Chapter 4 - Victim Of Envy

6 0 0
                                    


Victim Of Envy (part 2)

Tañia's POV

Hindi pa tumitalaok ang manok ay gising na ako. Panibagong araw, panibagong achievements nawa'y ang dumating sa 'kin.

Halos mapunit ang labi ko sa sobrang laki ng aking ngiti. Pagkapasok ko ng classroom ay agad na may sumalubong sa 'kin ng yakap ang bestfriend ko, si Harina.

"Bes! Bakit late ka na ha? Akala ko ba early bird ang peg mo buong semester?" Ani ni Harina na halos magtalsikan ang laway niya sa lakas nito magsalita.

Bahagya akong kumalas nang yakap dahil sa higpit ng yakap ni Harina.

"Anong late ka d'yan? Ang aga ko kaya. 5:30 AM lang oh!" Pabiro ko siyang inirapan.

Napangiwi ito at pabirong hinampas ang braso ko.

"Nanaray kana bes ha! Sige ganyanan na!" Tampurorot talaga itong si Hari.

"Ito naman ang arte, pagikaw nga ng hahampas no comment ako." Malambing kong asik sa bestfriend ko.

"Dahil tinarayan mo ako, kailangan mo 'ko ilibre mamaya ng graham balls!"

"Hari! Ang mahal kaya nun."

Apaka buraot talaga nitong bff ko.

....

Katatapos lang magclass-dismissed ni ma'am Dalisay nang biglang tumunog ang phone ko, hudyat na may mensaheng dumating.

Agad kong binuksan ang phone ko ngunit hindi ko pa nata-type ang password ng may sumamsam nito sa aking pagkakahawak.

Tumaas ang tingin ko. Bumungad agad ang nakasimangot na mukha ng presidente ng aming classroom.

"May problema ba? Bakit mo naman sinamsam biglaan ang phone ko." Kalmado kong sabi kay Shane.

Tumaas ang kilay nito tila ba'y hindi niya nagustuhan ang tanong ko.

"Bakit mo ginagamit ang phone mo? Hangga't nasa classroom tayo, bawal tayo gumamit ng gadgets." Asik nito.

"Osya sige na, akin na ang phone ko at itatago ko na lamang."

Umirap ito bago ibaba ang phone ko sa armchair ko.

"Pagnahuli kitang nagpho-phone sa loob ng classroom, samsam sakin 'yan." banta niya.

Tumango na lamang ako at siniksik ang phone ko sa bulsa ng aking palda.

"Bakit galit nanaman ata si miss Presi?"

Halos manlaki ang mata ko sa gulat ng bigla nalang magsalita si Hari sa aking likuran.

"Ano ba! Wag ka ngang manggugulat. Aatakihin ako sa puso sayo eh." Nakadantay sa kaliwang dibdib ko ang aking kamay.

"Aatakihin agad? Agad-agad talaga sis?" Inirapan muli ako nito.

"Hay... Ewan ko 'sayo Hari. Tigilan mo 'ko." 

At hayun nauwi sa harutan ang pangungulit ni Hari. Natigil lang kami sa paghaharutan ng may umubo sa harapan ng board.

Agad kaming napa-ayos nang upo ni Harina ng matukoy kung sino iyon. Si ma'am Dinglasan.

"Class maari na kayong maka-uwi. Half day lang daw kayo today sa kadahilanan na may nangyaring aksidente kanina sa building 3. Kaya kailangan muna ma-clear ang area."

Napataas ang kilay ko. Building 3? Hindi ba't ayun ang aming building. Ano kayang nangyari?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 28, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Curse Of The VictimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon