~ Baby your all that I want, when your lying here in my arms.
I'm findin it hard to believe, were in heaven ~Naglalakad ako ngayon papuntang roof top.I mean umaakyat ng hagdan papuntang rooftop. Hehehe.
Tapos na ang lahat ng klase. 4:30 palang naman kaya mamaya na ko uuwi, ayoko ring makisabay sa mga estudyanteng dagsaan palabas ng gate.
~ And love is all that I need, And I founf it their in your heart. It isn't hard to see, we're in heaven. ~
Hindi ko na tinapos ang pagkanta dahil nakapasok na ko ng rooftop. Ay teka, diba labas din to? sa taas nga lang. So .... pumasok ako sa labas? Hay ewan!
Inilapag ko ang bag ko sa sahig at tsaka umupo sa tabi nito.
* wussssshhhhhh *
Ang sarap damhin ng hangin! Mapayapa yung paligid. Sana pala dati ko pa ginawa to. Edi sana simula palang , naging normal na ang buhay ko.
Wala na sanang mabigat at madilim na nakaraan ang araw araw kong naaalala ngayon.
Pinikit ko ang mga mata ko at muling kumanta.
~ Oh thinking about of our youger years, where their's only you and me.We we're young and wild and free. ~
~ Their's nothing that you can't take away from me. We've been high that road before. But that's over now. You keep me comin' back for more... ba-
" Kung ayaw mo matulog, magpatulog ka." hindi ko alam kung sino yun pero ang alam ko isa syang nakakabwisit na lalaki dahil pinigilan niya ang pagkanta ko.
" Sino ka ba? Nakikinig ka sa kanta ko? Nasaan ka?" sunod sunod kong tanong. May mga tao parin palang emo katulad ko sa panahon ngayon.
" Hindi mo na kailangan malaman, at isa pa, ang panget ng boses mo kaya itigil mo na ang pagkanta mo."
ano?! nahiya naman ako sa sinabi niya at the same time, para akong pinagsakluban ng langit at lupa, ngayon lang Muli may uminsulto sa pagkanta ko.
Pakiramdam ko tuloy talagang nasira na ang boses ko. Unang beses niya palang narinig ang boses ko pero napangitan na agad siya. Ganun ba talaga kalaki ang epekto ng nakaraan?
Napansin ko nalang ang paglabo ng paningin ko dahil sa tubig na lumalabas dito. Umiiyak na naman ako.
" Wag kang umiyak. Mali ang umiyal sa bagay ba hindi naman talaga naging parte ng pagkatao mo. Hindi kailanman naging talento ang pagkanta sayo. "
Hi- hindi talento? Pero..... dun ako magaling, at maraming nagsasabi sakin nuon na, na talento ko yun, magaling ako dun.
" Hindi ka magaling, wala kang talento. "
Hindi ko kinaya ang pagbigat ng dibdib ko. Bumagsak nalang ang mabibigat na luha galing sa mata ko.
Pinulot ko ang bag ko at tumakbo pababa ng building, tumakbo ako ng tumakbo kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta. Gusto kong takasan ang boses na nagsasabi saking wala akong talento sa pagkanta.
Talento ko yun, dun ako magaling. Tumakbo ako ng mabilis pero hindi ko parin matakasan ang boses, paulit ulit yun sa isip ko. Hanggang sa manghina ako at bumagsak sa kinatatayuan ko. At pagkatapos nun, hindi ko na alam, wala na akong narinig pa.
xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
- Ericka