On Her Last Day

176 11 0
                                    


Nico's POV

" Anong ginagawa mo kasama siya ha?! "

" Pre- "

" Hindi ikaw ang kausap ko. Ano?! Bakit mo siya kasama?! "

Hindi umimik yung kinakausap ko.

" Hindi mo ba narinig yung tanong ko ha?! Ang sabi ko, bakit mo siya- "

" Boyfriend ko siya. "

" Haha. Siya ba yung pinalit mo sa'kin? At best friend ko pa talaga ah! Hahaha! "

Ang sakit.

" Sige. Naiistorbo ko ata kayo eh. " Umalis na ako doon.

Ang sakit. Ang sakit. Oo. Tanggap ko na kaya naman niya ako iniwan kasi madami akong pagkukulang sa kanya. Pero ang babaw nun eh. Pero alam niyo kung ano talaga yung pinakamasakit? Yung pinagpalit pa niya ako sa best friend ko. Parang ginamit niya lang ako para mapalapit sa bestfriend ko. Lintek!

Ganto ba yung feeling na masaktan sa pag-ibig?

Tangna. Ang sakit pala. Lalo na kung mahal na mahal mo yung tao. Ang sakit. Tae!

Hindi ko napansin na tumutulo na yung luha ko. Wag niyong sabihin na bakla ako. Lahat ng tao umiiyak. Hindilang naman ang mga babae ang may karapatan umiyak. Kaming mga lalaki din. Dahil nasasaktan din naman kami.

Nasunto ko na yung pader dahil sa nararamdaman ko. Tae. Girlfriend- o dapat ex-girlfriend ko , sa best friend ko? Tae. Ang sakit. At yung best friend ko naman, tuwang-tuwa sa nangyayari.

Tae!

Justin's POV

" Bakit mo sinabi yun Mischelle? "

" Sorry. Di ko na kasi alam ang gagawin. Sorry talaga. " sabi niya sa'kin ng nakatungo. " Hindi kasi niya pwedeng malaman. "

" Bakit nga ba hindi niya kasi pwedeng malaman? May karapatan siyang malaman kasi karelasyon mo siya. "

" Hindi. Hindi pwede. Please. Wag mong sabihin sa kanya. Huling favor ko na to sa'yo. "

" Oo na. Sige. "

" Salamat. " Nakita ko siyang tumingala at tumingin sa kawalan.

" Hindi ka ba nahihirapan sa sitwasyon niyo? "

" Nahihirapan. Sobra. Kailangan kong lumayo sa taong pinakamamahal ko. "

" Kung nahihirapan ka, mas kailangan mo siya ngayon. "

" Tama ka nga diyan. Pero dapat na siyang masanay. "

Nakita ko naman ang pagpatak ng mga luha niya. Agad ko siyang niyakap.

" Ang hirap. Sobrang hirap. Di ko alam kung kakayanin ko pa nga eh. Mahal ko siya, sobra. Sobra pa nga ata sa sobra eh. Pero may mga bagay talaga na dapat hanggang dito nalang. "

Nico's POV

Nandito ako malapit sa bahay nila Mischelle. Alam kong nakita ako ni Mischelle na papalapit sa kanilang dalawa kaya nagpaalam na siya kay Justin at agad pumasok sa bahay nila. Nang makalapit na ako kay Justin ay agad ko siyang sinalubong ng suntok. Malakas yung suntok ko sa kanya kaya napaupo siya sa semento.

" Ano bang problema mo 'tol ha?! " tanong niya. Tangna. Problema ko, di niya alam?! Gago siya! Eh siya kaya tong nangunguha nalang basta-basta ng girlfriend!

" Ikaw ang problema ko 'tol! "

" Tungkol ba 'to kay Mischelle? "

" Mabuti naman alam mo na. "

On Her Last Day (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon