The Comeback

54 3 0
                                    

Lu Han's Pov

"Lu ano ba? Paikot-ikot ka diyan kanina pa! Nakakahilo na!" Sigaw sa akin ni Kris.

Yes tama ang basa niyo Kris nga. Nagtataka kayo bakit kami magkasama? Well, ngayon na kasi babalik sa EXO at hindi ko alam kung matatanggap pa ba nila kami, ako. Lalong-lalo na siya.

"Tsk. Ano ka ba matatanggap nila tayo. Think positive nga Lu!" Sabi niya sabay tumabi kay Tao na nasa sofa

Oh taka na naman kayo kung bakit andito si Tao? Malamang sasama siya sa amin pagkatapos nung lumabas na issue na umalis din siya. Magiging buo na kami ulit.

"Oo nga LuHan Hyung think positive tignan mo malapit na tayo sa dorm" ha? Malapit na kami? MyGosh!

Maya-maya nakarating na kami sa dorm. Nakabalot kami kaya hindi kami masyadong kilala ng fans. Pinapunta muna kami ni Manager sa isang room para makapaghanda ng mga sasabihin namin. Grabe tanggapin pa kaya nila kami?

"Okay guys handa na ba kayo?" Tanong ni Manager

"Opo" sabay na sabi ni Kris at Tao

Parang wala lang sa kanila kasi kasama nila isa't isa. Buti pa ang TaoRis magkasama na. Pumasok na kami sa loob at nakita namin silang kumakain na. Hay eto na!

"GUYS WE'RE BACK!" Sigaw ng TaoRis

"LU HYUNG? KRIS HYUNG? TAO?" Sigaw ni Kai

"Uhuh? Miss us?" Tanong ni Kris

"SUPER! ARE YOU OFFICIALLY BACK AGAIN?!" Baekhyun asked

"YES!" At para silang mga bata at nagsitakbuhan papunta sa amin at yumakap. Pero except sa isang tao.
Siya.

Gusto kong lumapit sa kanya pero natatakot ako. Sa kilos pa lang niya alam ko na. Hindi siya masaya.

"Hoy Sehun ano di ka ba yayakap?" Tanong ni Kris kay Sehun

"OFCOURSE YAYAKAP AKO SA'YO! APPA!" Masaya siyang lumapit kay Kris at niyakap ito pati na din kay Tao.

"Ah Sehun bakit si Lu--" pinutol niya si Baek

"Ah sige akyat na ako. Welcome back ulit Appa at Tao!" Sabi niya bago umakyat papunta sa kwarto niya

"Ah guys medyo pagod kasi kami saan ba ang kwarto namin?" Yan na lang ang nasabi ko kasi naiiyak na talaga ako.

"Ah LuHan hyung kasi si S-sehun ang roommate mo eh. Tapos ang TaoRis" Okay na din yun para makausap ko siya.

"Okay lang"

Umakyat na ako sa kwarto namin. Pagkapasok ko nakita ko siyang nagcecellphone pa at parang may pinapanuod siya. Napatingin naman siya sa akin pero agad din siyang umiwas.

"Ah Sehun k-kumusta?" Tanong ko. Kasi hirap pigilan eh miss na miss ko siya.

"As if naman na may pake ka? Bakit ka ba bumalik?" Sabi niya ng nakapokerface

"A-ah k-kasi n-namiss k-ko k-kayong l-lahat. T-tska p-para s-sa'yo" utal-utal kong sabi kasi pinipigilan kong maiyak. Ang sakit ah.

"Para sa akin? Tsk. Wag ka nga. Hindi mo ako mahal. Bumalik ka na lang sa China. Hindi kita kailangan." Para akong sinasaksak. Ang sakit ah.

"Mahal kita Sehun! Kinailangan kong umalis para sa pamilya ko at para sa sarili ko! Nagkasakit ako Sehun at di ako gagaling kapag di ako umalis" at kusang tumulo ang mga luha ko.

"Kaya mong gumaling dito! Hindi ka na nga sinasama sa mga activities kasi nga may sakit ka diba? Ang sabihin mo gusto mo lang umalis para mas sumikat ka!"
Wala na bang mas isasakit sa nararamdaman ko. Yan ba talaga ang tingin niya sa akin. Huh?

"Yan ba ang tingin mo sa akin? Gusto mo ba talaga ako bumalik sa China?" Para naman isang sakitan na lang sabihin na niya lahat.

"Oo" diin niyang sabi.

"A-ah s-sige m-matutulog n-na a-ako" sabay takbo ko sa kama ko at nagtalukbong ng kumot. Humagulgol ako pero mahina lang para di niya marinig. Ang sakit! Sana di na lang ako bumalik! Pero mahal ko siya eh!

Kinabukasan

Hay. Goo--- ay Morning lang pala kasi hindi good. Bumaba na ako sa sala at andun na silang lahat. At mukhang ako na lang ang iniintay.

"Lu hyung kain na" sabi ni baek.

May napansin ako. Magkakatabi ang Otp. Sa left side ang: SuLay, XiuChen at TaoRis, sa right side naman ang: ChanBaek, Kaisoo at well kasama si Sehun. So ibig sabihin katabi ko si Sehun? No ayoko. Masasaktan lang ako.

"Ah. Mamaya na lang ako kakain." Sabi ko tska lumabas ng dorm. Gusto ko lumanghap ng sariwang hangin.

Naisip ko na lang yung mga sinabi sa akin ni Sehun. Bumalik na lang kaya ako sa China. Baka sakaling maging okay siya at maging masaya.

"Hays. Lalim ng iniisip ah?" Nakakagulat naman to si Baek

"Hindi naman" ayaw ko silang mamroblema

"Lu Hyung alam ko kung ano nangyari kagabi narinig ko kayo. Li hyung wag mo sarilihin ang problema. Andito lang ako. Now, spill it" sabi niya at umupo sa tabi ko

"Baek hindi ko kayang iwan siya ulit. Pero ayaw na niya sa akin. Sabi niya sana di nalang ako bumalik. Baek ang sakit para akong pinapatay. Gusto ko lang naman makasama ang pamilya ko kaya ako pumunta sa China. Di ko siya gustong iwan mahal na mahal ko siya. Baek di ko alam gagawin ko!" Sabi ko at humagulgol ako kay Baek.

"Lu hyung alam kong mahal ka pa niya. Masyado lang siyang nasaktan sa pag-alis mo. Bigyan mo siya ng oras. Marerealize din niya na mahal ka niya" hay. Sana nga

"Salamat Baek."

"No prob Lu hyung"

Pagpasok namin sa dorm ang tahimik nilang lahat. Anyare?

"Uy Chan anyare?" Tanong ni Baek kay Chanyeol

"Sabihin na nating may isang tao na naumpog ng mabuti sa pader" sabi ni Chanyeol habang nakangiti

Sino naman yun? Tss.

"Sige Baek akyat muna ako sa kwarto ah"

Pagkapasok ko sa kwarto naisipan kong tignan ang mga gamit ni Sehun sa tabi ng kama niya. Nakakita ako ng picture naming dalawa. Bigla na lang tumulo ang luha ko. Miss na miss ko na siya. Yung dating kami. Sana pala di ko siya iniwan baka sakali mahal niya pa ako.

"Sehunnie, Miss na miss na kita. Alam ko malaki ang galit mo sa akin. Gusto ko bumalik na tayo sa dati. Yung masaya tapos sweet sa isa't isa. Sehunnie alam ko di mo na ako mahal. Sana mapatawad mo ako. Sana maging magkaibigan na tayo ulit kahit yun na lang. Gusto ko mang maging tayo ulit pero alam ko hindi na mangyayari yun. Sehunnie alam mo ba ang sakit sakit ng naramdaman ko nung sinabi mo na bumalik na lang ako sa China? Na hindi mo ako kailangan. Sehunnie ako kasi kailangan kita eh. Mamamatay ako kapag wala ka. Pero siguro maraming nagbago nung umalis ako. Sehunnie kung gusto mo talaga akong bumalik sa China gagawin ko para sa'yo. Kahit *hik* ma *hik* hi *hik rap. Mahal na mahal kita Sehunnie." Sabi ko habang umiiyak. Alam kong para akong tanga na kinakausap ang picture namin ni Sehun pero yun lang naman ang makakausap ko eh. Kung gusto talaga niya akong bumalik sa China sige okay lang. Kaysa naman magkasama nga kami lagi naman siyang galit sa akin.

Nahiga muna ako sa Kama ko at nag-isip isip. Magpabook na kaya ako ng flight para wala na akong iisipin. Tawagan ko na lang si manager.

(Hello Luhan?)
"Ah manager hyung pwede mo ba ako ibook ng flight papuntang China?"
(Ha? Bakit ka babalik sa China?)
"Basta manager hyung"
(Sige. Pero hindi na ba magbabago isip mo?)
"Hindi na manager" pagkatapos kong sabihin yun binaba ko na ang tawag at napaiyak na lang ako.
Hays.

After ilang minutes tumawag si manager.

"Hello manager hyung"
(Ah Luhan maaga pala ang flight mo bukas. 7:00 ang flight mo pero dapat mga 5:00 nakaalis na tayo sa dorm. Kami na maghahatid sa'yo)
"Sige salamat manager hyung"
Hays. Makatulog na nga.

Kinabukasan

Andito na kami sa airport. Hindi alam ng mga members na nakaalis na ako. Ayokong sabihin sa kanila dahil baka pigilan lang nila ako. Pero umaasa ako na pipigilan ako ni Sehun. Pero mukhang malabo. Siya ang may gusto na umalis ako eh.

The Return [HunHan TwoShot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon