Simple. Sa pananamit, itsura maging ang buhay ko, simple lang.
Walang paligoy-ligoy pero wala din naman paroroonan.
Nakararanas ng maliliit na problema, nasosolusyunan naman ng mag-isa.
Simpleng mamamayan, ordinaryong estudyante.
Walang arte sa katawan at may ilang mga kaibigan.
Sumusunod lang sa agos ng buhay at ihip ng hangin.
For me, "What's happening is just what happened."
Paulit-ulit lang ang pangyayari sa buhay ko. Gigising, kakain, papasok at matutulog ulit.
Hindi ibig sabihin niyan ay "BORING" na ako sa buhay ko
I'm trying to say that..
"My life is easy. My life is simple.What's interesting about that?"
Kayo ng bahala umintindi. Dahil kahit sarili ko hindi ko maintindihan.
Basta, Ayoko nang manahimik pa. Hindi na ako mag-aantay pa. Gagawin kong maging makabuluhan at interesado ang buhay ko.
GAGAWA AKO NG SARILI KONG ISTORYA.
BINABASA MO ANG
A Theatre for Our Hearts (written by: Meri_Yan)
General FictionA Theatre for the Theaters...