3 Months of Moving On

66 1 0
                                    

"Bes, kumain ka na kaya, lalamig na 'yang pagkain mo oh" malumanay na sabi ng kaibigan kong si Venus at tumingin din sa kinaroroonan ng tinitingnan ko. "Oh I see, 'wag ka nang tumingin sa kanila, lalo ka lang masasaktan eh! kumain ka na" dagdag pa niya.

Ako si Anelci Castillo, 4th year high school, 1 month na kaming break ng ex kong si Viel Panaligan at sa nakikita ko ngayon, masaya na s'ya kasama ang bago niya. Edi mag-sama sila! Isang malandi at isang manloloko!.

Tsk. Nasusura ako sa sarili ko, bakit kasi sa isang playboy pa ako nahulog, ayan tuloy, hindi naman niya pala ako seseryosohin at lolokohin lang pala ako. Nag bell na, at oras na para pumasok sa next subject.

"Hayyst. Bes hindi ko na alam ang gagawin sa'yo,parati ka na lang ganyan, wala ka lagi sa.sarili, hindi mo na tuloy nakain 'yang lunch mo. Hayst. Tara na nga sa room" Tumayo na kami papunta sa room. Hayys dati pag-bell na ihahatid n'ya ako sa room ngayon hindi na.

Mabilis na natapos ang aming klase, dahil may meeting daw ngayon ang mga teachers.

"Bes! Tara na, tayo na lang ang natitira dito eh!" sabi ng kaibigan ko.

"Hindi bes, susunduin pa ako dito ni Viel eh! Hinihintay ko pa siya, mauna ka na lang" saad ko naman.

"Bes naman!, 'wag mo nang pahirapan ang sarili mo!, nagmu-mukhang tanga lang d'yan eh! Ayusin mo nga 'yang sarili mo. Andami-daming ibang lalaki d'yan. Yung hindi playboy at manloloko. Mag move on ka na, wala kang mapapala jan sa pagmumukmok at kakahintay sa wala!." natigilan naman ako at napaluha sa sinabi ng kaibigan ko.

"Mag move on? Sa tingin mo madali lang 'yang sinasabi mo? ha?" sabi ko at hindi pa rin tumitigil ang pagbasak ng aking mga luha. Hindi naman kasi talaga madaling mag-move on 'yung iba nga diyan isang taon o tatlong taon bago maka-moved on.

"Bakit? Sinabi ko bang madali ang pagmomove on? Ang sinasabi ko lang naman is kung hindi mo sisimulan magmove on walang mangyayaro dyan sa buhay mo!" sabi nya na parang naiinis na sa'kin. Hindi na lang ako nagsalita. Tama naman siya, walang mangyayare sa akin kung araw-araw lang akong magmumukmok at iiyak. Tama kailangan ko na ngang magmove on.

KINABUKASAN....

"Hi Bes! Ganda natin ngayon ah!" masiglang bati sa akin ni Venus. "Tiningnan mo oh! Andaming taong nakatingin sayo, pumasok na siguro sa isip mo ang salitang MOVE ON. HAHAHA" dagdag pa niya. Yes! Tama ang iniisip nyo. Nagsisimula na akong mag move on.

"Ay Bes! May ipapakilala pala ako sayo, pinsan ko siya uuwe siya next month. Mabait, gwapo at magaling pa siyang magluto Bes. Sinabi ko nga na ipapakilala kita sa kanya. At alam mo ba pag nagkataon ikaw ang una niyang magiging GF." sabi ni Venus at pumasok na kami sa classroom.

"Uyy ang ganda ngayon ni Anelci ah! siguro nakamoved on na siya"

"Siguro may bago na siyang lovelife"

"Oo nga noh!"

'Yan ang mga naririnig ko noong pumasok ako ng classroom.

" Ok sige, I want to meet your cousin, what's his name?"

"Kurt! Cute noh?"

Nagdiscuss lang ng nagdiscuss yung mga teachers and then recess na ang dami kong biniling pagkain nakakapanibago nga, kung noon ni hindi ko mqn lang kinakain 'tong mga pagkain ko ngayon halos manghingi pa ako kay Venus. Haha. Ang sarap bumalik sa dating ikaw.

Noong nagbell na may narinig akong usapan..

"Pare mukhang naka-moved na 'yang ex mo ah! ang ganda nya ngayon. Pwede ko bang ligawan siya?" nakangiting sabi ng kabarkada ni Viel. At ang sunod kong narinig ay ang hiyawan ng mga tao.

3 Months of Moving OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon