I. Prologus

18 13 0
                                    

⇨ London, England

1839 Victorian Era

⇨ London, isang lugar na may dalawang mundo, nakahiwalay ang mayayaman sa mga mahihirap.




Sa Westminster..




sa siyudad! nakatira ang mga aristokrato, habang ang mga mahihirap ay nakatira malapit sa mga pabrika at ilog.



Sa Thames..



Iyon ang pangalan ng lugar ng mga mahihirap..

Dikit-dikit ang mga kabahayan, kalat ang mga pulubi't mga magnanakaw at walang sariwang hangin dahil sa mga pagawaang nagbubuga ng usok.

Walang pagpipilian ang mga kapus palad..

Sa ayaw at sa gusto nila'y dito sila titira..

Hindi sila pwedeng manirahan sa siyudad kung hindi'y diskriminasyon ang matatanggap.

Edukado ang mga aristokrato kaya kung mangmang ka at walang yaman ay isa kang ganid sa paningin nila..

Sa putikan nababagay..

Ganito sila kamatapobre..

Akala nila'y madadala nila ang yaman at kaalaman sa hukay..




>>>>




Ako si Erica Lee.. labing-dalawang taong gulang, medyo matanda na mag-isip dahil matagal akong na-ulila.

Namamalimos ng ilang barya para mabuhay..

Ako lamang mag-isa..

Sa lansangan ako nakatira ngayon..

Mga karton at sako ang nagsisilbing higaan ko..

Tanging kayamanan ko na lamang ay ang isang kwintas..

Isang locket na may nakaukit na anghel sa harapan at likod ay isang mandirigmang nakikipag-laban sa mga kalaban nito.

Hindi ko alam anong ibig sabihin nito ngunit alam kong importante ito dahil sa tagal nitong itinago ng aking ama.

Lagi ko itong pinakatatago dahil ito ang ala-alang iniwan sa akin ng mga magulang ko.

Ito'y regalo sa akin noong ika-sampung kaarawan ko..

Hindi ko malilimutan ang pangyayaring iyon..

Masaya kami...

Simpleng handaan ang inihain ng aking ama't ina..

Simple lang..

Nakatira kami noon sa gubat..

Nais namin ng tahimik na lugar..

--------

Flashbacks:

Pagkahipan ko sa aking mga sampung kandila sa aking cake ay doon nagpalakpakan ang aking mga magulang.

" Maligayang kaarawan, anak!! " masayang bati ni mama

" Salamat po, mama!! "

Dahan-dahan naman isinuot sa akin ni papa ang isang kwintas.

" Anak, para ito sa iyo.. "

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 14, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Forever with You [ Revised ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon