo. Basta ba aalagaan mo tong si Sky namin eh. Hahaha. Nako, kinikilig ako sa inyong dalawa! Osha, picture picture!"
"Wacky naman guys!"

Sabi ni tito Stephen sa amin. Kaya umayos na kami para sa wacky. Inakbayan ko na lang si Karl at medy nagulat ako nung hinawakan nya ang bewang ko. Nagkatinginan kami at parang nagkaintindihan kami na sakyan na lang ang trip ng pamilya ko. Bigla naman kaming nagtawanan.

*click*

Nagulat naman kami sa flash ng camera. Hindi pa kami ready!

"Ang sweet sweet nyo talaga mga apo!"

Sigaw na naman ni lola habang pinapakita sa kanya ni tito Stephen yung wacky shot namin. Nakuhanan yata yung nagtatawanan kami ni Karl. Tsk. Candid.

Bigla namang nilabas ni Karl ang phone nya at ibinigay kay tito Stephen.

"Teka, isa pa guys! Dito naman sa phone ni Karl."

Sabi ni tito sa amin.

"Para saan yun?"

Bulong ko sa kanya.

"Souvenir para sa bago kong pamilya."

Nag-wink sya sa akin sabay akbay at tumingin sa harapan. Bagong pamilya? Pinandigan na nya talaga? Haaay. Mukha namang okay lang sa kanya kaya sige, sakyan ko na nga lang din ang trip nila.

"Ready na! Okay. 1..2..smile!"

Ngiting ngiti naman si Karl habang tinitignan ang picture namin sa phone nya. Bumalik na kami sa table namin.

"Uuwi ka na ba?"
"Ha?"
"Naku, hindi sa pinapauwi na kita ah? Baka lang kasi gusto mo ng umuwi."
"Hindi, okay lang. Nag-eenjoy ako dito."
"Uuwi na rin ako maya-maya eh."
"Bakit? Hindi ka ba sasabay sa family mo?"
"Hindi. Dito kasi sila matutulog eh. Kailangan ko na din kasi umuwi dahil may gagawin pa ako sa bahay."
"Commute ka?"
"Oo."
"Ha? Magco-commute ka mag-isa? Gabi na eh. Dito ka na lang matulog."
"Naku hindi talaga pwede. Kahit gusto ko."
"Sige, pero favor naman."
"Ano?"
"Ako na maghahatid sayo pauwi."
"Wag na. Mag-aaksaya ka lang ng gasolina. Tsaka mapapagod ka mag-drive. Kaya ko naman mag-isa."
"Hindi pwede. Basta, ihahatid na kita. Sabi sakin ni lola na alagaan kita diba?"

Napatawa naman ako.

"Ikaw ah, pinandigan mo talaga yung kalokohan nila."
"Okay lang naman sakin eh."
"Sige na nga."

Ang bait bait talaga ni Karl. Swerte ng magiging girlfriend nya.

"May gusto ka pa bang kainin?"
"Busog na busog na nga ako eh."

Bigla namang nagsi-datingan yung mga may topak ko ding pinsan.

"Hi ate Sky! Ipakilala mo naman kami sa boyfriend mo!"

Sabi ni Kim. Napatingin naman ako kay Karl, tumango lang sya sa akin habang nakangiti.

"Ah eh, si Karl b-boyfriend ko. Karl, mga pinsan ko, sina Kim, Ash, Kath, at Ryan."
"Hi kuya Karl! Boto po kami sa inyo ni ate Sky! Bagay na bagay kayo!" -Ash
"Salamat." -Karl

Nakipag-kwentuhan lang sila sa amin saglit at syempre nakipag-selfie na rin. Mawawala ba naman yon?

"Wala pa tayong picture na dalawa."

Sabi bigla ni Karl sa akin.

"Oo nga no. Tara, picture tayo!"

Nagpicture nga kaming dalawa, ang gamit namin yung phone nya. Naparami yung selfies namin. Nasa mood kasi kami pareho. Hahaha.

"Tara, uwi na tayo. Baka ma-traffic pa tayo eh."
"Sige, ikaw bahala."
"Kunin ko lang gamit ko ah? Dyan ka muna."

Paalam ko sa kanya at pumasok sa loob ng bahay. Natagalan ako kasi ipinasok pala ni mommy sa guestroom yung mga bag ko kaya hinanap ko pa. At syempre nag-banyo na din ako.

Pagbalik ko ng garden nakita ko na nakatayo si Karl at medyo nakangiti. Bakit kaya?

Lumapit ako sa kanya.

"So, tara na? Teka, paalam muna tayo kina lola. Siguradong hahanapin ka nun."

At hinanap nga namin sina lola. Buti nasa isang table lang sila.

"Ma, lola, Dad, lolo, alis na po kami. Gagabihin na po kami eh."

Paalam ko sa kanila. Kiniss ko naman sila isa isa. Nabigla ako nung lumapit si Karl sa mommy at lola at kiniss din sila.

"Salamat po ulit. Nice meeting you po. Nag-enjoy po ako."

Sabi ni Karl sa pamilya ko.

"Walang anuman Karl. Basta ba ipangako mo na nandito ka ulit sa susunod na family gathering namin ha." -Lola
"Sige po. Walang problema."
"Alis na po kami." -Ako
"Mag-iingat kayo ah?" -Mommy
"Ako na po bahala kay Sky." -Karl
"Bye po."

Paalam ulit namin sa kanila. Naglalakad na kami palabas ng bahay ng may naisip ako.

"Karl, nasan yung susi ng sasakyan mo?"

Nilabas naman nya yung susi nya.

"Eto, bakit?"

Bigla ko namang kinuha yon.

"Let me drive."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 09, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon