Scene 3 (Create)

18 2 1
                                    

"I mean... I'm Dave Tristan... You're long lost fiance..."

Ha? Adik ba 'to? O inaasar lang niya ako? May pa-long lost-long lost pa siyang nalalaman. At hindi ko sinabing magpakilala siya, sabi ko---

Omayygie ! Wait...

"Ta.. Tanny..?, is that... you?"

"Yes, Ayeh SURPRISE!"

"Walangya ka! Dame mo pang sinasabi jan! Wahh" Tapos niyakap ko siya. Namiss ko talaga 'tong mokong na 'to!

"Haha ganun na ba talaga ako kagwapo para hindi mo makilala?"

"Psh. Kapal mo pa din ah!" Tapos bumitaw na ako sa pagkakayakap ko sa kanya.

"Biro lang, So kamusta?"

 

Andito kame ni Tanny sa Greenbelt 5, sa La Petite Camille, ganda nga dito e Vietnamese Restaurant siya na may French Twist actually pang pamilya 'tong restaurant na 'to. Dito ko na lang siya dinala, maidala ko man lang siya sa kakaibang resto pero syempre libre niya yung food haha.Aba ako na nagturo kung san 'to noh! XD

"One summer rolls for appetizer, ahmm 1 Pho Combination and a Grilled Beef - Bo Nuong Xa for the main dish... ikaw babe nakapili ka na ba?" Babe? Ok. Baka mapahiya siya sa waiter e XD

"Ahmmm (lipat ng page, andame namang menus mukhang masarap lahat... wala akong mapili... hala feeling ko antagal ko na yata) Ahmm SAME ^_____^v"

"Okay, I'll just repeat Sir, 2 summer rolls for appetizer, 2 Pho Combination and 2 Grilled Beef - Bo Nuong Xa for the main dish" -sabi nung waiter

"Please add  Creme Brulee for the desert and Lemon Iced Tea for ME AND MY BABY" Sabay  akbay. Kekeltukan ko na 'to namimihasa masyado ah! Ngiti na lang ako kay waiter.

"Okay thank you sir, I'll serve it right away!"

Hyper naman ni kuya XD Usap sila ng usap ako nga-nga :P

"Andame mo namang inorder!"

"Okay lang yun, ngayon lang ulet kita nakasama asawa ko :3"

"Tse! Tigil-tigilan mo ako sa kakatawag ng "asawa ko" kanina ka pa ah masasapak na kita!"

""Edi lovey dovey ^_^"

"Lalong hindi! Pshhh" Mukha ba akong ibon? tapos tinanggal ko na yung pagkakaakbay niya kanina pa yan ah! Chansing?

"Okay hindi na po honey :* " Sinamaan ko nga ng tingin!

Nga pala, nawili kasi ako sa pakikipag-usap sa lalakeng 'to. As he said, he is Dave Tristan Than (hindi naman siya mahilig sa tan? pati yung skin nya-- tan? XD) Kababata ko siya. As in childhood friend you know? And matagal na kaming hindi nagkita. Kahit communication nga e wala. Pero ang nakakatuwa dun ay close pa din kame kahit nagkalayo kame! Halos mula nung isilang kame magkasama na kame hanggang naging 8 years old kame. Magbest-friend kasi yung parents ko at parents niya Kaso kailangan nilang pumuntang Cali kasi dun siya gusto pag-aralin ng parents niya at nandun din naman yung business nila. And yung asa-asawa wala pa akong idea. Ewan ko kung totoong "arrange" nga kame... pero kung sakaling totoo... HAYYS Hindi naman siguro :/

"Ano iniisip mo?"

"Ha? W-Wala... Ahmm pero totoo ba?"

"Na?"

"Na ikaw at ako...?" *Biglang kumunot yung noo niya, Hayyys nagmamaang-maangan pa 'to! Nakakailang na ang moment na 'to!!! T_____T

A Theatre for Our Hearts (written by: Meri_Yan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon