PROLOGO

44 5 5
                                    




"Mahal ko, papunta na ako."








Mga huling katagang namutawi sa labi ko bago ako tuluyang malagutan ng hininga.











Kasabay ng pagbalot ng kadiliman sa paligid ko ay ang pagbagsak ng huling luha sa aking mga mata.











"Ngunit..."











"Ito na nga ba ang huli, Mahal ko?"











"Hanggang dito na nga lang ba talaga ang pag-ibigan nating dalawa?"





"Hindi ba kayang magbiro ng tadhana at pagtagpuin tayong dalawa sa ikalawang pagkakataon?"








"Hindi ba kayang magparaya ng langit at hayaang maging isa muli ang dalawang pusong pinagkaitan ng panahon?"








"Hindi ba kaya ng oras na pumihit pabalik mula sa simula?"











"Maari ba akong maging sakim at hilinging umulit muli ang lahat sa kung paano tayo nagtagpo?"











"Kung madadaya lang natin ang panahon at oras, may pag-asa pa ba ang pag-ibigan nating dalawa, Raphael?"

AKO AT ANG GOBERNADOR-HENERAL ( ANG KWENTO SA LIKOD NG LIBRO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon