Prologue

14 6 0
                                    

"Talaga bang itutuloy mo na plano mong iyan, Kaila? Ni hindi ka nga kilala nang taong iyan." bulyaw ni Ria sa akin. 

"Kaya nga ako magpapakilala, Ria. Ipapakita ko lang itong sulat at alam kong maaalala niya ako." 

Hawak ko ang isang naninilaw na envelope kung saan nakalagay ang isang liham. 

"Kaila, sampung taon lang kayo nung nakilala ka niya. Umaaasa ka ba talagang makikilala ka pa non?" 

Nakasakay kami ng isang jeep papasok sa eskwelahan. Ito ang huling araw ng Grade 12. Gusto kong maging espesyal ang araw na 'to. 

"Kahit hindi niya ako maalala ako ipapaalala ko. Gusto kong maalala niya ako. Kung hindi man ay gagawa ako ng para upang makagawa muli ng bago. "

Masyado na kong naghintay ng matagal at nanatiling nasa malayo't sinusulyapan lang siya. Ngayon ay alam akong kailangan ko na siyang lapitan.

Ang daming tao sa ground ng school. Kanya kanyang yakapan, abutan ng kung ano, may mga nagpapasalamat sa guro at parang kumukuha ng litrato. May kanya kanya ring ganap ang bawat isa, tulad ko...

Narito ako sa tapat ng building 2 at nag-aantay bumababa ang mga taga-STEM. Hindi ko na sinama si Ria dahil may ipapasa pa raw itong kulang na requirement sa isang namin teacher. 

Ilang minuto pa ay nagsimula na ang pagbaba nila. Marami ang bumati sa aking mga kakilala ngunit tinatanguan ko lang sila dahil iba ang pakay ko rito. 

"Saan ka magccollege, Bri?" tanong ni Harvey. 

Ito. Siya. Si Brian. Siya ang hinintay ko. 

Bumuga ako isang malakas upang maalis ang kaba at saka ay humarang sa dadaanan nito. Inilagad ang dalawang braso habang inaabot ang sulat ng pag-ibig ko sa kaniya. Nakayuko ang ulo at nakapikit ang mga mata dahil hindi ko kaya itong gawin kung titignan ko ang mga mata niya. 

"Please take this." nanginginig akong sambit.

Maliban sa puso kong sobrang bilis ng kalabog, rinig ko rin ang bulungan, sigawan at tilian sa iba't ibang parte ng paaralan. Tila mula sa kani-kanilang gawain ay nabaling saakin ang atensyon nila. 

Minulat ko ng kaunti ang aking matang nakaharap sa sahig, nakikita ko ang maitim at makintab niyang pares ng sapatos. 

Ilang segundo pa akong sa ganoong posisyon ng biglang gumalaw ang mga paa nito. Palayo. 

"Not interested." malamig na sagot nito at tuluyan nang lumisan. 

Ang kaninang sigawan ay napalitan ng katahimikan. Kumpletong katahimikan. Umayos ako ng tayo ang nakitang wala na ang taong kausap ko at napapalibutan ako ngayon ng kapwa ko estudyanteng may awa sa mga mukha.

Panandilian akong naestatwa. Lumabo ang aking paningin dahil sa namumuong mainit na tubig na lumabas rito. 

Naramdaman ko na lamang na tumatakbo na ako. Hindi. May tumatakbo sa harap ko. Mali. Parehas kaming tumakbo. 

Parehas kaming tumakbo dahil hinihila niya ko. Dinala ako ni Ria kung saan ay hindi ko alam. Nang huminto kami ay niyakap niya ako. Saka lumabas ang lahat ng luhang naipon ko. 

"Hindi naman ganon si Brian noon, Ria." hagulgol ko. 

"Shhh. Sabi ko naman kasi sa 'yo, hindi na siya katulad ng dati. Sampung taon lang siya non." habang hinahaplos ang likod ko. 

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya. Pinunasan ang sarili at pilit na kinu-compose sa normal na ayos. 

"Hindi, Ria. Alam kong mabait si Brian. Balang araw ay mapapansin niya rin ako." 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 22, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Fair Winds, CaptainWhere stories live. Discover now