Closeness

23 1 0
                                    

Tuwing sabado, laging ganyan ang ginagawa ko.Pupuntahan siya at magpapakilala kahit paulit-ulit. Hanggang sa..

"Queen! Anniversary natin bukas"

"Oo nga no. Ang bilis ng panahon, Bestfriend" Bestfriend? Ang sakit naman pakinggan. Bestfriend lang. 

"San mo gusto pumunta?" 

"Kahit saan. Basta kasama ko ang bestfriend ko"

"Okay sige. Tara kain muna tayo, gutom nako e, san mo gusto kumain? Treat ko"

"Yey! Sa Mcdo nalang. ayos na ako dun" 

"Ha? Mcdo lang talaga? Ayaw mo sa iba? Ako naman magbabayad e. wag kang mag-alala"

"Ayos lang ako dun. Masarap kaya sa Mcdo no. Lalo na yung Fries nila. Maraming fries ah" Lumakad na siya. nauna siya sakin. nakatingin ako sakanya. diko namalayan naka-ngiti na ako

"Uy. King! Dalian mo. gusto ko na ng fries. tagal mo!" Bumalik siya sakin at hinawakan ang kamay ko.

*Lub.dub.lub.dub*

Ayan nanaman ang puso ko. bumibilis ang pag-tibok.

"Huy King. Natulala kana diyan? Problema?"

"Ah. W-wala"

"Okay" sabay ngiti niya.  Kakaiba talaga tong babaeng to. Mcdo? e yung iba pag niyayaya ko, puro mga mamahaling resto ang gusto -_- sa lahat ng girlfriends ko, ito lang ang kakaiba. Teka, diko naman girlfriend tong si Queen ah. Aist!

Um-order na kame. Jusko po. ang daming fries nito ah

"Oy. Grabe ka naman, Tataba ka nyan e. Ang daming fries e. mauubos mo ba yan?"

"Oo naman no. atsaka okay lang na tumaba, maganda naman ako"

"Ano?? tama ba ang narinig ko? Ikaw maganda? nangarap ka nanaman Queen"

"Ang sama mo naman, bakit? Hindi ba?" sabay ngiti. natulala ako

"Maganda ka" ano ang nasabi ko?! 

"H-ha?" namumula na siya

"A-ano. a-ng sabi ko, Ang ganda. nung fries. Oo tama! yun yung sinabi ko. Ang ganda nung fries. Favorite ko nga yan e" Kumuha ako ng marami at sinubo ko. Nahihiya ako sa sinabi ko.

"Oyy. tama na yan! Akin yan e. bumili ka nga ng sayo"

"Damot mo naman. konti lang e"

"Oo na-- teka King lapit ka dito."

"Bakit?" 

"Basta!"

"Bakit nga?"

"Basta nga"

"Wag mo kong sasampalin ha?"

"Bat ko naman gagawin yun. di no." lumapit nako.

"Ang dumi mong kumain, para kang bata." Pinunasan niya yung gilid ng bibig ko. natulala ako sakanya(nanaman)

"Wuy. ayos ka lang?" sinampal nya ako ng konti. Nagising ako.

"O-oo. hehe, teka, sabi ko wag mokong sasampalin e."

"Hehe, Peace! v(^.^)v"

--

Hep hep! May part2 pa to. Aalis lang kame saglit. Hahaha, Nabitin din ako e. Ang konti ng update no? XD May share lang ako, Kahapon nasa SM Clark si Daniel Padilla. Mygheeed :"""> Sobrang siksikan talaga, First time kong pagpawisan ng ganun. Parang di mall yung pinuntahan ko kahapon. -__- KShare. HAHAHA :D Vavuhh.

-MG143♥

My Valentine(Short-story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon