Warning: Vulgar and unappropriate words exist in this chapter, if you are easily disturb, then, you may stop reading this...
Chapter 01 - (part 01)
Rape Victim
MABILIS ang bawat pagsa-salit salit ng paa ko kasabay ng malakas na ulan at hangin.
Pakiramdam ko ako'y madadala ng hangin sa sobrang lakas nito. Hindi ko naman alam na may bagyo pa lang parating.
Nang nasa kanto na ako ay nahagilap ng aking paningin ang isang trycicle na nakaparada kaya mabilis akong sumakay ro'n.
"Manong, magkano ang hatid sa Sitio Sinco?" Tanong ko.
Dalwang daan peso lamang ang aking dala dahil ang pagkakaalam ko ay sagot na ng katropa ko ang pagkain ang kailangan ko lamang daw dalhin ay pamasahe pauwi at papunta ro'n.
"Bente lang utoy,"
"Hatid niyo ako dun kuya. Malapit sa basketball court." Ani ko.
Nagsimulang magmaneho ang trycicle driver.
Habang palakas ng palakas ang patak ng ulan, nakisabay si manong ng lakas ng boses niya upang marinig ko ang kaniyang tina-tanong.
"Ikaw ga'y bago lamang rine?" Tanong ng drayber na sinahaman pa ng kaniyang pang-batangueñong accent.
"Opo..." Tugon ko sa malakas na boses upang magkarinigan kami.
"Taga saan ka ga ihjo?"
"Lian po.. Batangas Lian." Sagot ko.
Tumango-tango ang driver. Ilang minuto ang lumipas ay nakarating kami sa Sitio Sinco sa tapat ng basketball court ako binaba ni kuya.
Tanging sarili at pamasahe lamang ang dala ko. May usapan kasi kami ni Anthon na mag-overnight sa bagong bahay ng ate niya. Dalwang araw lamang naman ako dun.
"Jed!" Alingawngaw ng malakas na boses sa aking likuran.
Ipinihit ko ang aking paningin at hayun, naroon nga si Anthon na nagkakaway sa tapat na tindahan ng court.
Ginamit ko ang aking kamay bilang payong sa aking ulo at nagmamadaling tumakbo palapit sa aking kaibigan.
Nang tuluyan akong makalapit, agad kaming nag-fist bomb ni Anthon.
"Tangina pre! Basang basa ka!" Ungot ni Anthon ng akmang yayakap ako sakaniya.
Tumawa ako ng malakas at sinuntok siya sa braso.
"Gago ka! Pinapunta mo ako dito nang mayroon bagyo!" Sabi ko bago humagalpak ng tawa.
.....
UNANG GABI ko rito sa bahay ng ate ng aking tropang si Anthon.
Kasalukuyan kami ngayon nasa malaking teresa, may maliit na lamesa ang nasa harapan namin habang may nakapatong na Soju, shot glass, at chutchirya bilang pulutan.
Kaming apat lang narito, ang ate ni Anthon na si Riza, at ang isa pa namin katropa na si Jomar.
Habang magkatabi naman kami ni Anthon.
"Jed, balita ko'y tumigil ka daw sa pagaaral?" Tanong ng magandang ate ni Anthon.
"Oho eh. Napagisipan ko muna kasing magtrabaho para makapag-ipon ng pangcollege ko." Tugon ko.
Inabot sa akin ni Anthon ang shot glass na may kalahating laman ng soju kaya agad ko iyon nilagok.
"Sayang... 1st year college ka na 'no?"
Magalang akong tumango.
Kasunod naman na tumagay si Riza. Hindi ko maiwasan na mapatingin sa makinis at maputi niyang leeg ng bahagya niya iyon tinaas para lagukin ang soju.
Tumigil ka Jed... Ate 'yan ng tropa mo. Pangaral ko sa aking sarili at tinuon na lamang ang atensyon sa aking alak na iniinom.
Natapos ang inuman ng puno ng halakhak. Hindi ko inaasahan na ganito pala kasaya kasama si Riza.
BINABASA MO ANG
The Curse Of The Victim
Short StoryAll of us are victim... victim of society, world, and ourselves. We have our own mistakes, mistakes that we all need to accept. Accepting is learning your lesson from the mistakes we make. Victims, a hundreds of Victims but can only be described in...