Chapter 1.5

1.1K 13 0
                                    

*Jason POV*

"dito na po manong.." pagpatigil ko sa driver

tumigil ang sasakyan at bumaba na ako  nagpasalamat ako kay manong yung driver nila albert sa paghatid niya sa akin dito sa amin 

"pakisabi nalang po sa daddy ni albert na maraming salamat " sigaw ko

ang bait talaga ng daddy ni albert akala ko kasi masungit biruin mo binigyan niya ako higit pa sa scholarship ..Oo higit pa sa scholarship lahat ng gastos sa pagaaral siya ang magbabayad  nagulat nga ako nung sinabi niya sa akin yun

*sa opisina kanina*

"ito  na ba yung kaibigan mo albert?" sabi ng daddy ni albert

"Yes dad " sagot naman ni albert

"pwede na to... " -  sambit ng daddy ni albert pero hindi ko masyado narinig pero si albert halatang nagulat

dad ? sambit agad ni albert na tila gulat sa narinig

"...wala , uhm cge albert iwan mu muna kami ng kaibigan mo " sagot ng daddy ni albert

tumingin si albert sa akin at ngumiti "kaya mu yan " mahinang boses ni albert

ngumiti nalang ako pero halata namang kinakabahan ako

"halika dito iho umupo ka "sabi sa akin ng daddy ni albert

pumunta ako malapit sa kanya at umupo

"albert ,paki lock nalang yung pinto paglabas mo" sigaw ng daddy ni albert

tumango nalang si albert at inilock ang pinto paglabas niya

isang katahimikan ang nangyari paglabas ni albert sa opisina

yung daddy ni albert may hawak na cellphone tila may katext pangisi ngisi pa  ng matapos siyang magtext tumingin siya sa akin  

"so ikaw pala ang kaibigan ng anak ko?" tanong niya sa akin

"Opo..sir " utal utal kong sagot

"ano bang pangalan mo"? tanong niya

"A..a. Albert Delvera po sir" sagot ko na pautal utal

"Ohh..bat parang takot na takot ka dyan? haha..hindi naman kita kakainin, at huwag mu na nga akong tawaging sir Tito nalang tutal kaibigan mo naman si albert " sabi ng daddy ni albert

"Opo.. Siirr.. ay Tito pala" sagot ko

"Good. so pano pala kayo naging kaibigan ng anak ko? tanong niya

kaklase ko po kasi siya nung 1st year highskol hanggang 4th year po".. sagot ko

tumango yung daddy ni albert bilang sagot

"ikwento mu nga sa akin buong pagkatao mo ,yung pamilya mo yung ikinabubuhay ninyo.. taska huwag kang mahiya nandito ako para makinig at tulungan ka ..kayo ng pamilya mo..." mahabang sabi sa akin ng daddy ni  albert

"Cge poo...  "
nagiisang po akong anak ni Marisol Delvera at hindi ko po alam ang pangalan ng tatay ko iniwan kasi kami nun nung hindi pa ako pinapanganak... medyo malungkot kong sabi..   

simula nung iniwan kami ng tatay ko sobrang naghirap po ang nanay ko sa pagpapalaki sa akin  ang trabaho lang kasi ng nanay ko ay nagbebenta ng isda at kulang ang kinikita niya sa araw araw na gastusin sa amin pero sinikap ng nanay ko na pagaralin ako ng elementarya at sa pagsisikap niya nakatapos ako ng elementarya at nakapagaral ako ng highskol dahil naka kuha ako ng scholarship dahil matataas ang marka ko at yun nakatapos ako ng highskol  sa awa ng diyos ang pinoproblema lang nakin  ay kong paano ako makakapagaral ng college ehh. dahil hindi  kaya ni nanay ang pang.araw-araw na gastusin ko at tska hindi na ako makakuha ng scholarship sa paaralan dahil mababa lang ang marka ko nong highskol ako dahil palagi akong umaabsent upang tumulong kay nanay  .."    mahaba kong sabi

"..at dahil gusto kong makapagaral ng college kinubinse ko si albert na tulungan ako makahanap ng scholarship na hindi kailangan ng matataas na grado kaya yun po... " patuloy ko. 

"bakit gusto mo talagang makapagaral ng college?? " tanong sa akin ng daddy ni albert

-tumahimik ako---

"..kasi po.. gusto ko pong tulungan si inay na maiahon ang mahirap naming buhay  at......"

....hanapin yung tatay kong nagiwan sa amin at balian ng leeg ..bwesit."  sasabihin ko sana ito pero hindi kona itinuloy. hanggang ngayon galit parin ako sa lalaki na yun yung tatay ko hindi ko siya mapapatawad sa pagiwan niya sa amin ni inay

"ganun ba iho?" sambit niya

tumango nalang ako bilang sagot

"Cge iho..bibigyan kita ng scholarship pero higit pa sa scholarship dahil ako ang magbabayad  sa mga gastusin mo sa skol lahat lahat na..allowance..dorm..etc"  sabi sa akin ng daddy ni albert

0__0 nanlaki ang mata ko sa aking narinig.

"talaga poo..? "sambit ko na hindi makapaniwala sa narinig

"Oo..iho kaya ihanda mo na ang iyong sarili kasi ngayong lunes magpapaenroll ka sa harrison academy" sagot ng daddy ni albert

"harrison academy?". ngayon ko lang po yan narinig ahh.. san po ba yun ? agad kong tanong

"sa kabilang bayan yun iho all boys school siya may dorm sa loob ng campus ok na yun para sa iyo" sagot niya

" Marami po talagang Salamat t..tito" medyo hiya kong sabi sa tito di kasi ako sanay

"Walang anuman iho...kaya pagbutihan mo ang pagaaral mu dun ha upang makatulong ka sa nanay mo at huwag munang alalahanin ang bayad ...ako ang bahala " ngiting sabi sa akin ni tito sam  sam kasi ang pangalan ng daddy ni albert  "Samuel De Asis"

"ngumiti ako at nagpasalamat ulit..

hindi ko talaga makapaniwala sa nangyari kanina sa opisina ng daddy ni albert  ang bait talaga ni tito sam hindi na ako makapag hintay na sabihin ito ko kay inay

--
--

"oh.anak nandito kana pala" pambati ni nanay sa akin

ngumiti ako at nagmano "nay makakapagaral na ako ng college" tuwang tuwang sabi ko kay nanay

"Talaga anak?" -nanay ko

"Opo inay kasi binigyan ako ng daddy ni albert ng Scholarship  ay hindi higit pa pala sa scholarship dahil ang daddy ni albert ang magbabayad ng lahat ng gastusin sa akin " sabi ko kay nanay

"mabuti naman kong ganun anak..sana makilala ko yung daddy ng kaibigan mo upang lubos na magpasalamat " -nanay ko

"huwag kang magalala inay makikilala mo rin si tito sam yung daddy ni albert" sabi ko

biglang natahimik si inay

"bakit po nay"?? tanong ko na may pagaalala

"Wala anak may naalala lang ako" sagot agad ni inay

niyakap ko si inay " inay matutupad na talaga ang pangarap ko , ang pangarap kong maiahon ang mahirap nating buhay at......" naputol ang pagsasalita ko nang nagsalita si nanay

"..at  anu jason? anu ?...yung paghihigante mo sa tatay mo kong bakit niya tayo iniwan Yan ba jason yan ba anak ? " -nanay ko

umiyak nalang ako sa sinabi ni inay wala akong magawa kundi umiyak letseng ama na yun

"anak huwag mong pairalin ang puot sa iyong dibdib...huwag mong pairalin ang galit mo iyong ama anak...tatay mu parin siya " sabi ng nanay ko

hindi nalang ako sumagot umiyak nlang ako ng umiyak

             *end of chapter*

********************************
Magcomment naman kayo :-)
********************************

The School of Pleasure (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon