First day of class, fourth year student na ako ngayon. Big boy na talaga ako. Haha! Sabi nila masaya daw ang senior life. Well, expected ko naman yun because this is the last year if being a high school student.
Hello sayo! Ako si Jamil John Manguerra. 'Jam' for short. 17 years old na ako. Average student pero gwapo! (Hahaha! Lakas ng confidence e. Pagbigyan madalang ito promise!)
Ako yung tipo na hindi man active sa class pero maraming kaibigan. Di ko naman kasi hinangad na makakuha ng mataas na grades o mapasali sa mga honor students. Basta nakakapasok ako araw-araw, okay na yun.
Simple lang ako kung titignan pero cool kapag nakasama mo na. Ako kasi yung tipo na tahimik lang sa itsura pero kapag nakasama mo na, iba ang dating. Friendly ako at masiyahin kapag kasama ng tropa pero kapag nasa bahay na para akong namamatay.
Alam mo ba kung bakit? Naiinis lang ako sa lagay ng pamilya namin. Broken family kasi kami at ang gulo para sa akin kahit na magkakasundo naman kaming magkakapatid. Naiinis ako sa papa ko, iniwan niya kame for the sake ng kanyang sariling kaligayahan.
Oo, sumama siya sa ibang babae. And now si mama na lang ang kasama namin. Siya na lang ang nagtataguyod sa amin. Nakakaawa si mama. Naawa ako sa kanya kasi palagi na lang siyang ginagabi sa trabaho niya. Palagi siyang nag-oover time para lang maging maayos pa rin ang buhay namin.
Ayaw kasi niya na mahirapan kaming tatlong magkakapatid. Ayaw niyang nakikita kaming malungkot kapag hindi namin makuha ang gusto namin. Spoiled kami kay mama and even before kay papa.
Pero ngayon mag-isa na lang si mama. Mag-isa na lang niyang kinahaharap ang mga bagay na dapat kasama niya si papa. Kasalanan lahat ito ni papa e. Kung hindi siya nagloko hindi mahihirapan si mama. Bakit pa kasi siya naghanap ng iba. Napakaselfish niya! Galit ako sa kanya! Galit na galit!
Ano ba yan! Ang drama ko. Kalalaki kong tao. Huhu! By the way, first day of class na at papasok na ako. See you nalang sa school! Babye!
BINABASA MO ANG
Fall inlove with Me
Teen FictionIto'y tungkol sa dalawang kalalakihan na nagkaroon ng matinding alitan sa pagitan ng isang babae. Mahalin din kaya ni Yesha si Jam kahit na may boyfriend na siya? Matanggap kaya ni Harold kung ipagpalit man siya ni Yesha? At mataggap din kaya ng mga...