Chapter 1 TMYH-TMYL

8 2 0
                                    

Masakit at madilim na nakaraan, ayoko na tong alalahanin pa. Ginawa ko na ang lahat para hindi na maalala to, binago ko ang buong buhay ko para makalimutan lahat ng yon.

Pero dahil lang sa isang lalaki, nasira ang lahat ng yon! Sinira NIYA! sinira niya lahat! wala ng natira kundi ang pagkatao ko at ang binago kong papanaw sa buhay para makalimutan ang nakaraan ko! Wala siyang awa! Dahil sinira niya ang lahat lahat!

Pero isang araw....... nalaman ko......

SIYA,

siya ang lalaking sumira ng lahat sa buhay ko para kalimutan ang nakaraan ko.

Pero SIYA

...... siya rin pala ang nakaraan na nuon ko pa gustong kalimutan.

BAKIT SIYA BUMALIK? BAKIT PA SIYA BUMALIK?

AYOKO NA SIYANG BUMALIK! SISIRAIN NIYA LANG ULIT ANG BUHAY KO!

pero alam kong huli na ........

NASIRA NIYA NA!

mapapatawad ko pa ba siya ??

ngayong alam ko na, pero mahal ko na siya .......

-

HER POV

"Velvet Sophia?!" tawag ng striktong teacher namin kaya itinaas ko ang kamay ko para makita na nandito ako pero nakatungo parin.

"Ms Sophia! I said when I say your name raise your right hand and SAY PRESENT!" nakakarindi ang boses ni mama. tumango na lang ako at sinabing

"present" sabi ko at tumungo muli.

"next time, louder your voice Ms. Sophia! understood?!" sigaw muli ng teacher kong strikto, tumango naman ako.

Ako si Velvet Sophia, 15, nag aaral sa Heel Academy kung saan ako nababagay. Isang normal na paaralan kung saan may simpleng rules na sinusunod ng lahat ng estudyante, walang bullies, walang maaarte, walang mayayabang, walang mga agaw pansin, walang mga nagpapansin, walang mga estudyanteng sobrang yayaman, at lalo na, walang malaking hall at ang canteen hindi nagbebenta ng itlog.

Masaya na ko sa ganitong paaralan, simple lang walang mayayaman. Dahil ayoko sa lahat mapagmataas at mayayabang.

"Nabasa mo na ba lahat ng libro ng Harry Potter? ang galing talaga ng author nuon noh?" tanong ng isang kaklase ko sa isa pang kaklase ko.

" Hindi pa eh. Maganda ba talaga? kakatapos ko lang kasi basahin ang lahat ng libro ng Twilight" sagot naman niya.

" ganun ba? ang alam ko magaling din ang author niyan? pwede muna ba tayong magpalit ng libro? para mabasa natin pareho!" alok niya sa kanya, tumango naman ito at nagpalit na sila ng hawak na libro.

Ganito ang gusto ko, ang eskwelahan kung saan may mga estudyante na may mabuting kalooban, at higit sa lahat, pinupuri lamang ang mga taong dapat hangaan na talagang magagaling, hindi katulad sa eskwelahan ko nuon, pinupuri nila ang isa't isa, kahit ang totoo pinandidirian nila, kapit sila sa kasikataan, ayaw nilang malaos para di masaktan, katulad ko ...

" Okay class. Stop chatting with you seatmates. Listen to me first!" sigaw ng striktong teacher namin. Lahat naman ay tumahimik, umayos ng upo at humarap sa kanya. Pwera sa isa.....

" Mr Collince! " inis na tawag ni ma' am  sa studyanteng prenteng nakataas ang paa sa lamesa niya na nakaupo sa pinakadulo ng classroom.
Lahat kami ay na nakatingin sa kanya at naghihintay siyang sumagot.

Tumunghay lang siya at itinulak ng dila niya ang pisngi niya sa kaliwa at tumungin sa teacher namin na parang sinasabing wala siyang pakialam at wag siya sigawan.

" Ano?" walang galang niyang tanong. nagulat naman ang teacher sa inasta niya.

" Wala kang galang! " galit na sigaw ng teacher at tsaka hinampas ang table niya.

Nagrolled eyes lang ang lalaki at tsaka tumayo.

San siya pupunta?

" Where do you think you're going Mr ?!" sigaw muli ni ma'am, pero parang walang narinig yung lalaki dahil dirediretso lang siyang lumabas ng classroom namin.

Nagsimula ng magbulungan ang mga kaklase ko. Alam kong may mga kaklase akong humanga dahil cool DAW ang ginawang pagbastos sa teacher.

Meron naman ding naiinis dahil sa ginawa niya.

At ako? Ako lang ang nagiisang walang pakialam. Nakasanayan ko nanaman ang mga ganyang eksena. Oras oras ganyan ang mga estudyante sa heel Academy. mapababae man o lalaki. Pwera sakin at sa dalawa kong kaibigan, noon, nung hindi ko pa tinatanggihan ang pagiging sikat.

" Okay class. Stop! " sigaw ni ma'am pero patuloy parin sila.

" I said stop! " sigaw niya at hinampas muli ang desk nya kaya napatahimik  na ang lahat.

" Okay, let's move on about that. Our First lesson for today ....... "

at nagsimula na siyang magdiscuss.
-

Wala pa kong nagiging kaibigan sa eskwelahang to. Hindi ko alam kung bakit, pero ayus narin siguro yun. Pag aaral naman ang pinunta ko dito.
Kesa dati, iniwan lang nila ako.

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

-Ericka 

The More You Hate, The More You Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon