CHAPTER1

12 2 0
                                    

June 3, 2019

Still remember Mahal? Eto yung firstday of school.

Pasukan na naman at bilang isang estudyante na tamad, nakakatamlay ang unang araw na ito.

Pagpasok ko palang ng room ay sa unahan agad ako pumwesto ng upo, aba'y nagsisimula ba naman sa letrang A ang apelyido ko, matic na sa harap ako pauupuin no.

Sabi ko mag-aaral nako mabuti para mataas ang grado ko pagdating ng senior high, hehe balak kopa sanang maging valedictorian.

At dahil nga napakaboring ay naisip ko nalang lumingon sa paligid at sa mga nagdatingan ko pang ibang kaklase para malaman kung sino ang pinaka maganda at syempre pinaka gwapo.

Ewan, wala akong mahanap puro dugyot ang nasa school nato Jk.

Pagdating ng teacher sa unang subject ay pinag introduce yourself pa tayong lahat.

Awit nayan sumasayaw pa naman ako pagnakatayo sa harap.

At alam mo ba mahal, una kitang nakita duon. Sa harap ng klase habang nagpapakilala ka nang sarili mo, muted ka ata nung araw na yun dahil kahit nasa harap na ako ay hindi parin kita marinig, mas malakas pa ata utot ko sa boses mo, dagdag mopa ang panyong pilit mong tinatakip sa ilong at bibig mo. Monggoloid kaba?

Char.

Ang pagiging moreno mo at pagiging mahinhin ang pumukaw sa atensyon ko, ganun din ang mala intsik mong mata na kanda ngiti ay tila nawawala.

Pft, mas mahinhin kapa sakin parang ikaw pa ata si Maria Clara at ako naman ay mahihilantulad kay padre damaso na napaka-siga.

Lumipas ang oras at natapos ang unang subject ay nilingon kita.

Nasa likuran ka dahil Letrang 'O' ang unahan ng apelyido mo.

Matagal dumating ang teacher sa second sub, at ang mga kaklase naten ay puro madadaldal na. Napakaingay ng klase pero ikaw?
Nakatingin ka sa blackboard at parang may sariling mundo.

Di naman natatanggal sa mukha mo ang panyo na hawak mo.

Na curious tuloy ako kung ano ang buo mong mukha.
Lumipat ako sa harap ng upuan mo muli kang nilingon.

Tinanong kita, "pangalan mo?"
Naiilang na napatingin ka sa akin
"Ha?" Tumaas ang kilay ko dahil sa lakas ng boses ko ay di mo panarinig ang tanong ko

"Sabi ko, anong pangalan mo?"

"Aaaaahhhh, Rb odhsyakqdg"
Sagot nya, haha tangina neto sarap sapukin. Bulol ampta.

"Amin na nga notebook mo"dagdag ko at kinuha ang notebook na nakapatong sa arm chair mo, tiyak naman ako na nakalagay ang pangalan mo sa notebook mong iyon.

"Arvy odroma"

Hahahahah hayup, bulol na nga parang kinahig pa ng manok ang penmanship ni ggu.

"Odr*n**" sabi mo at hinila sakin ang notebook mo, pero madiin ang pagkahawak ko kaya di mo madaling nakuha, naghawak ang mga kamay naten, at alam kong dahil dun ay magugustuhan mona ako hahahaa, ganda ko kaya imposibleng di ka magkagusto.

Char.

Natatawa nalang ako, dahil para kang mahiyain na ewan, o baka nahumaling kalang sa ganda ko kaya ganun. Di makapagsalita ng maayus at lutang hahaha.

Iniisip ko nun magkakaroon na ako ng kaybigan, pero dumaan ang mga araw may kakaiba na akong napansin sayo lalo na nung nilipat ang upuan ko sa harap mo.

Hawak mo lagi ang buhok ko mula sa likod at inaamoy,
Aaminin ko nailang ako duon, hehe tas nandiri ako onti. Alam mona na conscious ako dahil ganun ka, syempre di pa naman tayo ganun ka close at conservative pa ako nun, ewan ko lang ngayon HAHHAAHA

Tapos isang araw, lunes iyon ay umabsent ako dahil nung linggo ay pumunta kaming baguio at hindi nakauwi agad.

Kinabukasan ay usap-usapan na sa room na gusto mo raw ako HHAHAAHAH

Kilig pempem jk.

Tinanong ko ang mga kaklase naten kung pano nila nasabi iyon at ang sagot ni allen (na matalik mong kaibigan)
"Hinanap ka kase nya nung lunes nanibago ata kung bat wala ka, bigla ka namiss" sagot nya

Mababaw na dahilan para sabihin na gusto mo nga ako, naisaloob ko.

Baka naman nakakamali lang sila, dahil ang turing ko sayo ay kaibigan lang at malamang siguro ganun karin sakin.

Nagpatuloy ang usap-usapan na gusto mo nga raw ako, at napapatunayan ko yun pa onti-onti, apaka torpe mo. Pero alam ko sa malayo tinitingnan mo ako.

Aba'y pag umiikot ang mata ko sa room ay lagi kitang nahuhuli na nakatitig sakin, alam ko naman na maganda ako pero bakit naman ganun ang tama mo sakin. Hhahahahaha

Hindi ata naaalis ang mata mo sakin at ang kahit pagkulangot ko ay nakatingin ka parin HHAHAHA

Minsan naisip ko, hindi kaya ganun din ako? Lagi akong nakatingin sayo para malaman kung nakatingin ka rin sakin HAHHAHA buang.

Pero, kaibigan lang talaga. Nagkaroon ako ng 2 manliligaw mula sa section naten HHAHAHA ganun ako kaganda beh.

Si Miks at Dar.

Pareho pangit HAHAHAHAHAH jk.

May kaya si Miks aaminin ko, hindi naman ako napapalibre sa kanya pero lagi nila ako hinihila para sumama mag fastfood kada uwian.

Si Irish at Miks lagi ang kasama ko pag tapos ng klase.

Nagseselos kaba nung mga panahon nayun?

Hahahaha sabagay nakakabaliw naman talaga ako mahalin.
Biro lang masyado na ata mataas confidence ko HHAHAH

At tsaka di ako makatanggi sa grasya HAAHAH tag-hirap kase pamilya namin nun kase minsan pa sa minsan pumunta sa mga Mcdo, jabi at Kfc.

Kaya ayun, sumasama nalang ako sa kanila para makakain narin ng maayus HAHAHA mindset.

Pero kahit ganun ay nilinaw ko kay Miks na hanggang kaibigan lang din ang tingin ko sa kanya.

Sinagot ko si Dar jusko!

Oo, sinagot ko sya ket pa kandalaki-laki ng bangaw sa muka nya, jk. Nunal talaga yun.

Madaming kaibigan si Dar dahil kasali sya sa isang grupo ng banda at meron silang tinatawag na 'tinapay gang' sa room HHAAHAHAH kadiri ampta tinapay HAAHAH mga amoy putok.

Char.

Nung unang araw namin bilang magjowa kinilig pako, hindi naman tumigil manligaw si Miks kahit may jowa na me. Sabi ko nga diba, nakakabaliw ako mahalin. Lol.

At alam mo ba, sinabi sakin ng mga kaybigan mo na nalungkot ka HAHAHAAHA, kawawa ka naman, Apaka torpe kase ampt.

Kumirot ang puso ko nun sa totoo lang nung malaman na gusto mo na ako layuan dahil nga may jowa na ako, hindi naman kita gusto pero may parte sa puso ko na sana mas maka-close kita lalo.

Hayup na Dar apaka asim, hindi yun joke HAHHAAHHA nung minsan kase na niyakap nya ako ay pawisan sya at amoy na amoy ko sa leeg nya ang sinigang.

Ket nga di sya pawisan ganun parin ang amoy ni gagu HAHAHAHAH pero hindi ko naman iyon pinagkalat nung naghiwalay kami HAHAHHA.

Naghiwalay kami kase nagloko sya 2weeks palang kami nun nung malaman kong may nililigawan sya sa ibang grade

Inisip ko na siguro masama ugali ko kaya nya ako ginanon, pero duhh mas masama ang mukha nya HAHAHAHAHAHAH

Char.

My Perfect ManWhere stories live. Discover now