Rachel"Hello" Mika greeted. I greeted her with a tight hug instead. "Wag, I get dizzy" sabay tawa niya. "Sorry still not okay eh, kapag mainit, saka pag masikip medyo nahihilo ako."
"I'm sorry" niluwagan ko naman ang pagkakayakap ko sa kanya at tiningnan lang siya, still not letting her go.
"We look like a couple. We're hugging here. People are looking at us. Baka sabihin hinahabol mo ako."
"I don't mind"
Mika chuckled. "Baliw. Taxi nalang tayo ha? Had a long walk yesterday, and almost passed out. Sabi ni doc, normal yun kaya magtigil daw ako kakagala"
"Aww, my poor baby"
Tiningnan naman niya ako kaya nginitian ko siya. "Heh" she mocked me at inirapan. "Mag coffee ka? I'll get caffeine free one para masamahan kita. Parang mahaba-haba kwento mo eh"
"Hindi naman" umangkla naman ako sa braso ni Mika at nagpara ng taxi.
Dinala ko siya sa coffee shop na newly opened, kaso madaming tao kaya I opted sa isang secluded place sana; away from people rushing out of their offices. Isa pa it's payday friday kaya di talaga maiwasan na maraming tao pero dahil nga nahihilo di Mika sa crowded at mainit na lugar, ay kailangan namin magikot-ikot para sa maayos na tatambayan.
"Chel, I'm fine with anything" Mika had to remind me nang mapansin niyang hindi na ako mapakali. Umakbay siya. "Kahit nga dun oh" ngumuso naman siya sa direksyon ng isang coffee shop na iilan lang ang tao.
I was really out of good option kaya we settled to what was best available for Mika. Place is cozy, hopefully the coffee is good.
"Best seller po na caffeine free for me, and for this woman, best seller niyong soul kicking espresso please"
"May balak naman ako matulog" natatawang sagot ko sa order ni Mika. "I'll get one small cup of milk please along with that. Thank you"
"And then tig dalawang flatbread saka cheesecake."
"Mika, ako na" singit ko at inabot ang card ko to pay for our meal. "Maupo ka na dun"
"As you say so"
"Jowa niyo po mam?" Tanong ng barista kaya natawa ako.
"Mukha ba? Pero hindi eh"
"Bagay naman kayo." Nakangiti nitong kumento. "Sige po, hatid ko nalang po sa lamesa nila."
"Thank you" I looked at her name tag. "Thank you, Jeanette" sabay nginitian ko rin siya at dinaluhan na rin si Mika.
"How are you?" Tanong ko kay Mika. "Pumayat ka" it was evident on her face. "Parang kulang ka pa sa pahinga"
"Yeah, wala naman ako halos kinain. Either tulog ako then dextrose. Sinong hindi papayat. Namiss ko nga kumain ng may lasang food" Mika pouted. "Pero hindi pa ako makakain nang marami"
"Let's eat kapag okay ka na. Or do you want me to cook something for you?"
Umiling si Mika. "Hindi na kailangan. Ayoko maabala ka" dumating naman ang order namin. "Thank you" ngiti nito sa nagserve at marahang tinanggal ang mga nakalagay sa tray. "I didn't mean to sound na ayaw kong ipagluto mo ako, ayoko lang mapagod ka" paliwanag niya pa.
"Paano kung gusto ko naman gawin para sayo? Gaya ng pasta! Madali lang naman yun lutuin. Or ready made pizza na topping nalang ilalagay ko? Hindi ka nakakaabala sa akin, Mika. Okay?"
"Hmmm, sige kasi friends tayo" sabay tawa niya. "Ano pala nangyari? Ang lungkot mo tingnan kanina. Parents?"
Tumango ako. "That plus I still feel so stupid"
BINABASA MO ANG
One Message Received
Fanfic[An epistolary] Mika was given a different number. Rachel received the message.