Chapter XXXVIII

1.3K 89 58
                                    

Yael's POV:

For weeks, laging si Noah ang kasama ko. Ewan ko ba sa babaeng 'to. Ayaw makipagkaibigan sa iba kaya ako lagi ang kinukulit.

"Is it really okay for me to join with your friends?"

"Oo nga, kulit!"

"Di ba pwedeng tayong dalawa nalang? Ayoko ng ibang kasama, Yaeli."

"Kaibigan ko rin sila, Noah.

"Okay," nag-pout ito.

Ilang beses ko nang sinabihan si Noah na ipakilala ko siya sa kanila Bree at Bianca pero todo tanggi naman ito. Ang ending ay madalang nalang akong nakakasabay sa kanila gawa na rin ng todo buntot itong si Noah sa'kin.

"Oh? Buti naisipan mo pang puntahan kami, Yael," sarkastikong sabi ni Bree.

I smiled apologetically to them.

As usual nasa labas kami nagla-lunch. Yung tambayan namin na may puno. Parang nagpi-picnic lang ang peg namin tuwing lunch dahil naglalatag ng kami ng tela atsaka do'n uupo.

"Bianx, Bree, this is Noah," pagpapakilala ko kay Noah though kilala na naman nila 'tong kasama ko. "Noah, they are Bree and Bianca."

"Hello! Do you mind ba if I join you  guys?" si Noah.

"No, upo ka," sagot ni Bianca.

"Great!"

Umupo kami ni Noah at nilapag ang dala naming pagkain.

"I'm friends with Yael since childhood. Kayo?  How long have you been friends with Yael?" biglang tanong ni Noah.

"Itanong mo kay google baka alam niya," pabalang na sagot ni Bree.

"Nagtatanong ako ng maayos."

"Gan'yan talaga 'yang si Bree, Noah," sabi ko nalang.

"Does it matter how long?" sagot ni Bianca.

"Curious lang."

"We're friends since sperm cells. Happy?" sarkastikong sabi ni Bree. Juskong babae talaga 'to.

"I'm trying to be friendly here."

"Try harder."

"Enough you two," sita ko. Parang nagkakainitan na kasi ang dalawa.

"It's delicious, Yael. Try it." Hinarap ni Noah sa'kin ang kutsara niyang may lamang pagkain.

"Bianca, anong magandang pakuluan? Dahon ng lagundi o mukha ng malandi?" si Bree.

"And who are you pertaining to malandi?" tanong ni Noah.

"Ilag-ilag nalang sa matatamaan."

"You know what? I'm done. Bitch," malditang sabi ni Noah.

"Noah," tawag ko rito pero hindi ito lumingon at patuloy lang sa paglalakad.

"You're being rude, Bree,"

"Duh, ayoko makipag-plastikan. Kapag ayoko sa tao ay ayoko. Wait, tao ba 'yon? Parang ahas kung makalingkis sa'yo eh."

"You just met her. Ba't parang galit ka na agad sa kan'ya?"

"Ayoko sa malandi."

"Hindi malandi si Noah, Bree. She's just a clingy friend,"  I defended. Clingy naman talaga ang babaeng 'yong dati pa. Mataas din ang anger issue like Bree kaya siguro hindi magkakasundo itong dalawa.

"Di ka sure, Yael. Malay mo lumilingkis din 'yon sa iba." She shrugged.

"Enough! Ngayon lang ulit tayo nagkasama tapos magsasagutan pa kayo ng gan'yan?" awat sa'min Bianca.

Switched PlacesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon