Closeness part2

36 0 0
                                    

Pagkatapos ng Fries session namin ni Queen, gumala lang kami dito sa mall. Pumunta sa Arcade, World of Fun, Quantum, nag Imax. Napapagastos ako dito sa babaing to ah, Pero ayos lang. Mayaman ako e. Joke, Haha. Ayos lang na magastusan kung sa mahal ko naman. Huh? Anong sabi ko? tsk tsk. malala na nga ata ako. -_-

Katapos kami maglaro, Nagpahinga muna kami, umupo sa foodcourt. Buti nakaramdam din ng pagod tong mahal ko, este si Queen. Hehe

"San mo pa gusto? Baka gusto mo pang bilhan kita ng net at bola para makapag-laro ka sa bahay nyo?" Medyo sarcastic kong pagkakasabi

"Talagaaa? Bibilhan mo ko? *.*"

"Biro lang. 'to talaga"

"Hmp! Biro daw? Dali na bilhan mo na ako, please? sige na pooooo *pout*"

"Queen, Biro lang talaga yun. Marami na akong nagastos sa'yo hoy. Nagugutom na yung wallet ko" 

"Sorry" sabi nya, nangingilid na din yung luha nya, Bigla akong nag panic.

"Huy, Joke lang yun ano ba, Di pa ubos pera ko. wag ka ng umiyak" sabi ko

"Sorry talaga, Di ko naman kase alam e. Gusto ko lang mag-enjoy tayong dalawa, sumobra na ata ako" sabi nya

"Naku, ikaw talaga oh. Napaka 'cry baby' mo, kaya love kita e"

"Sinong cry baby ka dyan?"

"Sino pa ba? Ako? Ako? Ako? Ikaw kaya. Cry baby! :P"

"Hindi ah!" tapos lumuluha nanaman siya, napaka sensitive naman itong mahal ko, este ng BESTFRIEND ko.

"Dito nga" sabi ko, sabay hug sa kanya "Wag kanang umiyak dyan, bibilhin na natin yung net at ball mo" sabi ko

"Talagaaa? *o*" sabi nya, para talaga siyang bata.

"Opo" sabi ko.

"Thank you, sigurado matutuwa si Charles dun" si charles? anak ng tita niya. 4 yrs old na siya.

"sweet naman nila"

"sana ganyan nalang din yung boyfriend ko"

"oo nga. napaka-understanding"

"bagay sila. perfect couple"

Yan yung mga naririnig kong comments sa amin, napapangiti ako at sumasaya pag iniisip nilang 'couple' kame. ewan ko ba? Pumunta na kami sa department store, pumunta kami sa Toy section. kahit talaga kelan, tong babaeng to. Haaaist.

"Sir ano pong kailangan nila?" sabi nung sales lady

"Uh, Net at Ball po sana" sabi ko

"Opo, yun po. Net at ball" sabi naman ng kasama ko na sobrang excited. Favorite nya din kase ang Sport na Basketball. Ewan ko ba sakanya?

"This way po Mam, Sir" sabi nung Sales lady

"Meron po kaming iba't ibang sizes para sa iba't ibang age, Ilang taon na po ba ang anak niyo Mam Sir?" Nagkatinginan kami ni Queen. Naka-akbay pa pala ako sakanya, Di kami naka-imik

"Uhh, Mam Sir, Ilang taon na po yung anak niyo para po malaman po natin yung swak sakanya" Saleslady

"W-wala p-po kaming anak. Di k-ko po sya asawa, Hehe" inalis niya yung kamay ko sakanya

"Ah, Miss" sinigt ko "Mapagbiro talaga tong asawa ko, Bigyan mo kami yung para sa pang 4 yrs old. Favorite kase ng ANAK NAMIN yung Basketball e" inakbayan ko ulit siya, siniko nya ako, Grabe natatawa ako sa itsura niya XD

"Huy. ano bang pinag-sasasabi mo?" pabulong niyang sabi. ngumiti lang ako. pabalik na kasi yung saleslady

"Mam Sir, Sorry for waiting, Eto na po. Okay na po ba?"

"Oo, eto na nga. Salamat ah, For sure matutuwa yung ANAK NAMIN. diba Hon?" sabay tingin kay Queen. Nagpipigil na ako ng tawa dito. XD

"Hehe*insert pilit smile*" yun nalang nasabi niya. 

"Welcome po sir. For sure din po, Pogi ang anak niyo, ang gwapo at ganda niyo po kasi e, Bagay na bagay po talaga kayo. diba?" sabay tingin sa gilid niya. may mga nakatigin na din palang ibang sales lady samin

"Oo nga po, Bagay po talaga kayo"

"Salamat ah, una na kami. magbabayad pa kami sa counter" sabi ko, na-feel ko kasi na naiilang na si Queen e

Nung malapit na kami sa counter, inalis ko a yung kamay ko, at tumingin sakanya. 

"Hon, namumula ka-- teka. nag b-blush ka ba?" sabi ko

"Hon ka dyan! Atsaka nag bblush? Ako? Nag bblush? Hindi no. Kapal"

"Weh? Di naman kase masamang aminin na kinilig ka kanina. Honey" sabi ko. :D

"mainit lang kase kaya ako namumula. tse!"

"Mainit? nasa Mall tayo hon, Malamig nga e"

"Tigil-tigilan mko sa kaka-'hon' na yan King ah. masasapak talaga kita"

"Joke lang Hon este Queen. Hehe, Bayad na tayo" Sarap talagang pag-tripan netong babaeng to. halata namang kinikilig din kanina, ayaw pa umamin.

Pagkataposs namin magbayad, kumain muna kami, kwentuhan ng konti tapos umuwi na kame, hinatid ko siya sakanila. 

"King, thank you ha. Sobra akong nag-enjoy ngayon. Pasensya na din, napagastos kapa" sabi niya

"Ayos lang yun, basta ikaw. Thank you din, pinasaya mo ko ngayon, Hon! Hehe v^.^v" sabi ko

"Hon ka dyan! Baduy ha. Haha"

"e anong gusto mo? Sweety? sweetypie? honeybunch? chocolate?"

"Sira ka talaga, O sige na. papasok na ako sa loob. Ba-bye"

"Tekaa!" sabi ko sabay hawak ng kamay niya

"Bakit?"

"Uhm. My Queen may pupuntahan ka ba bukas?"

"Wala naman My King, bakit?" sabi niya

"Uhhh, ano k-kase. hehe" sabi ko. di ko masabi, ampupupu.

"Ano?" sabi niya

"Labas tayo bukas" nasabi ko na din.

"Is that a date?" sabi niya

"uhh? Maybe? kung di ka pwede bukas, okay lang. naiintindihan ko nam--" natataranta kong sabi

"Okay fine, What time? :)" Napatingin ako sakanya. at ngumiti

"5 pm. I'll pick you up nalang dito sa bahay niyo" Sabay ngiti. sobrang ngiti. :)

"Okay, Goodnight King"

"Goodnight My Queen" lumapit ako sakanya, at hinalikan ang forehead "Sweetdreams"

--------------

Emeghed emegheeeeed! Ano kayang mangyayari sa date nila bukas? First anniversary nila bilang magkakilala. Feb.14, Ohmyyy. Ako po'y kiikilig :""> Ngayon nalang ulit nakapag- UD. Well sorry guys. Madami nangyare e, Share ko lang. Ako po ay nanalo, chena! 1st-runner up po ako for Mr&Ms.CFSI sa aming eskwelahan. ginanap po iyon sa SM Clark Pampanga noong Marso 7[napakatagalog po] Yeheeey *clap clap with confetti* and the ff. week po ay Finals namin, And then, cheneeeen! Vacation na, so yun! Hehe, Update nalang po nyan ako. SOON! :)

*SORRY FOR THE TYPO ERROR. DI KO NA PO KASE BINASA ULIT. TYPE TYPE LANG. HAHA*

VOTE. COMMENT. BE A FAN! keke~

 -Missinggirl143♥

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 21, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Valentine(Short-story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon