Living In The Cemetery
(iluvUluvme)
CHAPTER 1
"UWAAAAAAAHHHHHH!"
"UWAAAAAAAHHHHHH!"
"UWAAAAAAAHHHHHH!"
"Baby Yaki tahan na. Pauwi na tayo."
Halian ang pangalan ng karga karga kong baby. Yaki ang tinatawag namin sa kanya dahil napakaiyakin niyang bata.
Halata naman siguro.
"Sasakay na tayo ng bus. Bawal maingay doon kaya stop crying na."
Nakita ko na yung paparating na bus. Kinuha ko na yung bag kung saan nakalagay yung mga gamit ng iyaking batang
to.
Nung huminto sa tapat ko yung bus sumakay na ako. Alangan namang titigan ko lang di ba?
Friday ngayon ng gabi at rush hour pa dahil saktong uwian na ng mga taong pumasok sa trabaho at school kaya
puno na yung bus na nasakyan ko.
Pero napakaswerte ko dahil may isang lalaking nakaupo kanina na bumaba kaya bakante na yung inupuan nya. Umupo
na ko doon at nilapag sa sahig yung bag. Binigyan ako ng ticket ng kunduktor at binayaran ko na.
Pandalawahan lang yung upuan. Napansin ko yung lalaking katabi ko ay natutulog at nakacrossed arms sya.
Nakajacket na black, pants na black, shoes na black at naka black na SHADES.
Oh di ba?
Hindi naman sya mahilig sa black.
Kapansin pansin sya kasi nakashades sya.
HELLO! Gabi na kaya. Feel na feel nya huh.
"UWAAAAAAAHHHHHH!"
ehhhhhhhhhhh...
eto na naman yung maingay na batang to.
PATAY! Natutulog pa tong katabi ko baka magising sya at magalit.
"Baby shhhhhhhh. Stop na."
"UWAAAAAAAHHHHHH!"
"UWAAAAAAAHHHHHH!"
"UWAAAAAAAHHHHHH!"
Naramdaman kong gumalaw yung nasa tabi ko.
HALA! HALA! HALA!
"Tahan na please. Pauwi na tayo."
"UWAAAAAAAHHHHHH!"
Ayaw nya pa ring tumahan. Yung mga tao tumitingin na sa amin. Nakakahiya!
Inaalog alog ko na sya pero ayaw pa ring tumigil.
Napatingin ako sa tabi ko at nakita kong ang sama ng tingin nung lalaki sa akin parang gustong pumatay. Itong
iyaking baby nalang yung patayin nya wag lang ako. Bata pa ako marami pa akong pangarap sa buhay. Ayy! baby pa
pala tong kalong ko. Nako basta wag ako.
"UWAAAAAAAHHHHHH!"
Ano bang gagawin ko bakit ba kasi pinaalaga sa akin ang batang ito? Si Tita Jen kasi binigay bigay pa sa akin
ang anak nya alam nya namang hindi ako marunong mag-alaga ng bata.
"Ineng hindi ka ba marunong mag-alaga ng bata?" sabi nung matandang babae na nasa kaliwa ko, yung nasa tatlong