Nandito ako ngayon sa loob ng dressing room. Nalilito kung paano soutin tong dress madami kasing pa x-x eh diko maayos, kanina pako dito, diko naman matawag-tawag yung nag dala sakin dito kasi umalis sya babalikan nya lang daw ako.
Kaya ito ako ngayon namomomroblema.
"May tao ba dito?" May kumatok sa pintoan, babae ata. Siguro magbibihis din sya.
Binuksan ko kaunti ang pintuan at sumilip. Babae nga, nilakihan ko kaunti na kakasya ang mukha ko.
"Ahm magbibihis kadin ba? Pwede mo ba kung tulungan? Diko kasi Alam pano suotin to eh, bago lang ako" ngumiti sya at nilahad ang kamay.
"Ah Oo walang problema, magbibihis din naman ako eh, ako nga Pala si Shaine Fernandez, Halika ka"
Pumasok sya at inayos ang aking gown or dress na ata.Ewan ko.
"Ano ba talaga ginagawa dito?" Tanong ko dahil naka talikod ako sa kanya di ko sya masyado makita, though may salamin sa harap.
"Modeling lang to, yung may-ari kasi ng bar nato ay model dati Kaya naman isang beses sa isang lingo o minsa dalawa nagpapa-runway sya dito, matanda na kasi sya Kaya binigbigyan nya ng pagkakataon yung mga designer's na mag present ng mga gawa nila dito" Kaya Pala sa labas palang lakas maka fashion show.
"Nandito ba yung may-ari?" Tanong ko
"Minsan nandito minsan naman hindi nakakapunta may ibang business pa kasi sya, oh Ayan tapos na. Ngayon ako naman tulungan mo"
"Pasensya ka na ha probinsyana kasi ako hindi ako maalam sa mga ganitong bar, oh yung fashion runway. Tsaka sino ba yung designer?"
"Nako hindi ka naman iba no. Yung babaeng nakasama mo kanina may tatlong dress syang dinesign dito. Isa sayo at sakin Ewan ko lang kung kanino yung Isa"
"Daldal mo Pala no" nakangiting Sabi ko
"Ganyan talaga ako Kaya wag kana magtaka, by the way, ngayon friend na kita first time palang natin tong nagkita pag dalawang beses na bestfriend na kita ah?"
"Oo ba, basta kung nagkita man tayo ulit dito o kung saan pa tulungan mo parin ako ah?, kasi bestfriend nakita"
Napagaan ang loob ko sakanya unang kausap nya Pala sa'kin. Nasa loob-looban kung wala syang kung anong intentiong masama sa'kin. Di kagaya nung mga ibang nakakasalamuha ko kanina parang ang sasama ng tingin sakin.
Okay ng lahat Kaya lumabas na kami sa Dressing room. Sinalubong kami ng babaeng humatak sakin kanina.
"Okay ng lahat, tapos na kayo Kaya pumila na kayo dun magkasunod kayo ung isa nandon na, last kayo Kaya makikita nyo sya agad. Lalabas nako Okay? Galingan nyo girls ah" ngumiti lang kami at pumunta na sa linya ng lalabasan ng mga models o nami.
"Pano rarampa Jan? Eh hindi naman ako magaling Jan eh."
"Okay lang yon basta wag kalang masyadong ngumiti kasi di naman to pageant eh"
"Ah fierce lang, sige Mas Okay na'yon kaysa sa ngumiti pako"
>>>
"ARE you guys ready?!
Kinakabahan ako wala naman akong karanasan dito eh, unang araw palang ganito na agad ang gagawin. Sana Pala
Nag beauty rest muna ako kahit papano
Para naman walang mukhang itim na bilog sa ilalim ng Mata ko."Here are the creations of our four
Designer's for this evening!!! Let's all welcome the models! ""Okay ng lahat sunod-sunod nalang kayo ng labas naka linya naman na kayo
Pero paabutin nyo muna dun sa dulo yung nauna sa inyo" ani ng babaeng naka headphone.Ako na ang susunod, at parang ang puso ko'y lalabas na sa aking dibdib, diko na mapigilan ang tibok ng puso ko.
"Okay labas na second batch!" Sigaw ng manager kahit nag Kanda Ugaga ang puso ko sa kaba pinilit kung maayos ang pag rampa.
Lumabas ako ng puno ng kompyansa sa sarili.
Hindi ako ngumiti. At inayos lamang ang postura ko.
Nag cat walk din ako.
Hanggang naka abot ako sa dulo.
Feeling ko okay naman ang pag-rampa ko, dahil nagsisigawan din ang ibang mga babae kanina, pero siguro lasing lang sila, ang aga naman nilang malasing kung Ganon.
May mga nag-ingay ding lalaki kanina.
Siguro nagandahan sakin.
Ganda ko naman.
Natapos lahat ng mga rumampang model st bumalik uli ako kanina Para sabay-sabay.
"Very good ka sa rampa mo ah, kuhang-kuha mo yung mga gusto kung postura, mga pa tingin-tingin mo sa gilid gusto ko Yun pero wag masyado ah? Masama ang sobra" Sabi ng manager
"Salamat ho" yun lang ang isinagot nya at hinila na sya ni Ella Para makapang bihis na sila.
"Ayos na ayos ka kanina dapat kunin ka na dito pasok ka Kaya sa mga standard na models dito, tsaka Mas magaling ka pa sa iba. Walang biro yun ah?" Si Ella.
"Ewan ko eh, siguro one time lang to kasi, Dinala lang naman ako ng tiyahin ko dito eh, pero sana nga makuha ako ng may trabaho naman ako"
Gusto kung mag-ipon Para maka-alis ako sa tiyahin ko Para may lakas ng loob akong lumayas, hindi naman sa nag-rereklamo akong andami Kong trabaho sa bahay ng tiyahin ko, pero kung mag-isa nalang din naman ako edi titira ako ng mag-isa, Mas gusto kung ako ang nag-uutos Para sa sarili ko.
Na wala akong hihintayin kung kakain na, wala akong lulutuan kung hindi ako gutom basta yun Mas gusto kung mapag-isa Kay sa makasama ang tiya kung walang ibang inintindi ang parang matatanggap lang.
Napabalikwas ako ng may sumundot sa tagiliran ko.
"Bakit?" Tanong ko
"Miss, pinapatawag po kasi kayo ng mga nag table dun" tinuro nya ang isang grupo sa may likurang bahagi, likuran pero Centro ang stage pag dun ka tumingin.
Siguro napansin ako. Assuming ko no.
"Bakit daw po kuya?"
"Hindi ko po Alam ma'am eh, tinawag lang din po ako"
"Sige kuya salamat" sinundan ko ang tinuro ng waiter, at tumayo sa may giliran.
"Bahit ho?"
"Oh she's using ho pare"
"I think she's a newbie"
"This will be good pare"
"Shut up! Hi! Come have a seat" edi umupo ako sa gilid ulit" Sabi ng isang malalim na boses na nasa gitna ng round sofa.
"No beside me" walang imik akong lumipat sa gilid nya pero nilagyan ko ng konting space sa pagitan.
"May kailangan ho ba kayo? Hindi ho kasi ako waitress dito" sabat ko
"No we just... I just wanted you here beside me" Sabi ulit ng may malalalim na boses.
Magsasalita na sana ako ng may tumawag uli sa pangalan ko. ANG TIYA KO!
——————
Ngayon lang ho nagka time. 😊
YOU ARE READING
For a better tomorrow
RomanceTo have a better tomorrow, we have to leave the dark yesterday.