Nasa school na ako ngayon, sa Williams Academy ako nag-aaral. Hahanapin ko muna kung anong section ko. Kaya nga ako maagang dumating para lang maghanap kung saan ako nakasection. Nauna nako sa dalawa kong kapatid, mababagal kumilos mga yun e. Ang aarte nila e.
Pahirapan talagang maghanap ng pangalan kapag first day of class. Every year kase padagdag ng padagdag ang mga nag-aaral dito e. Because of the school's excellency kaya ganun. Private school ito kaya super ganda.
Papunta ako ngayon sa may dulo ng fourth year building. Nasa 4th floor ang mga fourth year students kaya dun ako agad dadaretso. Sigurado nasa may lower section ako.
Expected ko na yun, kaya sa mga lower section ako mag-uumpisang maghanap.
*Lakad. Lakad. Lakad*
Woops! Mag tumawag sa pangalan ko.
"Jam!" May tumawag sa akin. Nakita ko si Renzo. Siya pala. Isa sa mga barkada ko. Anim kame e. Ewan ko nasaan na yung apat.
"Oh Renzo! Ikaw pala? Kumusta ka? Akala ko bang lilipat ka ng school?" Nilapitan ko siya at tinapik yung isa niyang balikat.
Sabi kasi niya lilipat siya sa Manila, dun sya mag-aaral sa isang Chinese school. Chinese kasi yung daddy nya e. Kaya siguro ganun gusto siyang pag-aralin dun.
"Okay lang ako. Hindi na ako lilipat. Pinakausapan ko na si mommy na sabihin kay daddy. Atyaka hindi naman ako marunong magchinese e." Napakamot tuloy siya ng ulo. Haha! Talagang si Renzo ayaw maging Chino e.
"Haha! Ano ka ba pare! Napag-aaralan kaya yun. Sina Michella at Mikaella marunong nun e, madalas kasi silang maglaro ng ganon nung bata pa sila. Patuturuan na lang kita sa kanila." Tatawa niyan to promise. Haha! Mabenta mga jokes ko sa kanya e. Since palagi ko siyang seat mate, kase alphabetically order ang seating arrangement. Kilala din pala niya sina Michella at Mikaella. Mga kapatid ko yan.
"Tsk! Chinese gater yun e! Hahahahahahahaha! (10,000 times)" Halakhak niya. See? Parang mamatay na siya sa kakatawa e.
"Biro lang yun pare. Pinapatawa lang kita ulit. Tinitignan ko kung effective pa mga jokes ko sayo. Ang tagal nating hindi nagkita e." Tinapik ko na naman yung isang balikat nya. Haha! Sorry po kung mahilig akong manapik ng balikat huh.
Nagbakasyon kasi sila Renzo sa China. Grabe talaga, mayaman sila e. At taga dun talaga ang daddy niya. May sariling bahay pa nga sila dun e.
Pumanik na kami sa hagdan. Hindi uso ang elevator dito kasi hindi naman daw ito mall. Haha! Nakaakbay ako kay Renzo. Nakakamiss makasama to. Siya kasi yung pinakaclose ko sa lahat ng barkada ko e.
Heto na narating na namin yung last section. Class F ang pinaka-lower. Ang daming sections no? Bawat class may 40-45 students. Ganyan kasikat ang Williams Academy kahit na mahal ang tuition at miscellaneous fee.
Tingin. Tingin. Tingin sa mga list. Yung mga list ng mga pangalan is nakaprinted at nakalagay sa bulletin ng bawat rooms. Huh, wala pa rin ang pangalan ko.
"Renz, bakit hindi ka naghahanap kung saan ka nakasection?" Tanong ko sa kanya. Hindi kasi siya naghahanap e.
"Ah. Ah. Eh, nilagay ako sa class A e." Kumamot siya ng ulo niya. Hiyang-hiya ang itsura niya.
"Ah?! A--an--ano?!!" Gulantang ko sa kanya. Hindi rin ako makapaniwala e. Kasi naman masatalino pa ako dito e. Nangongopya nga lang sakin ito e.
"Si mama kasi pinakiusapan niya ang principal para sa class A ako. Since hiniling ko din naman na huwag sa Manila mag-aral, heto yung ginawa ni mama. Ang ilagay ako sa class A para raw magtino na raw ako kasi graduating na ako. Tayo." Kumamot uli siya ng kanyang ulo. Haha! Nakakatawa talaga siya. Gwapo si Renzo. Half Filipino-half chinese pero ayaw niyang maging Chinese e. Haha! Madali raw kasing masira ang mga made in China e. Haha! Kaya sabi niya samin ayaw niyang maging Chino kasi baka raw agad siyang kunin ni Lord. Loko-loko talaga si Renzo.
BINABASA MO ANG
Fall inlove with Me
Teen FictionIto'y tungkol sa dalawang kalalakihan na nagkaroon ng matinding alitan sa pagitan ng isang babae. Mahalin din kaya ni Yesha si Jam kahit na may boyfriend na siya? Matanggap kaya ni Harold kung ipagpalit man siya ni Yesha? At mataggap din kaya ng mga...