Nagsimulang muli...
Panaka-naka't ...paunti-unting pag-uusap...
"Hello kumusta ?! "
Sabi mo Ng una
Na palagi-lagi Kong sinasagot ng simpleng "okay lang naman."
Kahit Ang totoo'y Hindi naman talaga...Nagtuloy-tuloy na nga ang pagbubukas muli Ng naudlot na komunikasyon...
Na Nung una'y hinayaan lang at di binibigyan Ng toon...
Ngunit Lalo mo itong pinalalim, nagpakita Ng motibo sa akin at.. Ipinakita't pinadama na may pag-aalaga't pagmamahal pa na natitira,
Mula sa kahapon natin...
Na tila ba walang anumang Galit sa mga nagawa ko
Na sa puso't isip mo'y patuloy na ikinukubli...
Yun Pala ito ay bitag na para sa akin...At ito na nga
Ang tanga'y kumagat na
Nagmistulang asong ulol na sa buto ay nag hahabol...
At para bang baliw na umasang may pag-ibig pang natitira sa puso mo't damdamin...
Kahit alam naman Na Ang lahat ay bitag lang upang Ang ganti'y mas malupit pa kesa sa pagkakamali nakin....Pero nakakatawa lang isipin
Na kung gaano mo ko pinagmukhang bobo at Tanga ay ganoon din Ang ginawa mong pag baba sa iyong Sarili...
Tipong Gumawa ka pa Ng kababoyan na pinagagawa mo Rin sa uto-utong si Ako
Mapaniwala lamang na ganon pa Rin kalalim Ang pag ibig mo sa akin...
At Tama ka napakababa!
Napakababa Ng tingin mo sa iyong Sarili
Kaya ibinababa mo Rin Ang iba Ng marating mo Ang kinalalagyan nila...Alam mo bang...
Puso ko'y tinatarak Ng libo libong patalim...
Pagkatao ko't dignidad ay gutay gutay naman din...
Di pa nga kayo nakuntento hah...
Winasak Ang utak ko't pagkatao... Pagkatapos dinurog Ng paulit ulit Ang puso ko!
Inapak apakan Ang anumang Meron Ako!
Hanggang sa maging pino't mawalan na Ng silbi Ang kagaya ko...Kaya naman heto ako't napapatanong sa Sarili ko..
May pupulot pa ba sa basurang ito?!
Na namamag asa't sinasabing ...
Baka nga, may pumulot... pakinabangang muli ngunit Makita Rin lang saglit Ang halagang maaring makamit!!
Kaya naman ay itatapon lang muli!!!Kaya naman ako'y napapahiling ...
Na sana sa pagtapon mo at pagtapon ko sa Sarili ko...
Ay muling may pumulot Makita Ang pakinabang at halaga ko...Yung Tipong kahit lantang-lanta na halaman na Ako..
May mag-aahong muli sa pangit na kinalalagyan ko't...
Ililipat Ang kagaya ko sa napakagandang paso na bato...
Itatanim Ng pagka-ayos ayos..
Didiligan at pupunan Ng pag-aalaga't pagmamahal...
Hahayaang muling Makita Ang sinag Ng mga dadating na Araw...
Hanggang sa muling umusbong, lumago't maging matayog!
Na kahit hipan Mang muli Ng pagkalakas lakas na hangin na may Kasamang bagyo!!!
Ay di na muling mapapayuko,
Tatayo't, itataas Ang noo Saka sasabihing paalam na sa Inyo nakaraan ko...Paalam...
Sa Ating pinilit Kong binuo..
Kaso pinaiikot mo nalang Pala Ako..Paalam....
Na sa dating Ako..
Na umasang, kaya magbigay Ng tao Ng isa pang pagkakataon at hayaang Ang iba ay magbago...
Gaya Ng mga nagkamaling si Ako..
Ah! Tao nga Rin lang Pala kayo
At Diyos lang Ang tanging makagagawa nito😇Paalam...
Sa Ako na naghahangad Ng malinis na intensyon sa mga taong napagkamalian ko...
Ah! Napakatanga ko, wasak na Pala tiwala niyo...
Di na muling mabubuo
Kasi tumatak na Ang kamalian ko!!Paalam sa Ako...
Paalam sa dating Tayo..
Na patuloy na umuukilkil sa isipa't
Pumipiga sa mga kalamnan ko!Paalam...
Di na muling lilingon sa kahapong ito...
Ito na Ang huling Paalam ko..