Yael's POV:
I woke up when someone tapped my face. "Pa?" tawag ko rito habang kinukusot ang mata ko.
"Get ready, Yael. We don't have much time left. Nasa labas na sina Kael at mama mo. Gisingin mo na rin yang kaibigan mo. Ipapahatid nalang natin yan kay Bert," saad ni papa. Oh crap, nakalimutan ko.
"Ako na po ang maghahatid sa kan'ya, Pa. Susunod nalang po ako sa inyo. Just send me the location."
"Such a gentlewoman, are we?" he teased and ruffled my hair. "Make sure to make it on time, Yael."
"Yes Pa. Ingat po."
"You too, young lady."
Tinignan ko naman si Portia. Nakatulog din pala ito. Nakanganga pa ang gaga. "Hey, wake up," I said and shake her shoulders.
She groaned. "Where am I?"
"Nasa impyerno, bawal ka sa langit," barumbadong sagot ko.
"Make sense. Kaharap ko si Satanas," she fired back. Na reverse card ako du'n ah.
"Let's eat before I'll drive you home," sabi ko nalang.
"Sa bahay na ako kakain, 'di pa naman ako nagugutom," sagot nito at tumayo.
"Okay. Wait me here. Magbibihis lang ako saglit."
Nagsuot ako ng simpleng black tube and black din na blazer. Sa bottom naman ay black din na trouser and a pair of heels. Hindi naman halatang favorite ko ang black 'no?
Nagpalit na rin ako ng napkin. Ang pangit dumalo ng party kapag meron ka. Parang hindi ko ata mae-enjoy. Idagdag mo pang parang patungkol sa business iyong dadaluhan namin.
"Naks, babaeng babae Yael ah," bungad sa'kin ni Portia na inirapan ko lang. Babae naman talaga ako, duh.
"Address mo pala?" tanong ko habang naglalakad palabas ng bahay. Nakabuntot naman sa'kin si Portia.
"Omg! Meet my family na ba agad? Wala ng ligaw-ligaw, Yael?" she dramatically said.
"Ilang katol ba nahithit mo?"
"Kj! Sa skwelahan mo na ako ihatid. Nando'n pa ang motor ko."
"Gabi na, Portia."
"Alam ko. Hindi ako bulag."
"Bulagin kita ngayon eh, pilosopa."
"Joke lang. Basta sa skwelahan mo'ko ihatid."
"If you say so," kibit balikat na sagot ko. Halata naman kasing ayaw magpatalo ng isang 'to.
"Sa'n lakad mo?" Ngayon niya pa talaga naisipang magtanong kung kailan nakarating na kami sa skwelahan.
"Party," tanging sagot ko. Wala naman kasi akong alam ng iba pang detalye ng party na 'yun.
"Sanaol. Ipagbalot mo ako ng pagkain dun ah?" sabi nito bago tuluyang lumabas ng sasakyan.
Hinintay ko muna ito na makasakay sa kan'yang motor. Bumusina naman ito bago pinaharurot ang motor nito. I also honked back. Pinatakbo ko na ulit ang sasakyan ko papunta sa address na binigay ni papa. Hindi naman ito may kalayuan kaya nasisiguro kong hindi ako mala-late pa lalo.
Pinara ako ng guard na nasa gate kaya binaba ko ang bintana ng sasakyan ko. "Pangalan po, ma'am?" tanong nito at dumungaw sa bintana.
"Villanueva. Yael Villanueva." Pinapasok din naman ako pagkatapos. Mabuti nalang at pangalan ko lang ang tinanong at hindi nanghingi ng invitation card. Wala pa naman ako nu'n.
BINABASA MO ANG
Switched Places
Fiksi RemajaWhat would happen if you switched places with your twin, who is the polar opposite of you in gender? It sounds fun, but is it a good decision? Or will it simply cause you to be perplexed by your sexuality?